Dysphoria - Chapter 7

25 5 0
                                    


LEMUEL


Lunes na ngayong araw at muli na akong papasok sa eskwelahan. Mahigit isang buwan din kasi akong hindi pumasok.

"Good morning sir. Gusto mo bang mag almusal ?" Bati sakin ni manang nang pumasok ako sa kusina.

" Hindi nap o manang. Sa school nalang ako kakain. Late narin kasi ako." Nagpaalam na ako sa kanya at tinungo ang kotse ko sa garahe.

Wala na ang kapatid ko sa bahay nang magising ako kanina. Siguro maaga siyang pumasok dahil hindi kami sa iisang school pumapasok. Nasabi din ni manang na nag-almusal naman siya bago umalis.

Wala naming problema sakin na magkasama kami ng step-brother ko sa iisang bubong. Wala naman kasi siyang kasalanan . Si Dad yong nagkasala dahil di siya naging faithful kay Mama. Wala narin naman akong magagawa kaya tanggapin nalang ang lahat, labag man sa kalooban ko.

Nang makarating ako sa eskwelahan ay maraming napapatingin sakin. Siguro nabalitaan nila ang nangyari kay Mama. May mga nagsasabi ng condolence daw sakin habang naglalakad ako sa hallway pero ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila.

Pumasok ako sa classroom naming at nagsisimula na pala ang una naming subject.

"Good morning ma'am, sorry po I'm late." Bati ko sa teacher naming bago ako pumasok.

"Oh good morning Lemuel. Condolence nga pala. Sige pwede ka nang maupo, nice to see you again." Ngumiti ako kay ma'am at agad na pumunta sa upuan ko. Ramdam kong nakatingin sakin ang mga kaklase ko pero di ko sila pinansin. Wala kasi ni-isa ka kanila ang tinuturing ko na totoong kaibigan.

People come and go, and that's how life is. May makikilala ka tapos sa huli ay aalis din. Why bother having friends kung magiging ahas din sila, iiwan ka din nila, sasaktan ka at higit sa lahat papatayin ang pagkatao mo.

I used to be a happy person before. Lahat nang nakikilala ko ay tinuturing kong kaibigan. I try to be a good friend to them. Ramdam ko namang sinusuklian nila ang kabaitan ko sa kanila, pero ang di ko lang maintindihan ay bakit iniiwan parin nila ako.

Recess time came and pumunta ako ng cafeteria dahil hindi ako naka almusal kanina. Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay agad akong lumabas ng cafeteria at tinungo ang bench na nasa ilalim ng malaking puno sa may quadrangle.

Habang kumakain akong mag-isa ay napapatingin ako sa mga taong iba-iba ang ginagawa. All of them have friends, lahat sila may mga kasama at nagkakasiyahan. Should I envy them? No I won't.

The whole day was as usual as before. Teachers doing their duties, students with different worlds and me, nothing. Nang dumating ang dissmisal ay agad akong lumabas ng classroom at naglakad sa medyo madilim na hallway. Only my footsteps can be heard and the voices of students at the end of the hallway.

"Okay ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita at si Andrei pala ito.

Di ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. I know I'm being rude pero I can't stand myself seing my ex bestfriend.

"L-Lemuel naman oh kausapin mo naman ako." His voice was cracking. I immediately turned around he was crying. I really hate seeing him crying, it breaks my heart.

"Wag mo na akong kausapin Andrei, di na tayo mag bestfriend." I said in a cold voice. Napahawak siya sa bibig niya, he's preventing himself from crying hard.

"Ganon nalang kadali yon Lem? Akala ko walang iwanan? Nakakainis ka pre!"

I can't help myself so tears started to flow down my cheeks. Friendship is false.

I turned around and continued walking. He didn't say a thing so I did not stop. Ayoko nang masaktan ulit, ayoko nang magkaroon ng kaibigan at iiwan lang din pala ako sa huli.

Nasa park ako ngayon nakatanaw sa unti-unting lumulubog na araw. Pag malunkot kasi ako nakagawian ko nang pumunta ng park para mapag-isa o para mag-isip. Nakaka-kalma kasi ang hangin at view ng dagat.

"Ma kung sana nandito ka pa may makikinig pa sana sakin." I said preventing myself to cry. Mama doen't want to see me crying. She wants me to be strong kaya sinusubukan kong maging matatag kahit wala na siya.

"Yow Lem!" Napalingon ako sa tumawag sakin at si Jem pala ito. Di niya kasama ang makulit niyang kapatid ngayon. Naka-uniform parin siya tulad ko.

Ngumiti ako sa kanya. " Nasan yong makulit mong kapatid?"

"Nasa bahay ang troll. Napadaan lang ako dito para bumili ng pagkain." Napatango ako sa kanya at bumalik ang tingin ko sa dagat.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiyak?" Tanong niya.

"Ayos lang ako. Wag kang mag-alala."

"Sigurado ka? Sige mauna na ako Lem. Ingat ka!"

Naiwan akong mag-isa. Unti-unti nang dumidilim ang paligid kaya napag-pasyahan kong umuwi na. Habang naglalakad ako papunta sa parking area ay napatingin ako sa isang food stall na may tindang mga alak. Pinuntahan ko ito at bumili ng dalawang bote.

While I was driving ay tinutungga ko ang binili kong alak. This is actually my first time drinking alcohol and kung inomin ko ito ay parang juice lang.

Di naman ako gaanong nalasing sa alak na binili ko kaya safe akong nakauwi sa bahay. Pagpasok ko sa bahay ay mukhang kakarating lang din ng kapatid ko dahil naka uniporme pa ito.

"Kuya uminom ka?" Tanong iya sakin.

Sa halip na pansinin siya ay dumeretso ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at di nag-abalang magpalit ng damit.

Ilang beses naulit ang pagbili ko ng alak. Kadalasan ay ginagawa ko ito tuwing hapon pagkatapos ng klase. Nang dahil sa alak ay nakakalimutan ko ang problema. Nagiging payapa ang isipan ko. Napagalitan narin ako ni Dad nong nahuli niya akong umiinom ng alak habang papasok ako ng bahay. He was very mad at me pero di ko siya pinansin. Sa sobrang galit niya ay nasuntok niya ako kaya bumagsak ako sa sahig. Nag-sorry siya sakin pero di ko siya pinansin at nagkulong ako sa kwarto. They kept on knocking at my door pero di ko binubuksan. I don't want to talk to anyone, walang nakakaintindi sa pinagdadaanan ko.



Siguro mas mabuti nalang na mawala ako sa mundong ito.



END OF CHAPTER 7



Nights of DysphoriaWhere stories live. Discover now