Chapter 6

1.9K 130 37
                                    


A/N: Hindi ko sya pwede i-rush time agad. I feel like hindi pwede. Lol.

. . .

(Luna)

"Good evening po Ma'am and Sir." Bati ko sa dumating na costumer. Kahit hindi ko sila masyadong maaninag, ngumiti pa din sila sa akin.

Narito ako sa resto ni Olib. Kasisimula pa lang ng pangalawang 'Ber' months. So it means, October na. Last week pa lang ng September, regular work na ako dito sa Olib's Diner. Hindi na kasi ako pumapasok eh. Tumigil na ako ng 3rd week ng September. Hindi ko na nakaya ang tuition ng Ori. Eh paano kasi bago ako mag first day sa Ori ng August, may nag inform sa akin na admin ng school, tanggal na ako sa scholars ng Ori. Gumuho ang pangarap ko non, dahil bigla na lang mawawala ng parang bula ang mga pinaghirapan ko.

Lumapit ako sa admin ng school, ang sabi sakin, marami daw akong naging issue kasama si Anne noon. Pinaglaban ko na wala namang katotohanan yon. Naroon si Ivan at Jessie James ng araw na sinabihan ako. Sila may gawa non eh, sila nag simula non. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Ginawa ko naman ang gusto ni Ivan, iwasan si Anne. Pero bakit kailangan pati pag-aaral ko idamay nila.

Naiyak na lang ako paglabas ng opisina. Yun lang kaya kong gawin eh, ang umiyak ng umiyak.

Nalaman ko pa kay Ms. Lena na nanay pala ni Jessie ang admin na nag patalsik sakin sa school. Maygad! Malakas sila at madami, eh ako? Nag-iisa lang ako.

Ang sakit na nga ng mga nakuha kong salita kay Anne ng gabing yon tapos ganito pa? Mawawalan ako ng scholarship.

Tinulungan ako ni Ms. Lena, kahit downpayment eh binayaran nya. Mag-pinsan naman daw kami. Sina Katniss at Marie galit galit kay Jessie at Ivan. May kaya silang pareho, tinutulungan nila ako pero nahihiya din ako sa mga magulang nila. Kaya nag trabaho na lang muna ako para pag nakaipon ako, pwede kong ipagpatuloy.

At bukas, kailangan kong asikasuhin yung naiwan kong unfix schedules sa school. What I mean is, kailangan kong idrop lahat ang mga subject. Umalis kasi ako ng school ng hindi man lang naayos yon. Kaya hanggang ngayon akala ng school napasok ako. Tumatakbo din ang tuition ko.

"Beybs!"

Isang malakas at pakanta style ang sumigaw. Lumingon kaming lahat sa babaeng nasa pinto.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino. Anak ng pating! Si Savannah. Pinatapon ko na to ah sa Africa! Bakit bumalik pa din?!

"Anong ginagawa nyan dito?" May halong inis na tanong ni Joan.

"Hindi ko din alam" sagot ko. Si Savannah, honestly, maganda naman talaga sya eh. Mabait ng konti, at talaga ma-appeal. Nameet ko sya noong last June sa isang beach. Kasama ko sina Katniss at Marie, family outing nina Marie.

Dahil trip noon ni Marie at Katniss maghanap ng magagandang babae at gwapong lalaki (para kay Katniss), sya agad nakita ni Marie para sakin. Tinuro nya, sa pag turo nyang yon, sa amin pala nakatingin. Nakashades kasi.

Lumapit sa amin. Kung ano ano sinabi ni Marie, nakikipagkilala daw ako. Puta talaga! Hindi pa ako sumasang-ayon sa pinagsasabi ng kaibigan ko, nahila na ako sa isang lugar. Kinausap ko, sabi ng Savannah na yan magkikita pa daw kami. Umoo na lang ako. At yon, simula non lapitin na ako ng chiklet. Well, maganda naman ako. Gwapong maganda. So, ingatan nyo na lang girlfriends nyo. Baka kasi maattract sakin. Char!

Malay ko ba naman kasing malapit lang sya dito sa lugar na to. Kabwiset lang eh. Lagi tuloy akong pinupuntahan dito. Minsan sa bodega na ako nag tatago wag lang nya akong makita. Kasalanan to nina Marie eh, kung hindi sila turo ng turo. Tahimik pa siguro buhay ko.

Taranta akong nag tago sa ilalim ng mesa ni Joan.

"Wag ka ng mag tago Luna. I'm here, nakikita kita" Rinig kong sabi ni Savannah. Kaya unting unti akong tumayo at nakangiwing tumingin sa kanya.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon