Chapter 3

1.9K 120 11
                                    


(Luna)

Katulad nga ng inaasahan ko kagabi, napagalitan ako ni Olib. Tapos, alas-dos na ng madaling araw ako nakauwi. Jusko naman, ano pa ang itutulog ko? Kaya ito ako ngayon, puyat na puyat na nag lalakad patungo sa Office ni Ms. Lena. Mamaya pa naman ang pasok ko, alas dose, kailangan ko lang magpunta ng school dahil sa susi na sa akin.

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Ms. Lena. Inaro ko sa kanya ang susi na hawak ko. Kinuha naman nya. Napansin nya siguro ang inaantok kong mata. Wala akong salamin sa mata eh.

"Ms. Guevarra, what happened to you?" Ulit nya.

"Nothing Mam. Just a little bit sleeping" inaantok kong sabi. Ngumiti ako, na parang inaantok.

"Umuwi ka" utos nya.

"Mam I can't. S.A ako, remember. Don't worry, I can manage because I am a manager" wala sa sarili kong sagot.

Pumasok ako sa loob ng office nya at nag start na ng pwedeng gawin. Bakit kasi sa dinami daming professor dito pa sa major teacher ko ako naka-assign. Napaka-terror na ewan pa naman to.

Bawat segundo siguro, napapikit ako. Napapayuko.

"Alam mo Ms. Guevarra, umuwi ka at matulog. Sa tingin ko sayo, antok na antok ka" she said with her professor like tone.

"No Mam. I'm a manager, I can manage." Wala sa sarili ko ulit na sagot. Ni sarili ko ngang salita hindi ko na naririnig eh.

"Kakaiba ka kapag inaantok. Kung ano ano ang sinasabi mo." Natatawa nyang puna.

"Ano ba kasing pinagkapuyatan mo?" She asked turning her laptop on.

"I cook, I serve. I care about my job sir and I care about you" Huli kong sabi pagkatapos non hindi ko na alam ang nangyari. Nag blackout na.

After 30 minutes...

May maingay na bunganga akong naririnig. Pinakinggan ko ng ayos. May pumuputak talaga. Kaboses pa ni Katniss.

Minulat mulat ko ang aking mga mata. Naaaninag ko si Marie.

"Is she okay?"

"Ms. Lena, anong nangyari sa kanya?" A very familiar voice asked.

"Is she stable?"

"Maka stable ka dyan Katnis, hindi naman naaksidente tong si Buwan" pustahan si Marie to. At si Katniss ang nag tanong ng 'Is she stable?'

"Of course she is stable, Ms. Ariate. Nag collapse lang sya dahil sa sobrang pagod. She's over fatigue and I think she had sleepless night." Paliwanag ni Ms. Lena.

Minulat ko na ng todo ang mga mata ko.

"Kamusta ka na Luna?" Nag-aalalang tanong ni Marie.

"Okay na ako" sagot ko. Nilinga ko ang mata ko, nasa loob ako ng clinic. Paano ako nakarating dito.

Ang natatandaan ko nasa labas kami ng office ni Ms. Lena tapos, may tinatanong sya at bigla na lang ako nakakita ng madilim.

Nag collapse ba ako?

Binaling ko ang aking mga mata kay Ms. Lena na nakatingin din sa akin.

"Nag collapse ka. I called the school medics and they brought you here" paliwanag ni Ms. Lena, as if nabasa nya ang nasa isip ko

"T-Thanks po Ms. Lena" I thanked her.

"Walang anuman. I have to go back, and after nyo mag-usap ng kaibigan mo, pumunta ka sa office ko" she stated. I nod. She smiled slightly before leaving.

Umupo ako habang nakatuon ang dalawa kong palad sa hospital bed. My two friends look at me worriedly.

"Ano ba kasi pinag gagagawa mo kagabi?" Tanong ni Marie. Umiling ako. Tinatamad akong sumagot. Alam na naman nila na nag ttrabaho ako, tapos itatanong pa.

You & IWhere stories live. Discover now