02 /Kick Out/

29.6K 1.2K 231
                                    


Daniela's POV

Weeks has passed at tuloy parin ang away namin ni Jessica at mas lalo pang tumindi dahil sa mga kalokohan kong pinaggagawa. Hindi ko na yata maiaalis sa pagkatao ko ang mambuyo at makipag-away sa kapwa ko estudyante.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo dito sa loob ng disciplinary office dahil napa-P.O.D na naman ako. Oo dahil ilang beses na akong pabalik-balik dito at hindi na bago saakin yun. Hindi na ako magtataka kung sipain ako sa eskwelahang 'to.

"Ms. Alvarez, I'm really really dissapointed with you." biglang bulalas ni Mr. Rigor Fernandez na siyang in charge dito sa disciplinary office.

"Alam ko ho yun." maayos kong sabi sakanya.

Bumuntong hininga siya. "I already called your Mother and in any moment ay darating na siya dito." sabi niya pero hindi nalang ako sumagot. Wala naman akong aasahan sakanya.

Ilang minuto pa kaming naghintay ni Mr. Rigor Fernandez bago dumating si Mommy. Nagtaka pa ako kung bakit pumunta talaga siya dito dahil sobrang busy niya sa trabaho.

"Goodmorning Ma'am Alvarez, please have a seat." iginiya niya si Mommy at naupo sa tapat ko. Nagkatinginan kami at hindi ko masabi kung galit ba siya o dissapointed?

'Ano bang pinagkaiba non?'

"What's with the deal Mr. Fernandez?" tanong ni Mommy.

Kung ano mang pag-uusapan nila ay parang ayaw ko ng makinig, nakakatawa lang dahil kasalanan ko naman kung bakit nandito si Mommy in the first place.

"Aware naman siguro kayo sa behavior ng anak niyo dito sa loob ng eskwelahan Ma'am Alvarez?" tanong ni Mr. Rigor.

Kunot noong umiling si Mommy. "I've never been aware, bakit may nagawa ba siyang kasalanan?" full of disappointment niyang tanong.

Yeah! Hindi niya alam dahil hindi ko naman sinasabi dahil lagi naman siyang busy. I've never had the chance to talk to her.

"She's been making troublesome with her co-fellow schoolmates, ayon sa mga estudyanteng nakakaaway niya ay kasalanan daw ng anak niyo, araw-araw may nakakaaway ang anak niyo at wala pa yatang araw na hindi siya dumidiretso dito sa disciplinary office." mahabang litanya ni Mr. Rigor at para na akong pagong sa pagkakayuko ko.

Matalim akong tinitigan ni Mommy, kung nakakamatay lang ang titig sure akong kanina pa ako patay. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako masanay kapag nagagalit siya.

"So you're giving her a punishment right?" tanong ni Mommy pero agad din na umiling si Mr. Rigor.

"Kung ganon bakit pinapunta niyo pa ako dito?"

"We're sorry to dissapoint you Ma'am Alvarez, Napag-desisyunan na namin ito at napagpulungan naming i-kick out ang anak niyo and that's final."

Halos mabingi ako sa narinig ko, they're going to kick me out? Kahit expected ko ng masisipa ako dito ay masakit pala sa pandinig kapag ikaw mismo ang makarinig ng salitang kick out.

--

"Hindi ka na nahiya, puro ka sakit sa ulo at kunsomisyon, you're such a disgrace into this family, wala kang kwenta!"

Bulyaw saakin ni Mommy pagkauwing-pagkauwi palang namin at sobrang sakit na ng tenga ko kakasermon niya saakin. Lahat ng sinabi niya saakin tumatak talaga at nagpaulit-ulit sa utak ko.

'I'm just a disgrace'

"Wala ka ng ginawang matinong bata ka, kababae mong 'tao kung umasta ka daig mo pa lakaki. Pinangatawanan mo pa talaga ang pagiging troublemaker ha!" bulyaw ulit niya saakin habang dinuduro ako sa noo.

"Mom tama na." awat sakanya ni Kuya Joseph.

"May dahilan naman siguro si Danny kaya siya nagiging palaaway?" awat din ni Kuya Yoseph na kakambal ni Kuya Joseph.

"I don't care with her useless reason, kung hindi pa ako tinawagan malamang sa malamang hindi ko pa malalaman ang pinaggagawa ng kapatid niyong yan." bulyaw ulit niya saakin.

"Mom please stop, kami ng bahala kay Danny." sabi ni Kuya Joseph at iginiya si Mommy, hindi nakatakas saakin ang masamang titig niya.

"Pagsabihan niyo yang kapatid niyo kundi malilintikan saakin yan." sabi pa niya bago tuluyang umalis.

Nakayuko at tahimik lang akong nakaupo habang si Kuya Joseph at Yoseph ay nakaupo sa harap ko. Wala na akong mukhang maihaharap sakanila.

'This is all my fault'

"Danny what happened?" tanong saakin ni Kuya Yoseph na nasa tabi ko.

"Would you mind to tell us what really happened? Makikinig kami sayo." baritonong sabi ni Kuya Joseph.

I composed myself before i faced them. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Wala akong nagawa kundi i-kwento lahat sakanila ang nangyari saakin sa loob ng school except kay Ivan. Actually wala talaga akong balak sabihin sakanila sa una pero nagtuloy-tuloy na at wala na akong nagawa.

"Danny your being unreasonable, maliit na bagay masyado mong pinalaki." hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Yoseph.

"Yeah i know." sagot ko.

"Oh alam mo naman pala eh bakit pinalaki mo pa?" tanong naman ni Kuya Joseph.

"I don't know?" kibit balikat kong sagot. Ayokong sabihin ang totoo kong dahilan.

Bumuntong hininga si Kuya Joseph. "You're being unreasonable talaga, may saltik ka pa yata eh?" sabi niya habang natatawa.

"What? Saltik, baka ikaw!" sabi ko atsaka ko siya inirapan.

"Haha oo nga kambal, may saltik yata 'tong si bunso eh?" sabi din ni Kuya Yoseph at naki-appear kay Kuya Joseph atsaka sila tumawa ng tumawa.

"Che! Kayong dalawa ang may saltik." pagtataray ko.

"Chill bunso, mas lalo kang nagiging kamatis sa sobrang pula ng mukha mo haha!" pang-aasar saakin ni Kuya Yoseph .

Siniko ko naman siya para tumigil sa pagtawa, palibhasa isip bata. Napahawak ako sa mukha ko at feeling ko namumula talaga ako.

"Kita mo'na, naniwala tuloy." sabi ni Kuya Joseph habang nakatingin saakin.

Urgh! Mas lalo lang akong naiinis sa pang-aasar nila saakin. Mas mukha pa silang may saltik kesa saakin. Iniwan ko na silang dalawa doon at mabilis akong umakyat sa kwarto ko.

Patalon akong humiga sa kama ko at tumitig sa kisame. "What now?" i unconsciously asked myself.

Ano nang mangyayari saakin? Kick out na ako sa Saint Avila at sirang-sira na ang pangalan ko, sure akong tuwang-tuwa si Jessica na tuluyan na akong napatalsik. Well mas okay na'yun dahil baka mas lalo lang madagdagan ang kasalanan ko kapag nakikita ko siya.

Wala pang 1 month akong 4th year highschool tapos kick out agad? Ganon na ba talaga ako KABAIT para mapatalsik. It's all my fault and I'm the one who blame at dapat tanggapin ko ang consequence at yun ang ma-kick out.

Hindi na ako nag-isip pa at mabilis akong nag-shower bago ako bumaba para kumain ng hapunan. Kung ako ang tatanungin ayokong bumaba dahil alam kong sesermunan lang ulit ako ni Mommy.

'You're so stupid Daniela!'

~~
How was the story? 😂

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Where stories live. Discover now