Chapter 11

1.7K 120 116
                                    

. . .

(Anne)

"Mukha ba akong may dumi sa mukha?" Curious na tanong ko kay Roselle. Umiling sya at nilapag sa plato ang kutsara. Kanina nya pa akong tinititigan.

Narito kami ngayon sa condo ko. Nag pasya akong umalis muna ng opisina at mag punta dito. Hindi rin naman ako makapag focus dahil ang nasa isip ko ay si Luna at ang nalalapit naming kasal.

Tinawagan ko si Roselle na samahan ako dito, kaya nag off duty sya sa minamanage nyang Figaró, isang coffee shop.

At eto nga nag dala sya ng mga baked goodies mula sa Figaró tapos sya rin naman ang kumain.

"I can't believe this is happening Em!" Tili nya. I know what's her talking about.

Tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Luna. Sinet na nila ang date at mga pamilya at kakilala lang ang inimbitahan.

Kinuwento ko sa kanya lahat. Sa simula't simula. Kahit naman sino eh, hindi agad maniniwala o makaka getover sa mga pangyayari to. Why?

Magkausap lang kami ni Luna noong isang gabi, nalaman nina Dad kinabukasan. At ngayon nakaset na ang kasal namin. Take note, sa Sabado na. Ano na ngayon? Thursday. Ayos na lahat ng pasaporte namin ni Luna ganon din nung sa akin.

"Mag flanax ka" tumatawang pukaw sa akin ni Roselle.

"Ha? Bakit naman?" Kunot noo kong tanong. Pinag sasabi na naman nitong bespren ko.

"Baka kasi rayumahin ka, once na mag s*x kayo" bulong nya. Nakaukit sa mukha nya yung evil grin na makikita sa mga telebisyon. Isama na pati ang middle finger nya na nakataas at winiwiggle.

Namula ako bigla at hinampas sya ng malakas. "BASTOS!"

Tumawa sya ng tumawa. Bwiset! May kamanyakan din syang nalalaman na ganyan. Pero, never ko naisip yang sinasabi nyang s*x.

"Hindi ako maniniwala na walang mangyayari sa inyo ni Luna, once na matapos kasal nyo" pang-iinsulto pa nya.

"Wala sa usapan namin yan, Roselle." Panatag na sabi ko. Pero hindi talaga nawawala ang nakakalokong ngiti ni Roselle eh. "Kaya pwede ba, huwag mong haluan ng kamanyakan mo ang kasunduan namin ni Luna" dagdag ko pa.

Hindi talaga ako pwedeng artista nito. Hindi ako magaling umarte o mag kunwari sa harap ni Roselle.

"Hindi naman sa kamanyakan yon. Normal lang yon sa mga katulad nyo na ikakasal. Syempre, mag-asawa na kayo eh" patuloy pa rin sa pag spread yung ngiti nya.

"Oo na lang" irap ko. Pero sa totoo lang, bigla akong kinabahan sa sinabi ni Roselle. Paano nga kaya kung may mangyari sa aming dalawa ni Luna?

Mag-asawa naman kayo, so?

Oo pero...kapag meron nga nangyari? Tapos sobrang pleasure na binigay nya sa akin, then I'll scream. Nakakahiya kaya na ano, yung sisigaw ako dahil sobrang pleasure ng nararamdaman ko.

Bakit di mo na lang na 'sarap' yung word imbes na 'pleasure' ang ginagamit mo. Pa-inosente ka din eh. anas ng utak ko.

"Ano? Iniimagine mo na no?" isa pa tong si Roselle eh.

"Hindi ano! Bakit ko naman iimagine yon?" Mataray kong sabi sa kanya.

Kung ano ano iniisip ng bespren ko. Kala mo naman, iimagine ko yon.

Pero parang feeling ko nag f-flash sa isipan ko ang sexy smile ni Luna, habang palapit ng palapit sa akin. Tapos dahan dahan nya akong ihihiga sa kama. Hahaplusin ang bawat exposed na katawan ko at---

"Kita mo na, iniimagine mo nga!"

Sira ulo talaga sya. Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin ni Luna noong gabi na sa condo ko sya natulog.

You & IWhere stories live. Discover now