Poem#12: Mga Bakit at Paano

49 3 0
                                    

Minsan tinatanong ko sa sarili ko
Hindi ka naman ubod ng kagwapuhan
Wala sa'yo ang mga katangian hinahanap ko
Pero ba't sa isang katulad mo ang aking nagustuhan?

Tuwing naiisip kita
Napupuno ang mundo ko ng saya at tuwa
Pakiramdam na di ko mapaliwanag
Ang pakiramdam na unti-unting nawawala

Tulungan mo akong sagutin lahat ng bakit
Para matigil itong sakit
Sakit na winawasak ako araw-araw
Dahil sa pusong ikaw laging sinisigaw

Paano na kaya kita ipaglaban?
Pagpapatuloy pa ba ang nararamdaman ko para sa'yo?
Kung sa katunayan talo na ako
Dahil hindi mo ako minahal kailanman?

Sa totoo lang, di ko na alam
Sumasaya ako sa mga alaalang gusto kong balikan
Ang sayang naibigay mo sa akin na di natin inaakala
Nalulungkot dahil nais ko nang magpaalam

Pinipilit tayo muli ng tadhana
Patagpuin ang taong nagdulot ng matinding sugat sa puso
Ngunit pagbibigyan ko ba muli taong aking ginusto?
Kahit iniwan niya ako sa nakaraang "naging tayo sana"

Never Ending Thoughts Of HimWhere stories live. Discover now