"akin na yang kamay mo, huwag ng matigas ang ul-"

"I said no! just, just go to your room!" medyo napataas na ang boses niya.

"sinisigawan mo ba ako?" mataas na rin ang boses na tanong nito sa kanya. "Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong galit. Kung ayaw mo eh di huwag! Bahala ka sa buhay mo!" saka padabog na nilisan ang lugar.

"Patay na! nagalit ata si Madam." Susundan niya sana ito ngunit siya rin ang pumigil sa sarili, ipinagpatuloy niya na lang ang ginagawang pagliligpit.

"Sir Ge! Ano pong nangyari diyan?" Tukoy ni Manang Delia sa kamay niya. Nagising marahil ito dahil sa pagkakabasag ng basong natabig niya.

"Wala po to Manang, nasugat lang po habang nililinis ko tong -"

"ay naku bata ka, ako na nga diyan. Sandali lang, ligpitin ko lang to tapos gamutin na natin yang sugat mo."

"huwag na po, ako na lang po." Tanggi niya.

"Sigurado ka?" tanong nito sa kanya, tumango siya. "O siya sige, ikaw ang bahala. Teka, ba't ba pawis na pawis ka eh hindi naman mainit, nilalamig nga ako." Puna nito sa kanya.

"Wala po to Manang, si-sige po." Paalam niya dito saka nagmamadaling pumunta ng kwarto. "C'mon boy calm down!" parang baliw na sabi niya nang makapasok sa loob ng kwarto. "I need to take shower!"

------------------------------------------------

"Manang!"

"Sir Ge."

"pwede pong pakigising si Sarah, pakisabi po kakain na."

"sige po."

"Mommy!" sigaw ni Cobbe saka patakbong lumapit sa dalaga.

"Gising na pala si Sarah eh." sabi pa ni Fred.

"Good morning baby boy! Sarap naman ng yakap na yun. Hug lang walang kiss?" saka inilahad ang pisngi sa anak niya. "Good morning guys! Sorry ha medyo tinanghali ng gising."

"huwag kang mag-alala kagigising rin lang naman namin." sagot dito ni Megan.

"Good Morning Babe!" bati niya dito. Tumayo siya para sana halikan ito sa pisngi pero nagkunwari naman itong kinakausap si Cobbe, ipinaghugot niya na lang ito ng upuan. Inirapan muna siya nito bago umupo.

"Ayy!!! Ano yun?" Si Maja, napansin pala nito ang ginawa ng dalaga.

"anong ano yun?" tanong naman ni Sarah kay Maja. "Matt! Pwede paabot nung hotdog?" kinuha niya ang hotdog at inabot iyon dito. "Fred yung bacon na lang, please." Kinuha niya naman ang bacon na inaabot ni Fred saka inabot dito. "tinapay na nga lang."

"Babe naman." Saka hinawakan ang kamay nito na nasa ilalim ng mesa. Mabilis naman nito iyong binawi.

"Don't call me babe, I'm not a pig." Pagtataray nito sa kanya.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now