Chapter 19

1.3K 103 12
                                    

(Anne)

"Gawin mo na lang gusto ni Aria" pakiusap ko kay Carmela. Tumango sya bago lumabas ng opisina ni Luna. I mean, dating opisina ni Luna.

Nakaupo ang bagong CEO/ Chairperson ng K&L sa swivel chair habang nakatuon ang paningin sa laptop nito.

"Mrs. Ramirez-Guevarra, that's all the information I can give. Bukod sa makakatanggap si Maria Catherine ng financial support mula sa K&L, magiging tagapamahala pa ang si Ms. Maria once na lumaki sya at nasa tamang edad upang patakbuhin itong kompanya na naiwan ni Kelly" Hayag ni Marie. Sya ngayon ang bagong namamahala ng K&L matapos mawala ni Luna.

Oo, tama kayo sa nababasa nyo. Wala na si Luna. Wala na ang asawa ko. Matapos ang trahedyang nangyari sa kanya sa labas ng mismong building na to.

(Flashback)

"Ano oras ng balik nya?" Hindi ko mapakaling tanong. Kanina pa akong naiistress sa kinauupuan ko. Si Roselle sinasabihan akong wag mastress dahil nakakasama sa batang nasa sinapupunan ko.

"Mamaya pa. Hindi alam ang exact time." Sagot ni Marie.

Nag paalam kasi si Luna, pupunta sya saglit sa opisina para kausapin ang isang investor.

At ngayon bigla akong kinabahan dahil may nag sent nang death treath sa phone ng asawa ko. Naiwan nya isang cellphone nya. Wala naman akong balak na magbasa ng mga message nya. Kaso, may nag voicemail at hindi ako maniwala sa narinig ko. Marami pa akong nabasa na death treats mula sa ibat ibang number. May nabasa din akong alitan nila ni Dad. Pati voice call meron din.

"Hindi...huwag nyo papupuntahin dito si Anne" rinig kong sigaw ng isang tinig sa kabilang silid.

Kumunot ang noo ko sa narinig na yon. Kaya lumapit ako sa pinangagalingan ng ingay.

"Anong meron?" Taka kong tanong.

Humarang si Aria sa akin. Pinipigilan nya akong huwag pumasok. Pero huli na ang lahat para gawin nya yon dahil narinig ko ang balita sa telebisyon.

"Patay matapos sumabog ang sinasakyang kotse ng isang negosyante. Di umanoy matapos pumasok ng negosyanteng nag ngangalang Kelly Luna Guevarra sa nasabing pag aari nitong kotse ay bigla na lamang itong sumabog"

Pakiramdam ko tumigil ang nasa paligid ko. Paulit ulit na bumibigkas ang mga katagang naririnig ko mula sa telebisyon.

"L-Luna..." Bigkas ko.

Lahat sila nakatingin sa akin. I do know what happens next. All I know, darkness formed.

(End)

Akala ko hindi totoo ang lahat ng yon. Akala ko pag gising ko nariyan na si Luna, nakatingin at nakangiti sa akin. Pero wala. Walang Luna na nagpakita sa akin. Hanggang ngayon, nangungulila pa rin ako sa pagkawala nya.

Ang mga ebidensya laban sa mga taong gumawa kay Luna ay kinuha ni Aria. Tinapon nya, dahil yon daw ang hiling ni Luna. Sinabi sa akin ni Aria na alam na ni Luna na una pa lang gusto na syang burahin sa mundo ng Daddy ko. Gusto kong ipakulong ang daddy ko that time, pero pinigilan ako ni Aria. Mahal na mahal daw ako ni Luna ayaw nya na may makasama sa batang dinadala ko, lalong lalo na sa akin. Dahil kung tuluyang mabubura si Luna sa mundo, may magiging kapalit naman daw, at iyon ay ang anak namin na si Maria Catherine. Sobrang sakit pero kailangan tanggapin na ang naging sanhi ng pagkawala ng mahal ko ay mismong Daddy ko.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas simula ng mangyari ang trahedyang yon. Crimated ang bangkay ni Luna. Nasa maliit na vase nakalagay ang katawang abo nya. Sa bahay namin sa Mansion ng mga Guevarra, nakahimlay ang vase na yon.
Hanggang ngayon, ayaw pa rin ni Aria na buksan ang kaso. Pinanatili nya itong sarado at wala ni sinuman ang mag bubukas ng kaso. Kaya si Daddy, malaya at animoy walang ginawang kademonyohan.

You & IWhere stories live. Discover now