Kabanata 46

491 18 12
                                    


Kabanata 46

Layla



"Ate..."

Sa sobrang pokus ko sa mga iniisip ay napa-igik pa ako nang makaramdam ng malamig at mahigpit na paghila sa braso ko. Dinagdagan pa ng panandang tinawag sa akin!

The EDM, darkness and the dancing strobe lights finally seeped into my bloodstream. Pinong sumasayaw lang ako ng ilang minuto, bigla'y medyo hindi ko na hawak ang sariling paningin.

I was pushed and pulled to the sides. I was pushed against someone's back one minute. Tapos ay may humila nanaman sa akin at tinatago ako.

"What's happening?" naririnig ko si Keith pero tila napakalayo ng boses niya. Pumipikit-pikit na ang mga mata ko at nanlalamig na ang pawis. The air was cold, and I was in thin garments, but still, I sweat! At nahuhulog pa sa mga mata ko!

Hindi ko na masyadong nakikita ang kahit na ano sa dilim. Ngunit nang biglang tumigil iyong tugtugin at tila nagyelo na rin ang paligid, bahagyang bumalik ang ulirat ko. I blinked excessively as I tried to focus on the brewing conversation.

Lalo na't nahuli kong nadadawit sa usapan ang pangalan ko!

"Anong nangyayari, Kyler?" naririnig kong mariing tanong ni Keith sa gitna ng umaangat na mga bulong-bulungan.

Pero imbes na may sumagot ay may narinig na akong marahas na pagsapak sa kung-ano.

"What the fuck, pare?!" somebody growled. Pero imbes na ganap na galit ang naririnig ko roon ay parang nangungutya pa.

"Hinihipuan mo 'yong babae!"

May narinig akong nagsinghapan. But it was a casual pearl of laughter that championed the silence. A casual pearl of laughter that Keith and I were both familiar with. Galing sa likod ng kung-sino I tried my hardest to blink my eyes open and to tip-toe.

"Ano? What the fuck, anong hipo? We were just dancing!"

Nakarinig nanaman ako ng paghampas. Sinubukan ko nang ipilit ang sarili ko sa gitna ng dalawang magkadikit na katawang bumabara sa paningin ko. Even in my high heels, I was still... really shorter than most everyone else!

"Binastos niya si Ate Lala, Kuya!"

Buti nalang at bahagyang nagka patlang iyong dalawang taong nasa harapan ko. Iniluwa akong naabutang maangas lang na tumatawa si Francisco habang pinipigilan na si Kyler ng mga kaibigan niya. Napatakip ako ng bibig lalo na nang mukhang seryoso na ngang susugurin ni Kyler si Francisco na nakapamulsa't swabe lang na nakatayo roon.

Francisco's and my eyes met. Agad naman niya akong kinindatan. I immediately made a face at him saka siya humalakhak at ibinalik ulit kay Kyler ang tingin. Nilingon ko ulit si Keith sa medyo malayong parte ng dance floor, inilingan niya lang ako at namewang, mukhang bahagya pa ngang naaaliw sa nakikita.

Maglalakad na sana ako papunta sa kanya para kumbinsihin siyang tumulong na sa pag-awat nang bigla nanamang sumabat si Francisco. Kulang ang panlakihan lang siya ng mga mata sa sinabi. Napatigil tuloy ako sa gitna ng paghahawan.

"Ate...? You call Lala, "Ate"? Ahhh, naiinggit ka ba kasi mukhang makaka-score pa ako habang mukhang 'di ka naman ata type, Kyler?!"

My eyes was literally about to bulge out of my head when Kyler scoffed. Ako na sana mismo ang maglalakad patungo sa kanila nang may bigla nanamang humila sa akin.

"Tangina mo!" was the last thing I heard bago ako kinaladkad ulit kung saan.

My already blurrying vision only got more blurry when I was pulled away from the growing commotion. Ni hindi ko na nga napansing nakakaladkad na pala ako until my aching feet left the edge of the long staircase, dahil... may kumakarga sa akin!

Behind Curtains (ONGOING)Where stories live. Discover now