31 /School Festival 1/

16.4K 710 53
                                    


Daniela's POV

Maaga akong nagising at nakaharap sa full length mirror ko, since ngayon ang school festival namin ay free kami kung anong isusuot namin. Sinuot ko ang isang navy blue crop top, high waist jeans na tinernuhan ko ng Gucci sneakers, sinuot ko din yung dream catcher kong necklace.

For the final step, i put a radiant rent liptint atsaka nag-mirror gaming atsaka ko pinost sa Instagram. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko atsaka ako bumaba.

'Ang ganda ko talaga!'

Nadatnan ko sila Kuya na nakaayos narin at hindi ko maiwasang mapangiti.

"Naks! Ang gwapo natin ah!" puri ko sakanilang dalawa.

"Yeah as always!" nagpogi pose pa si Kuya Yoseph.

"Ikaw din, ang gwapo mo." asar saakin ni Kuya Joseph.

"Che!" asik ko pero tinawanan lang nila ako.

Pareho silang naka-long sleeves na black and gray, rip jeans at sneakers, naka-brush up din ang clean cut nilang buhok.

"Picture tayo!"

Nilabas ko ang 3210 kong phone para mag-picture. Chos! Pumagitna ako sakanilang dalawa atsaka kami nag-groufie'ng tatlo.

"Yan, ang cute natin dyan, i'post mo sa Instagram at Facebook." asik nilang dalawa kaya ginawa ko naman.

May caption pang "The Triplets" dahil parang ako yung pangatlo nilang kambal, kaso babae lang.

"Tara na, malalate na tayo."

Lumabas na kami atsaka mabilis na sumakay sa kotse at mabilis namang pinatakbo ni Kuya Yoseph ang sasakyan at wala pang sampung minuto kaming nakarating sa school.

"Shit! Yoseph, sa susunod huwag ka ng magpapatakbo ng sasakyan, halos paliparin mo'na ehh!" angal ni Kuya Joseph dahil halos lumipad na nga kami sa bilis ng pagpapatakbo niya.

"Hehehe sorry naman, gwapo lang." asik niya at nagpa-cute.

"Hmm! Tara na nga..."

Nauna akong naglakad papasok at nakasunod naman saakin sila Kuya kaya nagtilian na naman ang mga babae, nagkalat na rin ang mga iba't-ibang mga pakulo ng mga estudyante sa pasilyo ng hallway.

Mga iba't-ibang booths ang nadadaanan ko at mga kanya-kanyang grupo naman ang mga estudyante at nagsasaya, naglakad nalang ako papunta sa room namin at wala akong nadatnan kundi si Ignacio na siyang kaklase namin.

"Wait, nasaan sila?" taka kong tanong dahil walang ibang tao kundi kami lang.

"Ahh nandoon na sila sa field." sagot niya.

"Huh? Anong ginagawa nila doon?" taka kong ulit na tanong.

"Hindi ka'ba nainform? Gumawa kami ng sarili nating booths, kaya halika na!" sagot niya atsaka ako hinila at wala naman akong nagawa kundi magpatianod sakanya.

Narating namin ang school field at doon mas nagkalat ang mga iba't-ibang students at mga tents kung saan ang mga stall ng mga booths pero mas nakaka-agaw pansin ang kumpulan ng mga babae at bakla sa gitna at nagsisigawan.

"Ano yun?"

"Yun yung booth natin." sagot ni Ignacio atsaka kami nakiraan sa mga kumpulan ng mga estudyante.

Doon ko nakita kung bakit nagkakagulo ang mga babae at mga bakla dahil naka-topless ang mga depungal habang isa-isang nagpapa-picture at may nakasabit pang karatula sa dibdib nilang free hugs!

Hindi naman magkandamayaw ang mga babae at kontodo ngiti naman ang mga depungal, kahit gulat ay hindi ko parin maiwasang hindi mapangiti dahil sa pag-effort nilang gumawa ng sarili naming booths.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Where stories live. Discover now