23

537 26 4
                                    

Author's Note:
Kung sino po ang gusto magpadedicate sa next chapter.

Please vote and comment na rin😘

Thanks for reading and supporting my stories. Hello sa mga Jeongmi Stan na nagbabasa! Sa mga fans ng twice at Bts. Kamsahameda😍😇

Jeongyeon's POV

Nakita ko ang nagdudang tingin nila habang papasok ako sa tent.

Agad ako nagbihis kasi basa ako. Nakakapagtaka na hindi ko naramdaman ang ginaw. Pero bahala na, pagkatapos kong magbihis ay pumunta agad ako sa bonfire. Kumakain na pala sila kaya nakisalo na rin ako. Nakita ko sa di kalayuan na parang nacorner si Nayeon nina Tzuyu, Jihyo, Chaeyoung, Sana, Momo at Dahyun. Sa tingin ko nag-uusap sila ng mansinsinan. Habang ako at pinalilibutan ng mga lalake.



"Huy.. anong nangyari sa inyo don?" Nagtatakang tanong ni Junior. "Hala na aksidente ba kayo?" Nakita kong napansin niya ang paglagay ko ng band-aid sa bandang pisngi ko.

"Wala. Kumain ka na lang diyan"

"Sabihin mo nga sakin ang totoo" nakita ko na naningkit lalo ang mata ni Junior.

"What?" Sabay nguya ko ng pagkain.

"Yung nangyari nga sa inyo... pansin ko na basa si Mina tapos parang highblood. While si Jimin naman parang tuta na sumusunod sa kanya. Siguro nagLQ sila. Sa tingin ko rin nahulog siya sa ilog tapos INILIGTAS mo.." sabay siko niya sakin. "Pwede na yata akong magdetective. I'm so proud of myself."

"Nalipasan ka ba ng gutom diyan? Mas mabuti pang itikom ang bibig mo"

"Tsk.. highblood ka rin pala"

"Hay bahala ka" tumayo na ako kasi tapos na akong kumain. Umalis na ako sa puwesto ko at tuluyang lumakad patungo sa tent.

Nakita kong lumapit na lang si Junior kina Jackson at Mark.

"I think we need to talk" napatingin ako kung sino yung nagsalita.

Nakita ko si Suga na napakaseryoso ng mukha niya. Na nakatingin sa akin at seriously ang cold ng mata niya.

"Bakit? Tungkol ba'to kay Jimin.."

"Parang ganon na nga.."


Nasa pinakatago kaming puwesto ni Suga na siguradong hindi kami mapapansin.

"Sorry daw"

"Hmm.."


"Sorry sabi ni Jimin"

"Bakit hindi siya ang humarap sakin"

"Nahihiya kasi siya"

"Tsk.. eh sira ulo pala yang Gagong yan"

"He felt so sorry for punching you. Tiyaka nadala lang daw siya ng galit at selos nung oras na yun"

"Tsk.. sabihin mo sa kanya na iwasan ang pagiging seloso" sabay alis ko sa harapan ni Suga at tuluyang pumasok nasa tent.

Dumaan ang ilang oras ay gumabi na kaya kumain kami pero wala na yung JOY sa atmosphere at ng dahil narin sa pagod. Napakaaga kaming natulog. Tumabi akong natulog kina Mark kasi uulanin naman ako ng tanong ni Nayeon at ayoko ring makita si Mina hanggang sa umalis na kami ng pagsapit ng ala singko.

Is This Called LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon