67 /Joined Force/

11.5K 407 34
                                    


Raven's POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto kong alamin kung may nakatingin ba sa mga galaw namin, gusto kong makasigurong ligtas parin ang bawat galaw at kilos namin, lalong-lalo na si Daniela.

Ako palang ang mag-isa sa classroom namin at pinakikiramdaman ko ang paligid. Pasimple akong sumilip sa bintana ng mapansin kong may taong nagtatago sa likod ng puno. Tama nga ang hinala ko.

Nagkunwari akong hindi ko siya nakita at naglakad palabas ng room. Pumunta ako sa likod ng room kung saan nakatayo yung puno na pinagtataguan ng lalaki ngayon. Umupo ako sa lumang bench at nagpade-quatro atsaka pumikit.

Tinalasan ko ang tenga ko at hinintay kong lumapit saakin yung lalaki, ilang minuto pa akong nasa ganoong posisyon ng hindi parin siya lumalapit. Didilat na sana ako ng marinig ko ang mga tunog ng tuyong mga dahon.

Gusto kong mangiti dahil sa katangahan niya. Palapit ng palapit ang hakbang at hindi ko parin dinidilat ang mga mata ko. Mabilis na nawala ang mga tunog ng hakbang at naramdaman kong may patalim na dumapo sa leeg ko.

Doon ko na dinilat ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki na naka-black cap at face mask. Hinigit ko ang braso niya atsaka ko mabilis na inilayo ang patalim sa leeg ko at pwersahan ko siyang sinipa sa tiyan.

Dumaing siya sa sakit kaya gumalaw ulit ako at iniikot ko patalikod ang kaliwa niyang braso atsaka ako pumatong sakanya sa likod at idiniin ko ang ulo niya pababa.

"Sinong nag-utos sayo?" malamig kong sabi sakanya sabay diin sa ulo niya.

"Aarrgghh shit!" asik niya atsaka sinubukang kumalas sa pagkaka-lock ko sakanya.

"Sinong nag-utos sayo?" malamig ko ulit na tanong.

"Ano ako gago? Bakit ko sasabihin?" matapang niyang sabi atsaka ako pinagmumura.

"Ano ding akala mo saakin santo? Sabihin mo sa leader niyo na kalabanin ako ng harap-harapan, hindi yung tumitira kayo na parang supot!" maangas kong sagot sakanya atsaka ko siya iniharap saakin atsaka ko sinapak ng tatlong beses ang mukha niya.

Duguan na ang mukha niya at nawalan na ng malay. Hinila ko siya at idinaan sa back gate, sigurado akong may kasama ang gagong 'to. Nahagip ko ang isang van na nakaparada sa gilid at pinakita ko sakanila ang bugbog sarado nilang kasama.

Iniwan ko na don yung lalaki atsaka ko inayos ang sarili ko at bumalik sa room na parang walang nangyari. Lumipas ang mga oras at nagsimula na rin ang klase namin.

Hindi ako maka-focus dahil na kay Daniela lang ang tingin ko. Nasa unahan siya at nakikinig sa subject teacher namin. Isang linggo na niya kaming hindi pinapansin at para na akong mababaliw dahil sa hindi niya pagpansin saamin lalo na saakin.

Kasalanan ko din naman kung bakit siya nagkaganoon, ginupit na rin niya ang mahaba niyang buhok at naging cold ang pakikitungo niya saamin. Nawala na yung bubbly na Daniela'ng kilala ko, kilala namin.

Gusto ko siyang hilahin nalang sa isang sulok at halikan ng walang tigil. Nami-miss ko na yung malambot niyang labi pero hindi ko na magawa dahil tinataboy niya ang sinuman saaming magtangkang lumapit.

"Relax pre." pigil saakin ni Marcus dahil halos mapunit ko na ang librong hawak ko sa sobrang pagkagigil ko.

Natapos ang klase namin at nakita kong paalis na ng room si Daniela kaya pinigilan ko siya.

"Daniela sandali!" sabi ko atsaka ko hinigit ang braso niya, tinignan niya ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya agad akong napabitaw.

"Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na huwag niyo kong kakausapin. Hindi mo ba maintindihan yung salitang ayoko. Tanga ka ba!?" pambabara niya saakin pero hindi ako natinag.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz