Dysphoria - Chapter 18

12 1 0
                                    


AYESSA


"Mom anong date na ngayon?" Hindi man ako nakikita ay alam kong nasa kwarto si Mom. Nandito parin kasi ako sa ospital kung saan ako inoperahan. Hindi pa natatanggal ang bandage na nakatakip sa mga mata ko.

"Ah June 28 na anak. Bakit mo natanong?" sabi niya.

"Eh kasi dapat makikipagkita ako kay Lemuel. 2 weeks dapat after ng operation ko non, birthday niya nga rin nong inoperahan ako. " Naramdaman kong umupo si Mom sa higaan ko.

"Lemuel? Yong kinukwento mo samin ng Dad mo na nakilala mo sa park? Di bale anak, pag makalabas ka na dito ay pupuntahan natin siya. "

"Talaga Mom ? Thank you !" Niyakap niya ako at yinakap ko din siya.

Two weeks ago dapat makikipagkita ako kay Lemuel. Pero dahil sa hindi pa natatanggal ang bandage sa mata ko at hindi pa ako tuluyang gumaling ay hindi pa ako pinayagang lumabas. Naging successful ang naging operation ko at excited na akong makakita. Excited na akong makita ang mundo, excited na akong makita si Lemuel.

Mabuting tao si Lemuel alam ko yon. Hindi ko man siya lubusang nakilala ay ramdam ko yon sa ilang beses naming pagkikita. He's just not fine, hindi lang niya nakikita ang kagandahan ng buhay at andami niyang pinagdaanan.

"Anak I have good news for you !" Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang masiglang boses ni Dad.

"Bakit Dad? Anong meron?" Kinakabahan ako pero excited at the same time.

"Mamayang hapon ay tatanggalin na ang bandage mo ! Makakakita ka na anak !"

The news is overwhelming. After how many years of not seeing the colors of life, finally makakakita na ako. Some people are lucky because they can see, they don't the same situation as mine. But they're so lucky because they can enjoy the best in life. There are lot of people like me who have been deprive from a lot of things. Pero kahit ganito ang nararanasan namin ay pinipilit naming mamuhay ng maayos at masaya. Hindi naging hadlang ang kapansanan namin para mabuhay.

"Ano Ayessa? Excited ka na ba?" Tanong ng doctor ko.

"Medyo po doc. Kinakabahan at the same time din."

Naramdamang kong tinatanggal nila ang tape sa bandage ko. Unti-unting lumuluwag ang bandage, hanggang sa naramdaman kong tuluyan na itong natanggal.

"Open your eyes, Ayessa."

I gently opened my eyes. Medyo blurry nong una pero matapos ang ilang kurap ay naging malinaw na ang paningin ko.

"Mom? Dad ?" I looked at two persons beside my holding each other's hand.

"Yes anak kami nga ito." They hugged me really tight that made me cry.

Finally nakakakita na ako.

"Doc maraming salamat talaga." Sabi ng Dad kay Doc.

"Walang anuman. Siya, aalis na ako. Ayessa?" Napatingin ako sa kanya. "You're a great kid, enjoy life." At lumabas na siya ng kwarto ko.

We're packing my things right now. Pinayagan na akong lumabas ng doktor pero may mga gamot pa akong dapat inumin at eye drops. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nakakakita na ako.

Habang tumatakbo ang sasakyan namin ay napapatingin ako sa labas ng bintana. Houses, people walking, vendors, green trees, colorful flowers and a beautiful sunset. Truly, it's a wonderful world.

When we arrived home ay tinuro agad sakin ni Mom ang kwarto ko. After how many years ngayon ay makikita ko na ang kwarto ko.

The wall is painted white. Everything in my room is coated with white. I went to the window of my room and there I saw the beauty of the night. The stars are shinning and the moon is more beautiful than I imagined. I can see cars passing by the road nears our house.

From where I am standing, I saw the park. The park where I met Lemuel. Kumusta na kaya siya? Hindi ko siya nabati noong birthday niya. Maybe pupunta siya ngayon sa park like he used to do.

"Mom can I go to the park?" Paalam ko kay Mom na nasa kusina.

"Sure anak, but we have to eat dinner muna."

Habang hinihintay kong maluto ang niluluto ni Mom ay nag-ikot muna ako sa bahay. I've been living here for how many years at ngayon ay nakikita ko na siya. Nakita ko si Dad sa sala nakaupo sa harap ng TV nanonood ng balita.

"Oh anak, bakit?" Tanong ni Dad nang makita niya ako.

"Wala po Dad. Nagpaalam kasi ako kay Mom na pupunta ako sa park, sabi niya kakain daw muna tayo." Sabi ko.

"Ah ganun ba? Oh siya tara na kain na tayo." Saktong pagdating namin sa kusina ay luto na pala ang niluto ni Mom. Umupo kaming tatlo at nagdasal muna bago kami kumain.

"Nasaan po pala si Ate Dina?" Tanong ko sa kanila. Si Ate Dina ang kasambahay namin dito. Siya rin ang umaalalay sakin pag wala sina Mom.

"Umuwi muna siya sa bahay nila anak. Bukas daw siya babalik."

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta na ako sa park. Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit at nag toothbrush. Palabas na sana ako nang makita ko ang white cane na ginagamit ko. Lemuel calls it as a metal stick that made me almost laugh that time.

Wearing a jacket ay lumabas ako ng bahay papunta sa park. Ngayon ko lang lubusang na appreciate ang kagandahan ng park sa gabi. The golden shine of the lamp post and the cold breeze mula sa dagat makes it relaxing. At first nahirapan akong hanapin ang bench na lagi kong pinupuntahan dito. Pero luckily ay natatandaan ko kung saan ito. I headed to it's direction and there was someone sitting there, alone.

Malayo palang ay nakita kong isa siyang lalaki. He's wearing a jacket and busy with his phone. My heart is beating fast habang palapit ng palapit ako sa kanya. When I was close enough ay hindi niya parin ako napapansin.


"Lemuel?" I asked that made him look at me. Honestly he's handsome.

Ngumiti siya sakin at tumayo sa pagkakaupo niya.

"Ayessa ikaw pala." His voice is different. " Hindi ako si kuya, ako ito si Ariel." He said.

"Nasaan ang kuya mo?" I asked.


Umiba ang expression niya. His face became sad.



"He's in coma for a week now."



END OF CHAPTER 18

Nights of DysphoriaWhere stories live. Discover now