Dysphoria - Chapter 15

17 3 0
                                    


LEMUEL


"What's this?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko na nakilala kong si Ariel dahil sa name tag niya.

"That's a remote kuya. Alam mo naman siguro kung paano ginagamit yan diba?"

Naging maayos naman ang nagdaang buwan sa buhay ko. Kahit na may Agnosia ako ay di ko ito ginawang rason na hindi e-enjoy ang buhay. Malaki din ang naging tulong ni Ayess para mapagtanto ko ang mga bagay-bagay.

Napatawad ko na si Dad sa ginawa niya. Kita ko naman na pinagsisihan niya ang mga naging kasalanan niya. Hiwalay na rin pala si Dad at ang mommy ni Ariel nong nakaraang buwan at mukhang ayos naman sila at ganon din si Ariel.

Ariel and I are like brothers and bestfriends at the same time now. He's been there by my side all along whenever may mga bagay-bagay ako na hindi nakikilala o alam. Hindi ko narin siya sinusungitan dahil wala naman akong rason na sungitan siya.

"Kuya malapit na ang birthday mo ah, sa sabado na. Ano plano mo?"

"Talaga? Nakalimutan ko. Wala pa naman akong plano. Dati kasi nagluluto lang si Mama ng pancit at carbonara ayos na ako."

"Eh kung magpa-party kaya tayo kuya?" Suggestion niya.

"Alam mo naman hindi ako nakakakilala ng mukha, hindi ako mag e-enjoy non." Tumango naman siya nag-isip ng ibang ideya.

"Pasyal nalang tayo sa mall Ariel sa birthday ko. Gusto kong bumili ng mga bagong libro." Sumang-ayon naman siya at nagpatuloy sa paglalaro niya sa smartphone niya.

--

"Shit ! Ang sakit !" Mahina kong sabi habang nakaupo ako sa kama. Bumalik na naman ang pagsakit ng ulo ko sa di ko alam na dahilan.

Ilang beses na itong naulit sa nagdaang mga linggo at hindi ko pa ito nasabi kay Ariel. Ayokong mag-alala siya at ganon na rin si Dad.

Inabot ko ang gamot at tubig sa mesa sa tabi ng higaan. Matapos kong inumin ang gamot ay humiga na ako pinilit ang sarili matulog.

The next morning ay napagpasyahan kong mag jogging sa park. Dahil medyo malayo ang park sa lugar namin ay hiniram ko ang sasakyan ni Ariel ng di nagpapaalam. Tulog pa kasi siya at ayoko namang isturbohin siya.

Nang makarating ako sa park ay nagsimula akong tumakbo paikot sa park. Konti lamang ang tao nong oras na yon at karamihan sa kanila ay katulad ko ring nagjo-jogging. Matapos ang ilang minuto kong pagtakbo ay napagpasyahan kong magpahinga muna.

Umupo ako sa bench na lagi kong tinatambayan at uminom ng baon kong tubig. Tumingin-tingin ako sa mga tao sa park at tumigil ang tingin ko sa isang babae na may dalang metal stick.

"Ayessa?" Hindi ako sigurado na siya yon dahil ko nakikilala ang mukha niya pero siya lang naman ang kilala kong bulag na babae na pumupunta dito sa park.

Naglalakad ito malapit sa railings ng park sa may dalampasigan. Naglakad ako papunta sa kanya at bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya ay nagsalita siya.

"Lemuel ikaw ba yan?"

Nagulat ako nang makilala niya ako. Nakakakita na ba siya?

"Paano mo ako nakilala?" Nagtataka kong tanong. Bahagya siyang natawa bago nagsalita.

"Amoy na amoy ko kasi ang pabango mo. Bakit kasi ang hilig niyong mga lalaki sa pabango. Ayan tuloy kilalang-kilala ko na ang amoy mo."

"Talaga ? Ang galing naman. Pero anong ginagawa mo dito eh umaga palang?"

"Naglalakad-lakad lang. Ikaw?"

"Nag jogging lang ako."

"Ah ganon ba." Sagot niya.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya hindi na ako nakasagot sa kanya.

Magpapalaam na sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"So kamusta ka na?"

"Ayos naman. Bakit?" Nakatitig lang ako sa kanya. Ngayon ko lang mas nakita ang kanyang mukha dahil umaga ngayon. Di tulad ng ilang pagkikita namin na madalas ay gabi.

Napakaganda niya at ang payapa ng mukha niya. Wala kang makikita na kahit anong trace ng lungkot o galit. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa mukha niya pero bumalik lamang ako sa realidad nang tawagin niya ako.

"Oy Lemuel ! Natahimik ka ata diyan?"

"Ang ganda mo kasi.."

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko nakontrol ang lumabas sa bibig ko. Natawa siya sa sinabi ko at ramdam ko namang nag-init ang pisngi ko sa naging reaksyon niya. Nakakahiya naman.

"Ano..Kasi.. Alis na nga lang ako." Aalis na sana ako pero nagsalita siya.

"Oy teka lang naman. Pagkatapos mo akong sabihan na maganda ako aalis ka na agad?" Sabi niya na may tonong parang nang-aasar.

"Eh kasi nahihiya ako." Sabi ko naman.

"Feeling ko magandang lalaki ka rin."

"Paano mo nasabi?" Lumapit siya sakit at inabot ang mukha ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Ang kinis, walang bahid ng pimples.

Sunod naman niyang kinurot ang ilog ko.

"Woah, ang tangos ng ilong mo."

Napunta ang kamay niya sa kilay ko.

"Ang kapal din ng kilay mo.

Hanggang sa tumigil siya sa bibig ko.

"Ang lambot ng bibig mo. Feeling ko ang gwapo mo talaga, mga 99.8% sure ako."

Feeling ko nagsipag-akyatan lahat ng blood cells ko sa mukha dahil ramdam ko ang pag-init nito. Bakit nagiging ganito ako sa kanya? Ito ba ang senyales na nagugustuhan ko na siya tulad ng nababasa ko sa mga libro?

"Nagkakamali ka." Sabi ko.

"Sus deny pa. Alam mo, malapit nalang at mapapatunayan ko na totoo ang mga sinabi ko." Nakangiti niyang sabi na ipinagtaka ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"May eye donor na ako at naka-schedule na ang operation ko sa sabado."

"Makakakita ka na !" Excited kong sabi.

"At mapapatunayan ko na gwapo ka talaga." Natatawa niyang sabi.

"Sa sabado na pala? Birthday ko rin sa sabado at para na ring birthday ng mga mata mo." Sabi ko sa kanya.

"Talaga ? Happy Birthday in advance nalang. Pagkatapos ng operation ko at ng birthday mo, balik tayo dito. After 2 weeks, babalik tayo dito dahil ililibre mo ako at papatunayan kong gwapo ka. Enough na siguro ang 2 weeks para gumaling ang mga mata ko."

Sumang-ayon ako sa plano niya at nagpaalam na ako.


"Bye, see you in two weeks." Nakangiting sabi niya at umalis na ako.

Nights of DysphoriaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang