04 /Section E/

26.9K 1K 218
                                    


Daniela's POV

"Dito po ba yung Section E?"

Gulat na gulat sila sa tanong ko kaya hindi ko maiwasang magkunot-noo at magtaka. Hindi ko alam kung may saltik lang ba talaga sila o ano? Wala namang kakaiba sa tanong ko at kung maka-react sila wagas.

"Y-yes dito nga, bakit?" medyo utal niyang tanong kaya binigay ko sakanya yung transfer slip ko at nagulat na naman siya ng basahin niya ang slip ko.

'OA amp!'

"Y-you're a transferee, sure ka bang dito ka sa Section E?" tanong niya kaya tumango ako.

Kahit pinaghalong taka at gulat ang nasa mukha niya ay pinapasok parin niya ako at agad kong napansin na magulo at kalat-kalat ang mga estudyante or should i say na classmates ko. There's one thing that i realize the most is...

'I'm just the only girl'

Literally lahat sila lalaki, lahat sila nakatingin saakin kaya hindi ko maiwasang mailang at matakot sa uri ng pagtingin nila saakin, yung iba naman pagtataka ang bumalandra sa mukha nila at yung iba walang pakialam gaya noong lalaking nasa dulo na may pulang bandana sa ulo.

'Sya yung nakabangga ko!'

"Kindly introduce yourself Miss." sabi no'ng teacher kaya tumikhim ako atsaka tumingin sakanila.

"Hi everyone!" kumaway ako. "I'm Daniela Alvarez, Danny for short, I'm 17. Glad to meet you all." nakangiti kong pagpapakilala pero nakatingin lang sila saakin.

'This is so awkward!'

"Please to meet you Ms. Alvarez, I'm Mr. Alvin Siongco, welcomed to my class." pagpapakilala ni Mr. Alvin at nakipagkamay.

"Class be nice to her okay, any questions regarding to our new student?" tanong ni Mr. Alvin sa klase at may mga nagtaas naman ng kamay.

"Yes Zico?"

"Do you have a boyfriend?" tanong no'ng Zico kahit nagulat ako sa tanong niya ay hindi ko pinahalata.

'Wala!'

"Meron." sagot ko at napa-Ohhh naman sila.

"Sir ako may tanong."

"Yes Blake?" tanong ni Mr. Alvin

"Why are you here and worst in our section!?" tanong no'ng Blake. What's kind of question is that?

'Malamang nandito ako dahil dito ang section ko!'

"Because i transfer here and this is my section." sagot ko at yun na yata ang pinaka-engot kong sagot.

"Anyone?" tanong ulit ni Mr. Alvin.

'Gusto ko ng umupo'

Nagtaas ng kamay yung lalaking may bandana sa ulo na siya rin na nakabangga ko kanina. Si Mr. Tss!

"You're not welcome here, so you better get lost." sabi niya habang bored na nakatingin saakin. Pilit akong ngumiti sa sinabi niya.

"I could but i won't." nakangiti kong sagot kahit gusto ko ng i-activate ang maldita mode ko. Ayokong gumawa ng scenes ngayong unang araw ko.

Napa-Ohhh nalang ulit sila sa naging sagot ko at naghanap ako ng bakanteng mauupuan. "Mr. Alvin can i take a seat?" tanong ko sakanya.

"Ah yes, take your seat and just call me Sir Alvin." sabi niya at tumango nalang ako.

Tinungo ko yung upuan na gusto ko malapit sa bintana pero agad din na nawala ang ngiti ko dahil biglang nilagyan ng bag no'ng lalaking nakaupo sa harap ang upuan na gusto ko.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن