Kabanata 32

1.5K 36 9
                                    


Kabanata 32

Conscious



"I miss you..." kakasagot ko palang ay iyon agad ang bungad niya sa akin. Tinabi ko na muna ang vacuum at umupo sa malawak niyang sofa. Hindi pa halos kumalahati iyong araw ko ay tumatawag na siya. And if my estimation is correct, tingin ko ay kakarating niya lang doon.

"Hi..." I greeted back, inaayos ang upo.

"Turn your camera on, please," sabi niya sa kabilang linya na inilingan ko lang. Nakarinig ako ng kaluskos sa background, mukhang inaayos niya rin ang sarili sa inuupuan. "I want to video call..."

"Ayoko," sabi ko na. "Kakatapos ko lang maglinis. I'm sweaty... and I look tired."

"I'm sweaty and I look tired, too, I just came from a... terrible flight, and I'm in L.A..." sinubukan niya pa akong kumbinsihin. "C'mon, please?"

"Ikaw nalang mag-on, I want to see you," lambing ko nalang. Na agad niya namang ginawa.

Inilayo ko na sa tenga ang phone at ningisihan ang nakasimangot niyang mukha sa screen kahit hindi naman niya ako nakikita.

"I want to see you, too..." he muttered again. His entire face and a bit of his chest and neck occupied my screen. Madilim iyong paligid niya at ang tanging ilaw niya lang ata ay iyong mula sa sariling screen at ilaw mula sa kung-saang night lamp.

"Anong oras na ba dyan?" tanong ko na. "Anong oras ka ba... dumating dyan?"

"It's around 10PM here... now. I arrived at around 8," sagot niya. "What are you doing?"

"Naglilinis nga..." sagot ko at napalingon sa vacuum na isinandal ko sa pader. "Uh... nag-dinner ka na?"

"Yeah..." he whispered huskily. Magtatanong pa sana ako kung anong kinain niya at kung saan siya tumutuloy, naunahan nga lang ako ng singhap niya. "Can't I see you?" ulit niya.

Tinitigan ko lang ang mukha niyang lumalayong bahagya sa kanyang phone at mukhang may hinahanap doon. Ningiwian ko ang seryosong mukha niya sa screen, nahuhulaan nang hindi ata talaga siya titigil hangga't susundin ko ang gusto niya.

"I want to see you..." sinubukan niya ulit, ngayo'y medyo sa tonong nagmamakaawa na. "Even just your forehead, please..."

Wala sa sarili kong nilingon ang mga salaming pader sa magkabilang gilid ng TV niya. I looked at my reflection and grimaced some more. Tanghali pa lang at nag-vacuum lang naman ako, pero lubog na agad ako sa pagiging gusgusin. Habang si Sir Killian ay... ganoon pa rin. Gwapo pa rin. At siya pa 'yong pagod na pagod sa aming dalawa. Ang... daya talaga! 

"I really don't want to..." I sighed and stared again at my not really unruly, but clearly unattractive reflection. Kahit na masasasabing nagkaka...igihan na kami ni Sir Killian ay hindi pa rin naman nawawala ang katotohanang katulong niya ako.

And staring at the reflection of my tight hair bun and maid scrubs only reminded me of it. But that specific fact does not bother me. I was still very thankful for this job. I just... really wasn't comfortable turning my camera on when I strongly looked like I should only be serving him through cleaning and nothing else. Parang mali kapag maliban pa doon ang ginagawa ko.

Parang... mas lalo lang na lumalawak ang agwat sa pagitan naming dalawa, kapag ganoon. Kapag makikipag-video call ako ng nakaganito at aaktong ka-relasyon niya, o kung anuman ang tingin niya sa aming dalawa. Parang... bawal.

"Okay, I'm sorry. Maybe next time then?" bawi niya matapos ang ilang segundong katahimikan mula sa akin. He even tried to sound and look lighter, like he knew what I was going through beyond our call. I sighed inwardly when that small touch of consideration tugged on my heart strings a bit.

Behind Curtains (ONGOING)Where stories live. Discover now