Chapter 17

2.1K 116 83
                                    


(Luna)

"Ayoko nyan" ungot nya matapos ko syang dalhan ng singkamas sa kwarto namin. Nag patimpla sya ng singkamas na may suka tapos aayawan nya lang?!

"Akala ko ito gusto mo?" Depensa ko. Alas-onse na ng gabi heto pa din kami, gising. Ilang weeks na syang nagpapabago bago ng mood. 9 weeks na.

"Ayoko na nyan. Gusto ko ice cream at saka cream-o." Giit nya. Ugh! Antok na ako.

"Fine" naiiling na sabi ko saka muling lumabas ng kwarto at bumaba ng kusina. Mabuti na lang may ice cream dito at sinasabi nyang cream-o. Sa tingin ko kay Katniss to. Dito na naman nya nilagay sa ref namin ang cream-o nya.

Bumalik ako sa loob ng kwarto dala dala ang mga gusto nyang kainin. Nadatnan ko syang nanonood ng cartoons. I think Phineas and Ferb.

"Here you go madamé" Roll eyes ko. Lumapad ang ngiti nya sabay kuha ng icecream at kutsara. Don na sya mismo kumain sa lalagyan. Solo size naman ang lagayan ng ice cream.

"Thank you" nakangiting sabi sabay halik sa pisngi ko. "Nood tayo. You know Phineas and Ferb are intellegent" she stated sounded like a child.

I'm not fond of watching cartoons. Pero para sa kanya manonood ako kasabay nya.

I can't help but crept a loving smile while staring at my wife. This is what I want. This moment. But I can't tell her that. I can't find a way to settle everything.

"You're staring" she giggled scooping ice cream. "I am" I admitted.

"At bakit mo naman ako tinititigan?" Akusa nyang tanong. Ngumiti lang ako at matamis syang nginitian.

"Bakit nga kasi?!" Makulit na tanong nya. "Kasi ang ganda mo" sagot ko.

Natigilan sya habang nakasubo ang kutsara sa bibig nya. Napansin kong unti unti pumupula ang pisngi nya. Umiwas sya ng tingin sa akin at sumulyap muli na parang kinikilig na teenager.

"S-Salamat" kinikilig nyang sabi.

Mga bandang ala una pasado, sumandal sya sa dibdib ko, habang patuloy na nanonood. Ilang minuto ang lumipas nakatulog sya sa dibdib ko yakap yakap pa din ang ice cream na kinakain nya. Pati cream-o ni Katniss naubos, nag di-dip kasi si Anne ng cream-o sa ice cream saka nya kakainin.

At kung tatanungin kung inalok ako, hindi. Hindi man lang ako inaalok.

Dahan dahan kong kinuha sa kanya ang ice cream na hawak nya bago sya tuluyan hiniga sa kama. Nilagay ko na lang sa mini fridge namin dito sa kwarto ang ice cream. Baka sa umaga hanapin nya. Pinagpagan ko din ang kama na may mga budbod ng cream-o. Bago ako tuluyang matulog sa tabi nya.

Kinaumagahan, lagpas alas syete na ako nagising. Tulog pa rin si Anne na nakasiksik ang ulo sa dibdib ko. Hinalikan ko sya sa noo bago tuluyang bumangon. Kailangan kong pumasok ng maaga para ayusin ang papeles ko para sa business trip ko sa New York.

May fashion show na gaganapin don kung saan isa ako sa mga VIP guest. May meeting din akong dadaluhan kung kaya't kailangan maayos ko na or mapaayos ko kay Carmela. Iiwan ko sa kanya ang negosyo for 4 days. At maiiwan din dito si Anne. And speaking of which, I need to tell her. Kailangan kong maghanda ng eksplenasyon sa kanya na aalis ako. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako agad dahil sa gagawing explanation ko para kay Anne.

I was in the bathroom when I heard my wife screamed from our room. She's screaming my name, looking for me.

Kahit basa at may shampoo ang buhok ko, lumakad ako patungo sa pinto at inawang yon para sumilip.

"I'm here" I respond. Lumingon sya sa direksyon ko. Ngumiti sya ng malapad.

"I miss you" she sweetly stated. My jaw dropped. Not because she told me she misses me but the mood she's giving me. Does she miss me? I was on her side last night, well every night.

You & IWhere stories live. Discover now