44

401 14 11
                                    

Jeongyeon's POV



Nasa bahay ako ni Tito at napapunta sa bodega. May inutos siya sakin na kunin ko raw ang isang malaking container. Biglang nakita ko ang isang lalagyan ng saxophone at nilapitan ko ito..

Maraming alikabok sa paligid kaya nilinisan ko ito dahil may rag naman dito..

Agad ko itong binuksan at tumambad sakin ang isang saxophone. Medyo maalikabok kaya dahan-dahan na kinuha ko ito. May sign pa..

Ito yung saxophone ni Papa..

Tapos na alala ko na kumakanta si Mama at nagsikap si Papa na makasali sa isang banda na kung saan vocalist si Mama.

Naalala ko na.. sinabi yun mismo nila sa amin pabalik-balik ni Ate.

Ang bigat kaya inilapag ko muna sa sahig.

Biglang may nakita akong isang litrato sa loob at agad na kinuha ko ito.


Nakita ko si Mama at Papa kasama si Ate at si Tito.

May l-litrato kami?!

Family picture..

Biglang tumulo ang luha ko at niyakap ang picture.

May nakita pa akong isang picture.. may kasama akong isang bata.., tapos ang familiar ng batang babae.

Biglang sumakit ang ulo ko..

Biglang may naalala ako nung bata ako namay kalaro akong batang babae.

Napahawak ako sa ulo ng mahigpit at nabitawan ang mga litrato. 

"Aahhh.."

"Jeongyeeeon!" Rinig kong tawag sa akin ni Tito kaya agad kong itinago ang pictures at inilagay sa wallet ko.

Tiyaka ibinalik sa ayos ang saxophone ni Papa.


Lumabas ako ng bodega at pumunta sa living room.

"Nasaan yung container?"


"Nandito." Sabay lapag ko sa lamesa.



"Jeongyeon..,"




"Bakit po Tito.," huminga siya ng malalim.




"Sinimulan ko ng pinaimbestiga ang case.."




"Tapos?.."


"Kailangan ko ang medical records mo para patunayan na.., hindi ka nagsisinungaling at nasa good state ka."


"Opo.."

"Nakakaranas ka pa ba ng masasamang panaginip?"


"Opo.., bawat gabi po siya nangyayari."


-

Bakasiyon na ngayon pero may summer class kami at may OJT  na mangyayari. Kasi next pasokan magiging 4th year na ako.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now