69 /Final Battle/

13.2K 418 53
                                    


Third Person's POV

Napaatras sina Raven, Daniela at Patricia dahil pinalibutan sila ng sampung mga lalaki na tauhan ni Raquim, may kanya-kanya silang hawak na baseball at ang tanging armas na hawak lang nila ay yung pistol na hawak ni Daniela, baseball ni Patricia at ang mga nakatagong armas sa katawan ni Raven.

"LONG TIMED NO SEE MY FRIENDS!"

Malakas na bulalas ni Raquim at kasabay noon ang nakakalokong halaklak na siyang kinainis nina Daniela. Wala silang nagawa kundi umatras dahil lugi sila sa kakampi, nasa bilang na sampo ang nakapalibot sakanilang mga kalaban at tatlo lang sila.

"Friends? Your face!" singhal ni Daniela pero natawa lang si Raquim.

"Oh! I missed that attitude of yours, kamusta my princess?" tanong ni Raquim kay Daniela na may halong pagnanasa sa tono.

Nakaramdam naman ng inis si Raven dahil sa pambabatos niya at walang takot na itinutok ang hawak niyang baril kay Raquim at hindi alintana ang mga kalabang nakapalibot sakanila.

"Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko yang bungo mo!" maangas na asik ni Raven at nagkunwari namang natakot si Raquim.

"Naku! Huwag po, mananahimik na po ako! Hahaha!"

Sarkastikong bulalas ni Raquim at natawa kasama na doon ang mga tauhan niya. Walang pakundangan namang ipinutok ni Raven ang kanyang baril at sinadyang padaplisin sa braso ni Raquim, umagos ang dugo sa braso niya atsaka masamang tinignan si Raven.

"Ako lang naman ang kailangan mo diba? Pakawalan mo nalang sila." sabi ni Raven pero agad na napasimangot si Raquim.

"Awww! Naisip ko na yan pero napagtanto ko din na wala ng thrill kung susuko ka nalang basta, mabuti pa maglaro nalang tayo." sabi ni Raquim at tumawa.

Bakas naman sa mukha nina Raven, Daniela at Patricia ang pagkainis. Wala silang oras para makipaglaro sa taong gusto silang patayin. Umangal sila pero mapilit si Raquim at nakipaglaro parin.

"This game called last man standing in tagalog matira-matibay, simple lang naman ang mechanics, I'll give you guns with three bullets on it, kailangan niyo lang sagutin ang mga tanong ko at kapag may isang nag-sinungaling sainyo, kailangan niyong barilin ang isa't-isa." mahabang litanya ni Raquim at nanggalaiti naman sila sa gusto niyang mangyari.

"Stop with your nonsense Raquim, hindi pa ba sapat sayo na sumusuko na kami." angal ni Raven pero malakas lang siyang sinapak ng isa niyang tauhan.

"Raven!" sabay na sigaw ni Patricia at Daniela pero naawat sila ng tauhan ni Raquim.

"How sweet of you Raven. Dalawang babae ang nag-aalala sayo, pero dapat isa lang tama?" asik ni Raquim at malakas na sinuntok sa tiyan at hinawakan sa panga.

"Bitawan niyo ko! Raven!" pagpupumiglas ni Daniela pero malakas lang siyang sinampal.

"Gago ka! Binitawan mo siya!" sigaw ni Raven at malakas na sinapak yung sumampal kay Daniela.

"Sige lang, tignan natin kung magawa niyo pa yan mamaya."

Sinenyasan ni Raquim ang mga tauhan niya at hinila sila sa gitna, may kinabit na mga wires sa kanilang mga ulo at pulsuhan, atsaka binigyan silang tatlo ng baril.

"Huwag kayong mag-alala, that's a lie detector, it prevents you from lying. You lie, you die. Depend and protect yourself and be the last man standing."

Nakakalokong bulalas ni Raquim na tila ba nasa isang game show sila. Nagpumiglas sila at pilit na inaalis ang lie detector sakanilang ulo at pulsuhan pero agad silang pinigilan ng mga tauhan ni Raquim. Wala silang nagawang tatlo kundi magmura at mainis dahil sa kagagawan ni Raquim.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Where stories live. Discover now