13

531 18 2
                                    

Mina's POV


"Ahhh.." napahawak ako agad sa ulo ko.

Ang sakit ng ulo ko parang sasabog.

Kagigising ko lang, pagtingin ko sa alarm clock ay 9 na ng umaga.

Tapos may nakalagay na isang tablet, isang basong tubig at porridge sa maliit na lamesa na katabi sa alarm clock ko.

May sticky note pa.


Good Morning MINASSI!! 😊 bago mo inumin yung tablet sa hangover ay kainin mo muna yung porridge na pinainit ko sa maid at dapat maubos mo yan ah..

Xoxo CHAEYOUNG 😁

Oo nga pala nakainom ako kahapon sa roof top ng 3 lata ng beer.

Nakakahiya kay Chaeyoung! Napapikit ako sa mata.

Papaano kaya niya ako naihatid.

Dapat magpasalamat ako sa kanya no matter what.

Iminulat ko ang mata ko sabay inilagay ang sticky note sa lamesa.

Nagsimula na akong kumain.

Inubos ko ang porridge kasi napakasarap! Wala talaga akong itinira at ininom ko ang gamot. Sino kaya nagluto ng porridge kasi ang sarap talaga.

Tok tok tok!

"Ms. Myoui gising na po ba kayo?..."



"Oo.."

"May naghihintay po sa inyo sa baba.."

Sino ba yun..

"Sino po?"

"Park Jimin daw po"

Biglang kumulo yung dugo ko sa galit.
Manloloko, player, cheater!

'Anong out of line! Ang sabihin mo manloloko ka! PLAYER! CHEATER!'

Naalala ko na uminom ako sa rooftop pagkatapos kong uminom nakatulog agad ako sa sofa.

Biglang may nagflash sa utak ko namay s-sinampal ako..

M-may hinalikan ako!!!!!

Pero bakit hindi ko maalala yung mukha...

Baka naman si Jimin yun..

Hinalikan ko si JIMIN!?

Pinagsabihan ko siya ng mga masasamang salita. Puwes bagay lang yun sa kanya! Because he kissed someone!

And it HURTS!!

"Ms. Myuoi?" Tawag sa akin ng maid.

"Ipaalis mo siya at sabihin na wag na siyang bumalik dito.." madiin kong pagkasabi.

"Opo.."

Kailangan ko ng space..

Malaking malaking space...

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now