8

538 18 11
                                    

Mina's POV

"Mina hindi ka ba talaga sinaktan ni Jeongyeon" nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant ni Jimin para mag dinner.

Kaso hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa ni Jeongyeon sa penguin ballpen ko.

"Hindi nga" walang ganang sabi ko sa kanya.

"Diba binalaan na kita wag kang makipagkaibigan kay Jeongyeon at wag makipag usap sa kanya" sabay hawak niya sa kamay ko.

"Oo nga.., eh nagkataon na naging partner kami sa isang subject" sabi ko sa kanya at tinuon ko yung paningin ko sa pastang nakalapag sa lamesa. Nagsimula na akong kumain.., sa totoo lang wala akong gana pero kumain parin ako kasi ayokong mag alala si Jimin sa akin.

"Tsk.. ano ba talagang balak niya.."

"Anong ibig mong sabihin" naagaw yung atensyon ko sa sinabi niya kanina.

"Mina aaminin kong..." nakayuko siya at hindi makatingin deretso sa mata.

"Anong aaminin mo" kalmang pagkasabi ko sa kanya pero sa totoo lang may kutob akong hindi maganda yung sasabihin niya.


"N-naging kami ni Jeongyeon"


"P-panong"

"Sa totoo lang sineryoso ko siya pero nalaman kong.." for the first time nakita kong galit si Jimin. Dahil napakuyom niya ang kamay niya.

"Nalaman kong niloloko lang niya ako.. kaya nakipag hiwalay ako agad sa tomboy na yun" tumingin siya ng deretso sa mata ko.

"Pero hindi naman siya isang lesbian diba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Yun ang akala mo.. mas maganda palang lalake yung ginamit niya pangpalipas oras.." nakita ko sa kinikilos niya na hindi siya naka get over sa ginawa ni Jeongyeon sa kanya "pero nagulat ako sa impormasyon na babae pala yun.."

"T-totoo bang sinasabi mo" iba kasi ang nakikita ko sa mata niya eh.

Ang weird..


"Syempre naman.. hindi ako makikipaghiwalay sa kanya ng walang malaking dahilan"

Pero alam ko sa sarili ko na boyish lang si Jeongyeon pano naging ganon..

Aaminin kong mayabang siya pero parang may kutob talaga akong parang may mali ang mga pinagsasabi ni Jimin.

"Hindi ka makapaniwala no.. kaya natatakot ako sa kaligtasan ng kapatid kong si Nayeon.. natatakot ako baka mahulog siya sa bitag ni Jeongyeon"

Hinawakan ni Jimin yung dalawang kamay ko.

Nakikita ko sa mata niya na sincere siya sa mga sinasabi niya. Kaya siguro dapat akong maniwala sa kaniya.


"Mina please just trust me.. mas hayop pa siya sa mga lalakeng manlolokong nakilala mo... mapababae o lalake ay walang takas sa kanyang kamandag na nakakalason at nakakamatay pa"

Tumango lang ako sa mga pinagsasabi niya sa akin.

Natatakot ako para sa kalagayan ni Nayeon. Sa totoo lang aaminin kong malakas yung appeal ni Jeongyeon kaya baka hindi malabong may pagtingin si Nayeon sa kanya. Kaibigan ko si Nayeon.. ayoko siyang masaktan na naranasan ni Jimin.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now