39- WELCOME PARTY

Start from the beginning
                                    

Sometimes I wonder where I've been,
Who I am,
Do I fit in.
I may not win,
But I can't be thrown,
Out here on my own,

Out here on my own.


"Jema, okey ka lang ba?" Tanong ni Jude - ang provincial Engineer na kasama nya ngayong gabi. Dumalo sila sa paWelcome Party ng Gobernadora sa isang malaking sponsor na susuporta sa probinsya.

"Yeah, I'm okay. Medyo napagod lang siguro ako sa balikan kong byahe pauwi sa amin kanina. Punta muna akong cr ha, mag-freshen up lang ako."

Gwapo naman at matikas ang tindig ng batang Engineer na ka-date nya at makailang beses na ring nagpapahayag sa kanya ng pagkakagusto pero wala talaga syang maramdamang maski kaunti para dito. Si Deanna at si Deanna pa din.

Nagtagal sya sa CR dahil inayos nya ang kanyang lipstick at tiniyak na walang nagkalat na kolorete sa kanyang mga mata dahil kanina ay alam nyang namasa ang kanyang mga mata dahil sa pag-iisip na naman kay Deanns.

Nagsimula na ang programa nang makabalik sya sa table nila ni Jude. Nagsasalita na ang Gobernadora at iniisa isang ibalita ang mga breakthroughs sa mga flagship projects ng kanyang pamamahala. Isa na dito ang rehabilitation ng mining area.

" Here with us tonight is the Director of the Pag-Asa Peoples Network for Reconstruction and Rehabilitation - the ever beautiful Ms Jessica Margarett Galanza - pagpapakilala ng Gobernadora

kaya napilitan si Jemang tumayo at ngumiti habang kumakaway kaway sa mga nanduon. Ang Engineer naman ay maginoong tumayo din at inalalayan ang dalaga kapagka ay inaalayan din ito sa pag-upo habang nakahawak sa baywang.

Hindi makapaniwala si Jema sa narinig ng ipakilala ng Gobernadora ang panauhing pandangal. Ito pala ang mayamang bisita na malaki daw ang maitutulong sa mga proyekto sa probinsya .

"Ladies and Gentlemen, let us all welcome , Our distinguished Guest - the CEO of Wong Rehab and Development Corporation- Ms Deanna Izabella Wong."

Parang nagkakarera ang tibok ng puso ni Jema, dahan dahan nyang inangat ang kanyang mukha para tingnan ang tinawag. Sya nga! Sya talaga, nandito na ang kanyang mahal. Nakita na nya ulit ang kabuuan ng mukha nito. Ang malagong kilay at ang singkit na mga mata, ang maliit na cute na ilong at ang mapupulang labi. Dati kasi nung Emir ito ay labi lang ang nakikita nya ( nakahalikan pa nga 😊. Nakasuot ito ng salamin kaya medyo mas matured ang hitsura, medyo relaxed ito ngayon di tulad noong nasa OGB na animo laging makikidigma. Maganda pa rin ang hubog ng pangangatawan nito, nandyan pa kaya ang kanyang mga abs. ( nakuu Jemalyn saan na naman papunta ang isip mo 😊 -napangiti sya sa kanyang sarili).

"Good evening everyone! My name may leave a bitter taste in your mouth. I won't blame you for that. Yes, I am the same Deanna Wong of Wong Consolidated Mining and I am back. With Wong Rehab and Development I promise, we will bring life, love and peace back to our community. We will be with you in each and every step of the way. "

Hindi inaalis ni Deanns ang kanyang pagkakatitig kay Jema na nakaupo sa tabi ng Provincial Engineer. Nararamdaman na naman nya ang masakit na matulis na wari'y tumutusok sa kanyang puso. Ito na nga ba ang kinatatakutan nya. Hindi nakalampas sa kanyang paningin kung paano masuyong inalalayan ng gwapong engineer ang kanyang asawa kanina na sinuklian naman nito ng matamis na ngiti.

Si Jema naman ay wari'y nakapako na ang tingin sa mga mata ni Deanna. Para kasing sya lang ang kinakausap nito. Ibig bang sabihin nito'y binabalikan na nya ako? Hindi na nya napansin na inilapit na pala ni Jude ang upuan nito sa kanya at ngayo'y naka-akbay sa likod nya. Wala pa rin syang mabasa sa mga mata ni Deanns, parang galit ito na parang nang -uusig. Mamaya, kakausapin talaga kita. Di ako papayag na matapos ang gabing ito na hindi tayo nagkakausap. Tiyak namang hindi rin ako mapapalagay hangga't hindi tayo makakapag-usap.

MINEWhere stories live. Discover now