Dysphoria - Chapter 10

15 3 0
                                    


LEMUEL


"Sino ka?"

Natigilan ako sa tanong ni kuya.Nakalimutan niya kung sino ako? Ito siguro ang sinabi ni doc na epekto ng aksidente.

Maya-maya ay pumasok na nga ilang nurse kasama ang doktor ni kuya. Agad akong lumabas ng kwarto para tawagan si Dad. Sinabi ko sa kanya na nagising na kuya kaya sobrang nagpapasalamat siya sa.

Bumalik ako sa loob at inaasikaso si kuya ng mg nurse. Si Doc naman ay tinatanong si kuya ng ilang mga katanungan.

"Lemuel anong nararamdaman mo?" Tanong ni Doc na may hawak na parang checklist. Dito niya sinusulat ang mga sagot ni kuya.

"Masakit po ang ilang parte ng katawan ko, pati narin ulo ko." Ganoon parin ang tono ng pananalita ng kuya. Malamig parin ito pero bakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Sige bibigyan ka namin ng pain relievers mamaya. Anong naalala mo sa nangyari sa'yo?"

"Habang nagmamaneho po ako sa national highway ay biglang may lumusot na sasakyan mula kanan ko kaya para maiwasan ito ay liniko ko ang sasakyan ko. Pero dahil mabilis ang pagpapatakbo ko ay di ako naka-preno agad-agad. Hanggang doon lang po ang natatandaan ko." Tumango tango ang doctor at agad na sinulat ang sinabi ni kuya.

"Can you tell me your whole name?" The doctor asked.

"Lemuel Cervales"

"How about your age? How old are you?"

"18 po"

"Where do you leave?"

"Sunshine street, La Estrella subdivision."

Nagpatuloy ang kanilang tanungan ng ilang minuto hanggang sa pinalapit ako ni doc.

"Kilala mo ba siya Lemuel?" Tanong ni Doc kay kuya.

"Familiar po siya, pero di ko matandaan kung saan ko siya nakilala." Sagot ni kuya.

"Siya ang kapatid mo Lemuel."

Nanlaki ang mata ni kuya. Maya-maya ay parang naiiyak na siya.

"A-Ariel? Bakit hindi kita makilala? Ikaw si Ariel?" Tanong ni kuya na umiiyak. "Nasaan si Dad, Ariel?"

"Kuya papunta na siya dito."

Pagkatapos ng tagpong iyon ay agad na lumabas ang doctor at mga nurses. Naiwan kami ni kuy sa kwarto. Tulala si kuya na nakatingin sa bintana, kanina pa siya tahimik mula nong lumabas sina Doc.

Dumating si Dad at agad siyang lumapit kay kuya. Yinakap niya si kuya pero bakas sa mukha ni kuya ang pagkalito. Tulad ko ay di niya rin nakikila si Dad.

"Sino ka?" Tanong ni kuya kay Dad na labis na ikinagulat ni Dad.

"H-Hindi mo ako naa-alala anak?" tanong ni Dad kay kuya pero hindi sumagot si kuya.

"Ako ang daddy mo Lemuel. Naa-alala mo ba ako?"

"Dad !" Agad na napahagulhol si kuya at napayakap kay Dad.

Hindi namin maintindihan ang nangyayari kay kuya. Hindi niya kami nakikilala pero naa-alala niya lahat. Habang kumakain si kuya ng prutas ay lumapit sakin si Dad. Kwinento ko sa kanya ang lahat na nangyari kanina nang magising si kuya.

"Hintayin nalang natin si Doc para malaman natin ang nangyari kay kuya mo."

Pagkatapos ng ilang oras ay may kumatok sa pinto at pumasok si Doc.

"Good evening Mr. Cervales alam ko nagtataka kayo sa kalagayan ni Lemuel."

"Nagka-amnesia ba siya Doc kaya di niya kami nakikilala?" Tanong ni Dad.

"In fact Mr. Cervales ay walang amnesia si Lemuel. Meron siyang Agnosia, or specifically ay Virtual Agnosia. Ito ang kondisyon na di na re-recognize ng patient ang mga bagay-bagay at mga mukha ng tao.Sa kaso ni Lemuel ay di siya nakaka-recognize ng mukha ng tao kahit kilala niya ito. May pagkakataon din na mahihirapan siyang ma recognize ang mga bagay sa paligid niya. Ito ang resulta ng traumatic brain injury dahil sa aksidente. " Mahabang salaysay ni Doc na ikinabigla namin.

"Will he be able to recognize us Doc someday?" Tanong ni Dad.

"I'll be giving him antibiotics and some medecines. But we aren't sure that he'll recover, so let's just hope and pray." Nagpaalam na si Doc at nagpasalamat naman kami ni kuya.

Napatingin ako kay kuya at nakatingin lang ito samin. Kita ko sa mukha niya ang lungkot at hirap ng sitwasyon. Linapitan ko siya at yinakap. Ito ang unang pagkakataon na nayakap ko ang kapatid ko.

"Kuya si Ariel po ito. Wag kang mag-aalala di ka namin iiwan." Hindi umimik si kuya sa halip ay humagulhol ito sa balikat ko.

Nanatili kami sa ospital ng ilan pang araw ara sa fast recovery ni kuya. At sa awa ng Diyos ay nakakalakad si kuya. Tangi ang ulo niya ang malubhang na epektuhan ng aksidente.

Napansin ko na natatandaan ako ni kuya dahil hindi ako umaalis sa ospital. Pero si Dad naman ay di niya nakakalimutan niya dahil umaalis ito at bumabalik lang pag gabi.

"Uhh.. Ikaw si Ariel diba?" Tanong ni kuya.

"Opo kuya, bakit?" Nakaupo ako sa sofa ng kwarto habang naglalaro sa phone ko.

"Bukas na tayo lalabas dito diba?"

"Oo kuya. Bakit excited ka na bang lumabas? Mahigit isang buwan ka na dito." Sabi ko.

Umupo siya at tumingin sa labas ng bintana. Tulad parin ng dati ay ganoon parin si kuya. Parang emosyon pero kong tinatago niya lang ang nararamdaman niya.

"Hindi naman." Maikling sagot niya at tumahimik nalang ako.

"May ipapagawa ako sa'yo." Napatingin ako kay kuya at seryoso itong nakatingin sakin.

"Pag lumabas na tayo dito gusto kong gumawa ka ng name tag para kay Dad, kay manang at pati narin sa'yo. I know that will make me know you easier. " Pumayag ako sa sinabi niya dahil mukhang totoo ang sinabi niya. Makakatulong ito para sa kanya na mas madali kaming makilala.

Dumating ang araw na lalabas na kami ng ospital. Pinalitan narin ang benda ni kuya sa ulo ng mas maliit kesa nong una. Kagabi ay ginawa ko ang gustong ipagawa ni kuya sakin. Kahit na ang sabi niya ay pag nakalabas na kami ng ospital ay doon ako gagawa ng name tag, pero kagabi ay ginawa ko na ito.

Pagkauwi namin ay agad na umupo muna si kuya sa sofa ng sala para magpahinga. Hinandaan siya ni manang ng merienda at agad naman niya itong hinain kay kuya.

"Ano ito?" Napatingin ako sa tinuturo ni kuya sa tray na linagay ni manang sa coffe table.

"Tissue kuya." Napatango naman siya at mukhang naalala niya na kung ano ito at saan ginagamit.


END OF CHAPTER 10


ATTENTION !

What is Agnosia?

Agnosia or Virtual Agnosia is characterized by an inability to recognize and identify objects and/or persons. Symptoms may vary, according to the area of the brain that is affected.

Dito sa story ay medyo may pagkakaiba ang Agnosia medically sa pag gamit ko dito. I can't pinpoint which is which dahil ginamit ko po lamang ang Agnosia as my reference or inspiration dito. 

Nights of DysphoriaWhere stories live. Discover now