42 /Saved/

13.6K 538 51
                                    

Special thanks to ShaneInDistress for making my wonderful cover of my story. You can check her timeline. Thanks

Marcus POV

Dalawang araw ang nakalipas matapos ang gang war na nangyari saamin sa loob ng Kings Ground at dalawang araw din simula no'n ng matapos akong masapak sa mukha. Magaling na yung putok kong kilay at tanging black eye nalang ang natitira at medyo kumikirot kapag nabibigla.

Dalawang araw na din ang lumilipas na balisa ako dahil sa natanggap kong anonymous email at picture. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan? Usually wala naman akong pakialam sa paligid ko dahil unang-una wala kaming kinatatakutan dahil mga gangsters kami.

Isa pang kinababahala ko ay kung sino man yung umaaligid kay Daniela, yung natanggap kong stolen shot niya na papasok sa bahay nila. Obvious na may stalker siya at alam ko rin na galing yun sa mga gang na gusto kaming pabagsakin.

Pero ang tanong sino? At bakit gusto niya pang idamay si Daniela? Hindi ko maiwasang mag-alala sakanya, alam ko namang matapang siya at kaya rin siyang protektahan ng kambal niyang Kuya.

'Pero bakit nag-aalala ako?'

Mabilis akong lumabas ng bahay atsaka ko sinuot yung itim kong cap at naglakad papasok, patuloy lang akong naglakad at doon ko napansin na nakatayo na ako sa tapat ng bahay nila. Damn it.

Hindi ko alam kung bakit lagi akong dinadala ng paa ko'sa bahay nila? Matapos kong makita yung litrato ay hindi ko maiwasang mangamba at gusto kong makapasok siya ng maayos.

Mabilis akong nagtago sa likod ng poste ng bumukas ang gate nila at niluwa nito si Daniela habang may dala-dalang skateboard. Papasok siya sa pamamagitan ng skateboard?

Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang trip niya atsaka ko lang na-realize na ang cool niya. Inayos ko ang cap ko at mabilis na lumabas sa posteng pinagtataguan ko at napansin ang isang itim na kotse na mabilis na sinundan si Daniela.

Halos kumabog ang dibdib ko dahil baka kung anong mangyari sakanya, pasimple akong nakasunod at lakad-takbo ang ginagawa ko, nagtago ako sa isang basurahan ng makatunog si Daniela at luminga-linga atsaka ulit pinatakbo ang skateboard niya pero mas mabilis na.

Ganon din ang ginawa no'ng itim na kotse at sa puntong yon ay puntirya talaga nila si Daniela, mabilis akong umalis sa pinagtataguan ko atsaka tumakbo papunta kay Daniela.

Mabilis silang lumiko sa isang eskinita kaya luminga-linga ako atsaka umakyat sa isang bakod papunta sa likod ng eskinita. Pinakiramdaman ko din yung sakay ng itim na kotse, kita ko din si Daniela na nagtatago sa isang basurahan at bakas sa mukha niya ang takot at kaba.

Bumaba yung sakay ng itim na kotse kaya mabilis akong nagtago ng luminga-linga sila, hindi ko sila mamukaan pero malalaki ang katawan nila. Shit si Daniela.

Dahan-dahan akong bumaba at puwesto sa dulo ng eskinita at kitang-kita ko kung paano labanan ni Daniela yung mga gangsters. Dehado siya dahil doble ang laki at lakas ng kalaban niya, anong kalaban-laban ng isang babae sakanila?

'Fuck you!'

Mabilis na sinipa ni Daniela yung bayag ng isa at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ko at kinuha ko yung pagkakataon para iligtas siya.

Hinarang ko siya at mabilis na tinakpan sa bibig at hinila sa pinagtataguan ko kanina, nagpupumiglas siya at tila natakot ko. Mas hinigpitan ko'pa ang kapit ko sakanya at itinago pero nanlaban siya at mabilis na pinilipit ang braso ko patalikod.

"Arrgghh! S-shit Aray!"

Mabilis naman niyang binitawan ang braso ko atsaka niya ako iniharap sakanya at alisin ang cap ko.

"Marcus?"

"Ssshhh..."

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at iniharang ang katawan ko sakanya. Natahimik naman siya at rinig ko ang usapan ng mga tangang gangsters.

'Teleport niyo mukha niyo!'

"Wala na sila, Daniela wala na sila. A-anong ginagawa mo?" kunot noo kong tanong dahil sinisinghot singhot niya yung dibdib ko.

"Ahh ehh sorry nadala lang." sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Ikaw? Nasaktan ka'ba? Nabali ko yata yung braso mo?" asik niya at ineksamin ang pinipilit niyang braso ko.

Masakit yung ginawa niya sa totoo lang, pero alam ko namang ginawa niya lang yun bilang self defense.

Niloko ko naman siya atsaka sinipat ang tiyan ko. Nag-sorry naman siya at mabilis ko siyang hinila paalis sa eskinita dahil masyadong delikado sa lugar na'to.

Hawak ko ang kamay niya at doon ko lang na-realize ang ginawa ko, nakarating din kami sa isang park at umupo sa swing.

"Wait, ano palang ginagawa mo doon kanina kung saan mo ako nakita?" bigla niyang tanong at napa-ismid ako.

"Ahh ano? Napadaan lang at sakto namang nakita kita na hinahabol ng mga gangster kanina kaya hindi na ako nag-atubiling tulungan ka." mabilis kong sagot at tumango-tango naman siya.

"Wait? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nakakaaway o ano para sugurin ng mga hindi ko kakilalang mga gangster." sabi niya pa.

Yun din ang nasa isip ko, kahit papano alam ko namang wala siyang nakakaaway na ganoong tao at mga gangsters pa. Sigurado akong pinupuntirya nila si Daniela dahil alam nila na malapit kami sakanya. Buti nalang meron ako.

'Naks naman'

"Ahh baka ano, baka may nakaaway ka at gusto ka nilang gantihan kaya ganon? Hehe!" yun na yata ang pinaka-bobong salita ang sinabi ko.

"Hindi ehh, wala akong maalala na may nakaaway akong ganong klase ng tao." sabi pa niya.

"Hey! It can't be? Huwag ka'na ngang magtanong ang mahalaga ligtas ka." sabi ko at huli na para bawiin pa yung sinabi ko.

"Wow, hindi ko alam na may pakialam ka pala saakin? Ang bait mo talaga."

"Hindi ako mabait, tara na nga. Late na tayo."

Hinila ko'na siya paalis sa park atsaka kami naglakad papuntang school, habang naglalakad ay napahinto siya kaya nagtaka ako.

"Bakit ka huminto?" tanong ko.

"Anong nangyari sa mukha mo?" sita niya sa mukha ko kung saan may black eye ako.

"Wala 'to, napaaway lang."

"Wehh yung totoo?" asik niya ulit.

"Oo nga, tara na nga ang kulit mo!"

Hindi na siya nagtanong ulit at tuluyan na kaming pumasok at nadatnan naman namin sila na nagbebenta ng juice na si Cholo ang may pakana.

Marami silang tanong kay Daniela kaya tumahimik nalang ako dahil wala akong balak magsalita dahil tinatamad ako. Nakita ko naman si Raven na nakatingin kay Daniela atsaka ngumiti ng palihim.

'Ano yun Raven?'

Hindi ko nalang yun pinansin at tumulong nalang sa pagbebenta ng mga juice at ganoon din sa pagpupulot ng basura at matapos no'n ay napag-pasiyahan naming maglibang.

~~
Hii guys! Side POV 'to ni Marcus bago mangyari ang naudlot na pag-kidnap kay Daniela. Gusto ko munang bigyan ng POV's yung ibang mga characters ko para naman hindi si Daniela yung laging bida.

Sana nage-gets niyo yung flow ng story. Thanks ulit sainyo, salamat at nakapag-UD ulit. Keep reading guys!

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Where stories live. Discover now