23 /Awkward Situation/

17.6K 784 198
                                    


Raven's POV

The hell with that girl, hindi ba talaga siya marunong madala at matakot, masyado siyang mayabang at matapang.

'Na siyang ikinaiinis ko!'

Hindi ko inaakalang magagawa niya yun kay Zero, knowing Zero ay hindi siya basta-basta nasasapak at kung nagkataon man ay hinding-hindi kana makakatayo pa sa pagkakabugbog.

So all i thought na may nakaaway siya ng hindi namin alam. Just what the fuck that girl did to Zero. Kung ako yun ay nabugbog ko'na, well I'll still have conscience and respect at hindi ako pumapatol sa babae, kahit lagi akong naiinis sa pinaggagawa ng babaeng yun.

Sinamaan ko ng tingin si Zero atsaka bored na lumabas ng room, nakasalubong ko pa ang next teacher namin pero wala akong pakialam. Nagkatinginan kami pero tinapunan ko lang siya ng nauumay na tingin atsaka siya mabilis na umiwas.

'Good!'

Nakapamulsa akong naglakad papunta sa lumang building, sa second floor kung saan ang tambayan namin. Open ang kalahati ng bintana kaya kitang-kita ko ang maaliwalas na kalangitan.

Huminga ako ng malalim atsaka mabilis na humiga sa sofa, masarap matulog sa ganitong sitwasyon, wala akong pakialam sa mga sumunod na subjects namin at unti-unti akong nilamon ng dilim at nakatulog.

--

"Raven, wake up. Natutulog ka nanaman, may klase pa tayo."

Kahit nakapikit ay naramdaman kong lumapit siya sa kinaroroonan ko at pilit akong itinatayo at niyuyugyog, napangiti ako sa kakulitan niya atsaka ako dahan-dahang dumilat.

Kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya, mas lalong lumabas ang ganda niya ng matanglawan siya ng sinag ng araw at kita ko ang nakakasilaw niyang ganda kaya hindi ko maiwasang hindi ngumiti.

"Napakaganda mo talaga."

"Sus, bolero ka talaga!"

Tinampal niya ang mukha ko habang natatawa kaya natawa na din ako sa ginawa niya, hinigit ko ang kamay niya atsaka siya napahiga sa katawan ko at mabilis ko siyang niyakap.

"Raven ano ka'ba! Mamaya may makakita saatin dito!"

"Let's just stay this for awhile."

Wala siyang nagawa kundi yakapin din ako dahil hindi naman siya makakapalag saakin eh. Halos mapunit na ang labi ko sa pagkakangiti.

"Raven, alam mo..."

"Hindi ko alam?"

Kinurot niya ako sa utong kaya napaawang ako.

"Joke lang, ano ba yun?" tanong ko.

"Alam mo, masaya ako na naging tayo, masaya ka din ba?"

"Anong klaseng tanong yan? Syempre masaya at mahal na mahal kita at hindi na magbabago yun." nakangiti kong sagot.

"Eh paano kung dumating yung panahon na hindi mo'na ako mahal?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya atsaka ko siya itinayo sa pagkakahiga saakin atsaka tumingin sa mga mata niya.

"Hinding-hindi yun mangyayari, mahal na mahal kita."

Ngumiti siya at bigla akong niyakap kaya niyakap ko din siya at hinaplos-haplos ang buhok. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sitwasyon naming dalawa.

'How i love this girl'

--

Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong may nakatingin saakin at hindi nga ako nagkamali dahil nakatingin siya saakin pero bored ko lang siyang tinignan.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Where stories live. Discover now