24 /Green Minded/

16.8K 760 73
                                    


Kahlil's POV

Natapos ang huling subject namin at ngayon nakatambay lang kami dito sa room at sayang-saya naman sila dahil wala na kaming next subject. Damn it! Mas gusto ko pang may klase kami para naman less ingay...

Parang mga pinakawalang baboy naman ang mga gago dahil ang gulo-gulo nila, well ganyan talaga sila at yun na ang nakasanayan namin, kahit naiirita ako ay napagtitiisan ko'pa man din sila...

Huminga ako ng malalim atsaka ko inalis ang salamin ko atsaka ko pinunasan, nahagip ng mga mata ko si Zero na hanggang ngayon mukhang ginahasa ng mga babae dahil sa itsura, kusot-kusot ang uniform, magulo ang buhok atsaka wala sa sarili. Unang tingin mapagkakamalan mo siyang baliw pero hindi.

Akala namin no'ng una ay may nakaaway na naman siya kaya ganyan ang itsura niya pero nagulat kami ng inamin ni Daniela na siya ang may gawa niyan kay Zero, knowing Zero ay hindi siya basta-basta nabubugbog kaya nakapagtatakang nasaktan lang siya ng ganon-ganon ni Daniela?

'Kakaibang babae!'

Nakita ko si Cholo na may hawak na junk food at palinga-linga, walang kabusugan ang isang 'to pero hindi naman lumalaki.

"Nasaan na yun?" bulong niya pero narinig ko.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko kaya napatingin siya saakin.

"Si Ate Danny, hindi ko siya makita, nakita mo ba siya?" bata niyang tanong, bestfriend pala niya si Daniela kaya hinahanap niya.

"Malay ko? Ikaw ang kasama niya palagi." sabi ko at nagkibit balikat.

"Ibibigay ko kasi 'tong chitchirya sakanya ihhh!" sabi niya at pinakita ang hawak na junk food.

"Baka umalis na?"

"Huh? Bakit hindi siya nagpaalam saakin?" kumunot ang noo niya at nag-pout.

'Nagpa-cute pa ang bata!'

Hindi ko'na pinansin si Cholo at umupo nalang at nagsalpak ng headsets sa tenga at nakaupo lang ng ilang minuto, nakakabagot ang ganitong sitwasyon...

"WAAHHH!"

Nagulat ako ng biglang pumalahaw si Cholo at taka kaming napatingin sakanya.

"Bakit, anong nangyari sayo?" taka kong tanong.

"Namimiss ko kasi si Ate Danny ehh!" sabi niya habang nakapout parin, at naka-cross arms.

'Puta!'

"Tumigil ka nga Cholo, baka umuwi na'yon?" sabi ko pero dinilaan lang niya ako.

"Hmm! Sabi niya sabay kaming uuwi!"

"Malamang iniwan ka'na non, hindi mo siya makita diba?" sabi ko pero mas lalo lang bumusangot ang mukha niya.

Ngayon ko lang nakitang nagmaktol si Cholo ng ganyan at talagang namimiss nga niya si Daniela, hindi naman siya mag-iinarte kung hindi naman talaga niya namiss...

'Poor Cholo!'

Umiling-iling ako atsaka tumayo dahil bagot na bagot na ako, hinagilap ko si Raven pero wala parin siya, kanina pa siya umalis ng room at hindi ko alam kung saan nagpunta ang isang yon? Ewan ko.

"Saan ka pupunta?"

Hinarang ako nila Cloud at Dino sa may entrada ng pintuan dahil akmang lalabas ako pero umeksena naman ang mga 'to.

"Magpapahangin, nababagot ako dito." sabi ko at tumango-tango naman sila.

"Ahh ganon ba, sige sama kami!" sabi nila at tumango nalang ako.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Where stories live. Discover now