Chapter 2

3K 132 11
                                    

A/N: Rhian Ramos as Anne Margareth Ramirez.

. . .

(Luna)

"Aaaaahhhhh! Nakakaantok pa!" Inaantok na hirit ko habang nag iinat-inat.

Bumangon ako at tiningnan ang babae sa kama ko. Tulog pa din sya. Paano ba namang hindi? Alas singko pa lang ng madaling araw. Sa totoo lang nakadampi ang mga braso nya sa tiyan ko. Dahan dahan ko inangat 'yon at gumalaw ng di sya nagigising.

Agad akong tumayo at nag luto. Kailangan maaga ako, kasi 7:30 ang time in ko.

Nagluto ako ng fried rice tapos, nag prito ng hotdog, meatloaf at itlog. Sarap nito. Hahaha! After my morning routine, nagpunta na ako sa banyo at naligo. Para pag gising ng babae na nasa kama ko, ready to go na kami para ihatid ko sya pauwi, at sana malapit lang sya dito.

Nakapagbihis na ako't lahat at kumain na rin, hindi pa din gumigising si girl.. Sana na naman gumising na sya. Baka tanghaliin ako.

"Nasaan ako?" Rinig kong sabi nung babae sa kwarto. Hala, anyare bes? Nakalimutan mo na?

"Narito ka sa apartment ko" sagot ko sa kanya at dinalhan sya ng pagkain. Ano ba yan, serbedora na ang peg ko ngayon.

"A-Anong ginawa mo sa akin? Iuwi mo na ako" natatakot nyang sabi tapos niyakap ulit ang sarili nya. Yung totoo miss? Si Gloria ka ba ng The Greatest Love? Ang bilis mong makalimot na ako ang tumulong sayo. At saka hellloooo! Babae kaya ako, kahit sobrang ganda mo pati ng katawan mo never kitang hahalayin ano!

"Ginawa ko sayo? Inaalagaan? Dadalhin kita sa pinakamalapit na police station" sagot ko. Tapos nilagay ko sa may hita nya ang tray.

"Kaya mo ba? Subuan kita" nakangiti kong sabi. Nag-nod lang sya. Tas hindi naman tumitingin sakin, ano ba yan, ang suplada naman. Ang bait bait nya lang kagabi.

"Miss, wala ako ginawa sayong masama. Pero ang dalawang lalaki na hinaharass ka kagabi, oo. Tinulungan lang kita dahil narinig ko sigaw mo. Pauwi na din ako that time galing trabaho ko" paliwanag ko sa kanya habang sinusubuan sya.

"S-Salamat. Mabuti na lang at tinulungan mo ko." Tugon nya

"Walang anuman. Actually, padalawang beses na ako nakarinig ng humihingi ng tulong. Noong una, natakot ako. H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, k-kaya tumakbo ako. Pangalawang beses ay ikaw, tinapangang ko na, ayaw kong maging duwag gaya ng dati" sagot ko.

"Maraming salamat talaga sayo. Kung hindi mo ko tinulungan, mumultuhin kita" biro nya. Tapos lumingon sya sa direksyon ko pero hindi mismo sa mukha ko nakatingin. Banlag ba sya?

"Hahaha! Talaga lang ha" tawa ko na lang.

"Sarap ng luto mo sa egg. Ikaw ba nag luto neto?" Tanong nya. "And all also the fried rice?" Mala conyo sound nyang tanong.

"Oo" tipid kong sagot. "Sarap." Puri nya. Nag-chuckle na lang ako.

Ang simple lang naman ng niluto ko eh, fried rice tapos, hotdog at meatloaf tapos may itlog na parang sun ang style.

"What's your name?" Bigla nyang tanong. "Kelly Luna Guevarra" sagot ko.

"Nice name. Saan ka nag tatrabaho?"

"A-Ako? Sa, isang maliit na diner lang. Actually isa akong working student, though scholar ako sa Ori University. Syempre kailangan ko ng income araw araw, ako na lang kasi bumubuhay sa sarili ko eh. Wala na akong mga magulang except sa relatives ko kay Tita Agnes na nasa probinsya at ang anak nya na hindi ko naman alam kung nasa saan." Sagot ko sa kanya. Ang haba naman ng paliwanag ko.

You & IOnde histórias criam vida. Descubra agora