12

536 25 7
                                    

Jeongyeon's POV

Puno na ang classroom pero wala pa rin si Mina.

Nasaan na kaya siya?

Ano bang nangyari don?

"Ex ko bakit ka pa nagpopout diyan.. tiyaka di naman bagay sayo HAHAHA!" Sabi ni Junior sa akin at tumawa pa siya ng malakas .



"Sira!" Sabay suntok ko sa balikat niya.


"Aray naman.." tapos hinawakan niya ang balikat at nagpout siya.



"Umalis ka nga diyan! Alis!" Sabi ko sabay tulak sa kanya sa upuan.




"Sama mo!" Tapos umupo na si Junior sa upuan niya.


Biglang bumukas yung pintuan.


Pagtingin ko ay nagtama ang paningin namin..





Ni Professor Kang 😑.

Tinaasan lang niya ako ng kilay sabay lagay ng isang libro at folders niya sa lamesa.

"Okay class diba sabi ko nung last time.. na may partner activity tayo ngayon.." tumango tango naman ako.

"Yes Ma'am.." sagot ng mga classmates ko.


Kinuha ni Ma'am Kang ang marker sa lamesa at may sinulat siya sa white board.




"So discuss this with your partners and this will be submitted today.."




"Ma'am.." maktol ko pati narin yung classmates ko.



"Whining is not permitted in my class... so do it now" maawtoridad na pagkasabi ni Ms. Kang.

Ano bang alam ko sa BUSINESS PLANNING!!

Eh ayoko nga ng business! Gusto ko MUSIC.

Kung pagcocompose ng songs ay magagawa ko yan ng isang pitik lang ng mata ko!!

Pagtingin ko sa kinauupuan ni Mina ay wala talaga siya.

PANO na! Kailangan ko pa naman siya ngayon.

Aish!! Bakit parang ang weird isipin nun..

"Ma'am Kang.." tawag ko kay Ms. Kang.



"I will not entertain you if you ask me questions, on how to do it and what to do.." sabi ni Ms. Kang agad.



"Ma'am hindi naman po sa ganun kaso wala po akong partner eh.. I mean absent yung partner ko ngayon.." sabay turo sa kinuupuan ni Mina.


"Ma'am pwede po siyang sumali sa amin.." sabi ni Junior tapos tumingin naman si Ms. Kang sa kanya
"No.. kailan pa naging triplet ang partner.." sarcastic na pagkasabi pa.

"do it with yourself nalang.." sabi ni Ma'am Kang sa akin.



"Pero Ma'am mahirap po siya at hindi ko po kaya na mag-isa.." pabulong kong sabi.



Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now