15

600 24 12
                                    

Jeongyeon's POV

"May utang ka sa akin Mina.." sabi ko kay Mina sabay smirk.

Nagulat naman siya at biglang lumaki yung mata niya.

"May utang ako sayo?"

"Definitely"

"Wow ex ko, ang galing mo mag ENGLISH!"

"Aish, wag kang sumali ex ko usapang babae to.."

"Babae ka ba?" Nakakalokong sabi ni Junior.

Galit kong madiin na tinapakan ang paa ni Junior..

"A-" tinakpan ko ang bibig ni Junior kasi sisigaw nanaman ito sa SAKIT.

"Gusto mo bang halikan kita para patunayang BABAE ako.." marahas na tinanggal niya ang kanang kamay ko sa bibig niya.

"AYOKO! kay NAYEON lang to.." sabay takip ng kanyang bibig gamit ang magkabilang kamay.

"Tsk.. as if naman na hahalikan kita.."

Napatingin ako kay Mina tapos biglang napalunok siya at tumingin sa pader.

Pansin ko lang ha.. ang pula ng mukha niya.

"Huy.." hinawakan ko ang braso niya para tumingin siya sakin.

"Ano" irritableng sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

"Class.." tawag atensyon ni Ma'am Kang samin.

Binitawan ko ang braso niya at umupo na lang ng matuwid.

"Within this week kailangan matapos niyo ng gumawa ng power point ng business plan niyo na dapat ma present next week.. on exactly Wednesday.."

"Okay Ma'am" sabi ni Mina, pero siya lang ang nagsalita sa amin.

Talagang okay lang siya don?!

"Ma'am ang hirap naman ng pinagagawa niyo.." maktol ng ibang classmates ko.

Tapos marami pang nagreklamo samin ng biglang itinaas ni Ma'am Kang ang kaliwang kamay niya.

"AGAIN.. WHINING IS NOT PERMITTED inside my CLASS.."

Nagkaroon ng katahimikan.

"This is my FINAL DECISION.. kung hindi kayo susunod puwes simula monday wag ng pumasok sa klase ko" tumingin si Ma'am Kang kay Mina "atleast may isa na lang akong student.."

"Ma'am hindi naman po kayo mabiro kaya po namin!!" Cheerful na pagkasabi ni Junior sabay sipa ng upuan ko

"O-opo po Ma'am K-kaya namin.." sabi ko pa pero hindi rin ako sigurado sa sinasabi ko ngayon.

"Parang napipilitan ka lang eh.." sabi ni Ma'am Kang sakin.

"Of course not! Diba classmates kaya natin!" Sabay tayo ko at itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang superman.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now