Chapter 10

1.6K 104 89
                                    


(Anne)

"Marry me..."

Hindi agad nag sink in sa isipan ko ang sinabi ni Luna. Hindi ako nakapag salita. Ni hindi ko naitikom ang bibig kong nakanganga.

"Nagpapatawa ka ba?" Natatawa kong tanong. She must be joking. Hindi dahil hinahayaan ko sya na gamitin ako sa pag hihiganti nya papayag ako sa proposal nya.

"No" seryoso nyang sagot.

Hindi ako sumagot. Tumayo sya ng mapansing wala akong isasagot sa sinabi nya.

"Hindi mo ba naisip Anne, ipapakasal ka kay Ivan na ayaw mo. Wala kang lusot sa pamilya mo. And worse, he wants to rape you. And I don't want that to happen" naiiling nyang sabi. Of course! Wala naman may gustong mangyari yon.

"No Luna. Ayoko ng proposal mo. Iba na lang" sagot ko.

"I have nothing Anne" walang emosyon nyang tugon. "Wala na akong ibang pwede na ialok sayo. Marrying me is too much."

"Too much?" Taas kilay kong sabi. Masyado naman ata tumaas ang ego nito. Iba na talaga sya. Ibang iba. Wala ang Luna na nakilala kong may puso. Ngayon, kahit isa wala akong nakikita na mayron sya non. Binalot na sya ng pag hihiganti.

"Hindi papayag ang Daddy ko sa gusto mo" katwiran ko. "Hindi ka nya gusto sa totoo lang" pag tatapat ko sa kanya. Alam kong alam nya yon. Gusto ko lang ipaalala sa kanya.

"He will like me, I swear" she smirks.

I shook my head. This can't be happening. "Once you marry me, I swear hindi ka mahahawakan ni Ivan o malalapitan. Kung kailangan ka man nyang kausapin. 2 meters ang pagitan" she explains.

Hindi ba masyado ng possessive yong ganon?
Hindi ba pwedeng over protective lang? Pareho lang yon. In short, concern sya sayo. Do you think? Why am I talking to myself?

"What else I can gain?" I asked, parting away from my thought.

"Anything you want. Kung ano pag-aari ko ay syang pag-aari mo din" sagot nya. Hindi. Hindi maaari. Dahil kapag nag kataon yan ang ginawa ni Luna. Si Daddy mismo ang kokontrol sa negosyo ni Luna.

"No. I can't have what's yours" sagot ko sa kanya at tinitigan sya.

"Wag mong problemahin ang Tatay mo Anne. He can't have what you have from me. Ikaw ang asawa ko so, sayo lang, ikaw lang. Pre-nup, perhaps." sabi nya na para bang nabasa ang nasa isipan ko.

Napakatalino nya talaga.

"Pero may share pa rin tayo sa pamilya mo. Kaya nga naging mag asawa tayo di ba dahil sa negosyo. So, don't worry. Your Daddy will like me"

"At kapag natapos ang problema mo, pwede na tayong mag hiwalay. Mag pa divorce" dagdag nya.

"Walang divorce sa Pilipinas, Luna" paalala ko.

"May same-sex marriage din ba dito? Of course, sa ibang bansa tayo magpapakasal." She deadpanned. "Somewhere western, or NZ tayo mag papakasal. Kung...papayag ka na sa proposal ko" pagpapatuloy nya.

"Paano kung ayaw kong mag padivorce?" Subok ko sa kanya. Kahit hindi ko man aminin sa sarili ko kung ano ba talaga ang tunay na ako, inaamin kong may pag mamahal talaga ako para kay Luna, noon pa.

"Ayaw mong humiwalay sakin? That's absurd" she laughs.

Tumigil sya sa pagtawa ng makita ang mukha ko na hindi katawa tawa. Tumikhim sya.

"I am. Paano kung ayoko, Luna?" mahina kong tugon. She blink her eyes twice as normal.

"Then we'll live happily never after." she mocked. "Hindi pwede ang iniisip mo Anne. I don't see my future with you"

You & IWhere stories live. Discover now