10

560 22 7
                                    

Jeongyeon's POV

Nandito kami ngayon nina Sana, Momo at ako sa Korean Barbeque na pinagmamay-ari sa family ni Junior dito sa mall.

"Feeling ko may feelings pa si Jimin sayo Jeongyeon" sabi ni Momo.

"Wala na yun for sure Sira" sabay batok ko ng mahina kay Momo sa ulo.

"Eh?! Ang sakit non ah!" Sabay palo naman niya sa akin sa braso.

"Aray naman.." sabi ko sabay kain ng pork grilled.

"Ang sarap nito kong may sojo" sabi ni Sana.

"Sige game" sabi naman ni Momo at nilamon na yung mga pagkain.

"HINDI PWEDE" maawtoridad kong sabi sa kanila.

Nagpout silang dalawa.

"May klase pa tayo bukas no, maglalasing kayo diyan tapos ako ang mag aalaga sa inyo.. aba maghanap kayo ng ibang makakasama at tawagin niyo nalang ang mga bf niyo"

"For your information wala akong bf.. nagbreak na kami kahapon" sabi ni Sana at nagpatuloy ng kumain.

Kaya pala sinama ako magshopping para tagabitbit ng mga bibilhin nila ni Momo. 😤

"Pero seryoso Jeongyeon bakit parang iniiwasan ka ni Jimin" tanong sa akin ni Momo.

"Hindi ko alam" sabay subo ko ng maraming pagkain. " wag mo na nga siyang emention baka nakagat na nun yung dila niya"

"Alam mo ba Jeongyeon malapit kong naka fling si Jimin.." sabi ni Sana na nakatingin sa akin ng seryoso.

"Oo alam ko.." sabi ko na wala lang.

Lumaki yung mata niya.

"Teka pano mo naman nalaman at bakit dika nagalit"

"nalaman ko galing sa kanya at Quits lang kami magkafling ko kasi yung bestfriend niya na taga ibang university" tumango tango naman si Sana sa sinabi ko tapos pinagpatuloy yung pagkain.

Napaclap agad ng malakas si Momo tapos pagkatingin ko sa kanya ay may sauce pa siya sa gilid ng labi niya.

"Kaya pala naghiwalay kayo dahil sa sinabi mo kanina.. ang talino ko talaga" sabi ni Momo.

"Hindi no, alam mo ba bago naging kami ni Jimin eh alam naman niya na may something kami sa bestfriend niya" kumuha ako ng tissue at pinahid ito sa gilid ng labi niya "at tsaka I don't even care now kung ano ba talaga ang reason na nagbreak kami.." pagkatapos ay na shoot ko yung tissue sa basurahan at ipinagpatuloy na ang pagkain.

"Wow Jeongyeon nakamove on kana talaga kay Jimin" sabi ni Sana at nag thumbs up pa.

Napatigil ako sa pagsubo ng kimchi.

Shit naalala ko siya dito.. napakagat ako sa labi ko.

Flashback

Kasalukuyang nandito ako sa 7/11 store dahil dito yung meeting place namin ni Jimin sa DATE daw na magaganap ngayon. Kaso napansin ko lang ang lakas ng ulan.

"Jeongie sorry mukang hindi matutuloy yung date natin dahil sa bwiset na ulan nayan.." nakita ko si Jimin na kakapasok lang tapos may bitbit siyang bagback na kulay black na ibinigay ko sa kanya nung birthday niya.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now