Chapter 7

1.9K 107 36
                                    

(Luna)

"How much do I owe you Ms. Parsival?" I asked her while smirking.

"500 thousand is enough." She responds. I know, she's smirking right now.

"Call. I'm sending it to your account. How's that?"

"Good. May tiwala naman ako sayo so, yes" she stated then ended the call.

Suminghap ako ng maraming hangin bago muling humarap sa mga bisita ko. Na alam kong palihim na kumukupit ng cookies na nasa platito katabi lang ng table lamp ko.

"Hindi ako makapaniwala na ganyan ka na" saad ni Katniss. Tss. Kunwari pa talaga syang walang nginunguya, halata naman sa bibig nya na may laman yon.

"Pinagsasabi mo, kailangan ko lang din maging professional" irap ko kay Katniss.

Anyways, narito kami ngayon sa opisina ko sa bahay. Day off ko at wala akong balak na gumala

"Iba ka na talaga" saad naman ni Marie.

Nag roll eyes ako. Ako iba? Ako pa rin lang naman to. Ang nag iba lang sa akin, ang buhay ko. Matapos ang pasakit na ginawa sa akin ng pamilya Ramirez, ito ako ngayon. Nag mamay-ari ng isang malaking kompanya na naiwan pala ng magulang ko. Hindi ko akalain na ganito pala kayaman ang mga magulang ko.

Nag hirap ako buong apat na taon sa kolehiyo tapos malalaman ko na lang after ng defense ko, mayaman pala ako! Nakakaputa lang!

Naging matagal daw ang proseso at kailangan nasa tamang edad ako. Hello! Ang tanda ko na nong nasa college ako pero ano? Wala pa din. Kung kailan ngayong tapos na kalbaryo ko sa eskwelahang yon saka mag sisilabasan yan!

Inexplain sakin ni Atty. Aria, anak ng dating abogado ng mga magulang ko, si Atty. Florencio. Na nahirapan syang ipagtanggol ang karapatan ng nag-iisang tagapagmana ng King and Queen of Perfume. Dahil marami ang nagnanais na kumuha ng dating trono ng Papa ko. Maraming ipinalalabas na keme ang mga kalaban kaya hindi agad ako naabisuhan na may naiwang negosyo ang mga magulang ko.

Paano naman kasi, 2nd year highschool pa lang ako ng mawala ang mga magulang ko na kamuwangan ko ba sa negosyo nila. So, hanggang sa makatapos ako ng highschool may pera akong natatanggap pero pag dating ng college, wala na.

Pero, pasalamat na rin ako dahil sa akin pa rin napunta ang naiwang negosyo ng mga magulang ko na nais kunin ng mga Ramirez. Tama kayo sa nababasa nyo.

Mga Ramirez. Sino bang mga Ramirez ang kilala nyo? Tama si Mr. Helgado Ramirez o mas kilala bilang Mr. H ng Ori University. Ang ama nina Jericho Michael Ramirez, Miko Christopher Ramirez, Gene Mar Ramirez at Anne Margareth Ramirez.

Nakakatawa para sabihin ko sa inyo na ang lahat ng mga nangyari sa akin sa loob ng university na yon ay isang pain.

Sinabi sa akin lahat ni Atty. Aria, noong kumakain kami sa isang fast food chain.

(Flashback)

"Ang sarap naman ng libre mo Ms. Aria." Sarap na sarap ako sa kinakain ko. Wala ng hiya hiya sa harap nya, gutom na gutom ako eh.

Ngumiti sya. May kinuha sya sa bag nya na sya sinundan ng mata ko.

May pinakita syang piktyur. Puro ako, yung nasa article. Yung mga piktyur ko with Anne.

"Teka bakit may ganyan ka din?" Tanong ko. Pati sya pinadalhan ng article. Grabe naman.

"Lahat ng mga litratong yan ay puro laro. Pilit kang pinaglaruan ng mga Ramirez." Hayag nya. Kumunot ang noo ko at napatigil sa pagkain.

Pinagsasabi nya?

"Inutusan nya ang isang admin na si Ms. Evelyn at ang anak nito na si Jessie James na magkaroon ka ng kasiraan sa school upang mapatalasik ka. Nagawa nilang tanggalan ka ng scholarship, ngunit nagawang ibalik ng mga Ariate at Jamis ang karapatan mo upang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral." Mahabang kwento nya.

You & IWhere stories live. Discover now