Chapter 16

1.5K 123 49
                                    


(Luna)

"L-Luna.." she stuttered. Tumaas ang dalawa kong kilay after I heard her spoke like that. Okay lang ba sya? "M-Masa---" she suddenly cover her mouth and ran towards the bathroom.

Agad akong tumayo para lapitan sya. Hinawakan ko ang door knob ng banyo pero nakalock iyon.

"Anne?" I called her. I even knock thrice. "I-I'm fine!" She screamed inside. Umiling ako. Bumalik ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pinakuha ko sa isang yaya ang susi ng banyo. Agad bumalik ang yaya, binuksan ko ang pinto. Nakita ko si Anne, nakaluhod at sumusuka sa toilet bowl.

"Don't come" sabi nya. Hindi ako nakinig sa kanya. Lumuhod ako sa tabi nya bago hinagod ang likod nya.

Sumuka ulit sya ng konti. Binigay ko ang baso na may tubig na hawak ko.

"I'm sorry" she whispers.

Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Why?"

"Gusto ko sanang sabihin sayo, masarap yung luto mong sinigang" sabi nya. "Pero di ko nasabi kasi nga, nasuka ako." Dagdag pa nya.

Napaisip tuloy ako sa routine nyang to. Lagi akong binabalitaan ng yaya dito sa bahay na tuwing umaga bago umalis si Anne, nasuka daw ito. O kaya pag kumakain minsan. "Nag pregnancy test ka na ba?" Bigla kong tanong.

"I--uhm, yes. Last 4 weeks" sagot nya.

4 weeks? Ang tagal na nun ah. Halos dalawang buwan na mahigit ng mag undergo sya ng insimination. Nakiusap ako kay Roselle kung maari sya ang sumama kay Anne noon kay Dra. Nicole para sa procedure.

Sa dami na din ng trabaho ko, nakalimutan ko ng intindihin ang nagbubuntis kong asawa.

"Anong result?" tanong ko. Sana man lang sinabi nya sa akin na nag p.t na sya. Lumungkot ang mukha nya bago muling nag salita.

"Negative" Mahina nyang sabi.

A-Ano? Negative? Pero bakit sumusuka sya?

"Negative?" I repeated. "Why don't you try it again? Halika sasamahan kita" sabi ko.

Kumuha ako ng p.t sa M.K sa may labas ng banyo. Pumasok akong muli at binigay kay Anne. Doubtful pa sya sa pagkuha ng p.t sa kamay ko.

"Dito lang ako sa loob, pero nakatalikod ako" sabi ko sa kanya. Syempre ayaw ko naman exposed na makikita ang gagawin nya sa p.t, baka kung ano pa makita ko. May mangyari pa dito sa loob ng banyo, agang aga.

Ilang minuto din akong nakatalikod. Isang hikbi ang narinig ko mula sa likuran ko bago ako tuluyang humarap.

"I'm pregnant" naiiyak nyang sabi matapos akong humarap sa kanya. "Positive oh" sabi nya sabay pakita sa akin ng p.t na may dalawang guhit.

Hindi ako makapaniwalang nakatitig sa kanya. Buntis nga sya. At hindi ko kinakaila na magiging anak ko din ang dinadala nya.

"Oh my god! I'm so happy!" masayang masaya nyang sabi sabay talon ng yakap sa akin. Halos mapaurong ako sa ginawa nya.

"Mag kakababy na tayo!" She screamed.

I wanted to scream in happiness too. I wanted to say how much I'm happy to have a baby with her. But, for now, I can't...I can't.

Why?

Hindi ko kayang tanggapin na hanggang ngayon sya pa din. Hanggang ngayon sya ang tinitibok ng puso ko. Bakit? Bakit sa dinarami rami ng tao sya pa din?

Besides, kapapanalo ko pa lang sa laban ko between Helgado and I. Hindi nya alam na ang CAMS ay hindi na nila pag-aari. 80% ang pag-aari ko sa CAMS, dahil sa investments na binibigay ko. Pinalano ko mismo ang ang pag bagsak sa ekonomiya ng CAMS, hanggang sa dumating ako at inalok sila para tulungan. Pero hindi talaga tulong ang balak ko. Ang makuha ang negosyong yon. At ang natitirang 20% ay sa mga boards na nag sisilbing bantay para mapalago ang nakuha kong negosyo. Wala ng natitira na negosyo sa pamilya ni Anne. Ang Ori University ay pinamamahalaan ng bagong admin president na si Caloy Montalbo.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon