Chapter 30

835 60 7
                                    

(Luna)

I know your intentions, Luna...

Those words, it kept running like a loop inside my head. Masyado syang judgemental. What are my intentions? Sa pag kakatanda ko, hurting Anne was my intention di ba? Pero 'was',  I would have succeeded if hindi ko din naramdaman ang sakit di ba? Kaso, I felt the pain as well. And now, Jed thought I'm going to hurt Anne again.

(Flashback)

"Habol sayo si Anne, parang wala ako sa unit nya" panimula nya. Sumulyap ako sa kanya.

"She really wants to talk about something, important" sagot ko. I used the word important just so he know, excuse yon. Baka kasi kung anong isipin ng Jed na to.

"So important para hindi ako pansinin sa loob ng bahay nya" naasar nyang turan. Humarap ako sa kanya.

"Selos ka ba?" Tanong ko. Ginawi nya ang kanyang paningin sa repleksyon ko sa salamin sa loob ng elevator.

"I know your intentions, Luna. Sasaktan mo ulit si Anne. And I won't let that happen" matigas na sabi nya.

"How come alam mo na agad, hindi ko pa naiisip? Sa totoo lang Jed, I have no intentions hurting Anne anymore. Why? I have no time for craps, Jed. And please don't be so malinis, I know you do dirty things with your Dad." Ngisi kong sagot. Tumunog ang elevator hudyat upang magbukas ito para lumabas ako.

"Wala kang ebidensya" sagot nya. Lumabas ako, alam ko sinundan nya ako.

"Sa ngayon, wala pa. Pero, hindi mo kailangan mag hintay ng matagal dahil lalabas at lalabas din ang baho mo." Sagot ko sa kanya.

"I know your intentions" panggagaya ko sa sinabi nya kanina. "Mukha mo" inis kong sabi bago sya talikuran.

(End of flashback)

Kaya after ko makauwi, tumawag ako kay Gary, para ibigay sa akin ang nakalap ng inpormasyon tungkol sa pinagkasunduan ng Laroza at Ramirez. Akala yata ng Laroza, maiisahan ako. Oi, naiisahan din ang matsing!

Pero sa sobrang pagod ko, nakatulugan ko na. Nag text pa si Anne na gusto daw ni Cee na matulog sa mansion sila. Sa sobrang antok ko, I think ang nasagot ko ay 'Oo sige bukas'. So mamaya nang gabi sila matutulog. Ugh! Bakit kailangan ko kabahan? Dapat idart ko muna ang atensyon ko sa mga nasa utak ko ngayon. At si Jed. Si Jed at ang father nya.

The day nakilala ko si Jed. I felt something wrong. Remember, si Ivan dapat papalit sakin kapag nag divorce kami ni Anne? Pero hindi natuloy because Ivan involves sa isang drug scandal. I asked Gary investigate Jed. Kasi napansin ko na masyado nyang pinupush ang divorce namin ni Anne. May koneksyon pala ang Laroza sa mga Ramirez.

Pero hindi naman ganon kalalim kanegatibo ang koneksyon nila sa isa't isa. Pinagkasunduan nila na maging kapalit si Jed matapos namin mag divorce Anne. Dahil sa utos ng ama ni Jed, nagawa ni Jed na itulak si Anne para makapg divorce sakin. Why? Dahil nalaman nya noon na namatay ako (fakely) may iniwan akong karapatan para kay Cee. I also said before na magkakaroon si Anne ng meron ako once na mag divorce kami. Which is yes. Mayroong pera si Anne, pero hindi pa nya alam. Kasi alam ko kapag nagkataon na malaman yon ng Tatay ni Anne, kukunin at kukunin nya ang pera na meron si Anne. Yun na nga lang ang pera na mayroon si Anne para sa kanya tapos kukunin pa ng Tatay nya. Alam ko kasi hindi matitiis ni Anne ang tatay nya. So, yung maiiwan ko na right para kay Cee ay balak kunin ng father ni Anne and used to something illegal. Nagkakaroon na rin kasi sya ng connection sa drugs na mayroon ang family ni Ivan.

Pero noong kasunduan namin, nag karoon din si Helgado ng share mula sa akin. Dahil alam nya na ipapakasal sa akin si Anne. Pero agad din naman umikot ang pera at napunta sa akin. Dahil ako ang naging major shareholder sa pera na meron ang CAMs.

You & IWhere stories live. Discover now