42

370 18 9
                                    

Jeongyeon's POV


"A contract to protect my daughter from you.."

Tumango lang ako..

Napatingin na lang ako sa ibang direksiyon at biglang may naalala...








Flashback

AT THE PARTY

Nakarating kami ni Tito sa party at maraming taong hindi ko kilala pero kilala ni Tito.

Nagulat ako ng nakita ko muli si Mrs. Blunt yung nagfranchise sa negosyong wine ni Tito.

"Your here.." nagbesobeso sila ni Tito at ako naman ay nagbow.


"Salamat sa pag-invite." Sabi ni Tito.


"Welcome, and enjoy.."


May dumadaan na mga waiter namay dalang snack, wine at champagne.

Kumuha ako ng champagne at may kasabay ako sa pagkuha.

"Tzuyu.." sambit ko. Wow ang ganda niya! Parang isang model na doll.

"Jeongyeon ikaw pala,.. hindi kita nakilala ah"

Nakadress kasi ako tapos nagmake up pa.

"Bakit ka nandito?"


"Invited ang parents ko kaya pumunta narin ako."

Nag-usap pa kami ni Tzuyu ng may nagsalita sa stage.


"May engagement announcement.." sambit ni Tzuyu bigla.

"Talaga., pero bakit tinatakpan ang mukha nila ng kurtina, pa thrilling effects lang" sabi ko at tumawa lang si Tzuyu.

Narinig ko na anak na babae pala ni Mrs. Blunt ang ikakasal pati yung anak na lalake ng Senator.

Maya't maya ay tinawag ako ni Tito at pupuntahan daw namin ang magfiance.

"Dali na.." sabay
hila niya sa braso ko.

"Nakakapagod Tito.., nakipag-usap ako sa mga taong hindi ko kilala tiyaka-"

"Aish dalian mo.."

Wala akong nagawa at sinunod na lang si Tito.

Lumapit kami doon sa magfiance at ang lang lalake ang nandon.

Napatingin yung lalake sa amin at lumaki ang mata ko.

"Bambam!" Sigaw ko.


"Jeongyeon!!" Sigaw niya rin tapos nagkayakapan kami.



"Long time no see bakla.." bulong na pagkasabi ko.


"Sige ipagsigawan mo, para malaman nila gaga.." sabay bitaw niya ng yakap at ngumiti.


Nakilala ko siya sa YB bumibisita siya don at alam ko na isa siyang Gay. Sa simula pa lang pansin ko na..

"Magkakilala pala kayo.." sabi ni Tito.

Is This Called LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon