"Nanghihina na ang kamay ko" sabi ko sa kanya.

Kita ko ang hirap sa kanyang mukha. Halos lumabas ang mga ugat niya sa kamay dahil sa pagkakahawak sa akin.

"Wag kang bibitaw!" Galit na sabi niya sa akin.

Hindi ako nakasagot. Sinubukan kong itukod ang mga paa ko sa pader ng balon pero madulas iyon.

"Bitawan mo na ako, marunong naman akong lumangoy" sabi ko pa sa kanya.

Kita ko ang pagkakalukot ng kanyang mukha. Kitang kita dito ang pagkadesidido niyang maiangat ako roon.

"Hindi!" Matigas na sabi niya.

Inipon ni aziel ang lahat ng lakas niya at kaagad na sinubukang iangat ako gamit lamang ang kanang kamay niya. Mahigpit ang hawak ng kaliwang kamay niya sa may kahoy para hindi kami parehong mahulog.

Napahiyaw siya ng malakas ng dahan dahan niya na akong naiangat mula sa pagkakahulog. Napayakap kaagad ako sa may bunganga ng balon. Pero kaagad na na niyakap ni aziel ang aking bewang para maialis duon. Pareho kaming napahiga sa lupa pagkatapos.

Nanatili ang mahigpit niyang pagkakayakap sa aking bewang habang nakadapa ako sa kanyang itaas. Titig na titig kami sa isat isa habang kapwa namin hinahabol ang aming hininga.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.

Napalunok ako bago ako dahan dahang napayuko. Kaagad akong maingat na tumayo mula sa pagkakadagan ko sa kanya. Napadaing naman si Aziel dahil sa mga galos na tinamo at sakit ng kanyang kanang kamay.

"Hala, kailangang magamot ito" nagaalalang sabi ko sa kanya.

Nanatili itong nakaupo sa lupa habang nakaluhod ako sa kanyang harapan. Nahirapan siyang igalaw ang kanyang kanang kamay.

"Baka napilay ka, pasencya na" nakukunsensyang sabi ko habang alalang alala sa kanya.

Tahimik siyang nakatingin sa akin, nanunuod sa aking mga reaksyon at bawat galaw. "Wala ito, ang mahalaga ay ligtas ka" lalaking lalaking sabi niya sa akin kaya naman kaagad na naantig ang puso ko ay kaagad na napayakap sa kanya.

"Niligtas mo ako, maraming salamat" punong puno ng sinseridad na sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagkabato ni Aziel dahil sa gulat ng yakapin ko siya pero hindi nagtagal ay ginantihan din ng kanyang kaliwang kamay ang pagkakayakap sa akin.

"Kung kinakailangan kitang iligtas palagi gagawin ko...walang pagdadalawang isip" sabi pa niya.

Pinasandal ko na muna si Aziel sa may balon, nakaupo ito habang akay akay ang kanang kamay. "Teka at kukuha ako ng halamang gamot" paalam ko sa kanya, natataranta na din ako.

Pero kaagad niyang hinawakan ang kamay ko. "Wag ka ng umalis, baka mapahamak ka pa. Ipapahinga ko lang ito sandali" sabi pa niya sa akin, pero hindi ako nagpapigil. Tumakbo ako papasok sa kagubatan para kumuha ng halamang gamot na makakatulong sa kanya at sa sakit na kanyang nararamdaman.

Base sa librong binabasa ko mabisang gamot din para sa pilay ang oregano. Kaya naman kaagad akong naglibot sa may gubat at naghanap ng tanim na oregano.

Pagbalik ko sa pinagiwanan ko kay aziel ay nanlaki ang aking mga mata ng makita kong wala na ito. Pero halos mapahiyaw ako ng magsalita ito sa aking likod.

"Saan ka ba nanggaling?" Tanong niya sa akin. Akay akay pa din niya ang kanyang kanang kamay.

Kaagad kong itinaas ang dahon ng oregano sa kanyang harapan para ipakita iyon sa kanya. "Kumuha ako nito, mabisa ito para sa pilay" sabi ko pa at kaagad ko siyang inalalayan para muli umupo at makasandal sa may balon.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora