Dysphoria - Chapter 8

13 3 0
                                    


ARIEL

Pagkauwi ko ng bahay ay tinanong ko si manang kung nakauwi na ang Kuya Lemuel. Sabi niya ay di pa daw ito nakauwi. Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at linuwa nito si Kuya.

Pumupungay ang mata niya dahil siguro sa pagod. Pero kapansin-pansing di siya makalakad ng maayos.

"Kuya uminom ka?"

Hindi niya ako pinansin at linagpasan niya lang ako at dumeretso sa kwarto niya. Nang dumaan siya sa harap ko ay naamoy kong amoy alak siya. Umiinom ang kuya?

"Oh dumating na ba ang kuya mo?" Tanong ni manang nang lumabas siya mula sa kusina.

"Oo manang, parang lasing nga siya eh. Lagi bang umiinom si kuya?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"Seryoso ? Hindi siya umiinom ng alak."

What's wrong with kuya? Bakit siya nagpapakalasing?

Kung may magagawa lang sana ako para sa kanya. Pero hindi pa kami gaanong malapit sa isa't isa dahil nga step-brothers lang kami. Nong nalaman kong may kuya ako ay sobrang saya ko. Nakikita ko lang si kuya sa mga picture niya kay Dad, pero nong nakita ko siya sa mall ay agad ko siyang nilapitan kahit alam kong mabibigla siya.

Dumaan ang ilang araw ay ganoon parin ang ginagawa ni kuya. Lagi siyang umuuwi ng bahay na lasing at di namamansin. Kung umaga naman ay hindi siya nag-aalmusal. Kaya halos di kami ni kuya nag-uusap.

Isang gabi ay umuwi si kuya na tinutungga pa ang bote ng alak na hawak niya. Nagkataong na si Dad ay nasa sala kaya nahuli niya si kuya. Lumabas ako ng kwarto at naabutan kong pinagagalitan siya ni Dad pero siya nanatili paring tahimik. Tila napikon si Dad kaya nasuntok niya si kuya. Lalapitan ko sana si kuya pero agad naman siyang nilapitan ni Dad at nag-sorry. Di niya pinansin si Dad at agad itong tumakbo papunta sa kwarto niya at dinaanan lang ako.

Sinundan ko siya sa kwarto niya pero naka-lock na ito. Kumatok ako sa kanya pero di siya sumagot. Dumatin si Dad at siya naman ang kumatok pero di parin niya kami pinapansin. Hinayaan nalang namin siya ni Dad dahil baka ayaw niya kaming kausapin.

Dumating ang umaga at di parin lumalabas si kuya sa kwarto niya. Bago ako umalis papuntang ekwelahan ay kumatok ako sa pinto niya para kamustahin siya.

"Kuya?" Kumatok ako pero wala akong natanggap na sagot. "Kuya si Ariel po ito. Papasok na po ako ng school, okay ka lang ba?"

Sa ilang minuto kong pagkatok sa pinto ng kwarto niya at wala akong natanggap na sagot. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto. Wala akong narinig kaya di ko maiwasang kabahan.

Tumakbo ako pababa ng hagdan at agad na tinawag si manang. Hiningi ko sa kanya ang spare key ng kwarto ng kuya at agad akong umakyat pabalik sa kwarto niya at sumunod naman si manang sakin.

Nang mabuksan namin ang pinto ay agad kaming pumasok at nagulat ako sa sitwasyon ni kuya.

Tahimik siyang umiiyak at ginigilitan ang kamay niya. Tumakbo ako palapit sa kanya at inagaw ang cutter sa kamay niya. Napakaraming dugo ang kumalat sa higaan niya.

"Kuya ! Kuya !" Bigla siyang nawalan ng malay kaya sobrang kinabahan ako. Pinatawag ko si manang ng ambulansya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.

"Kuya gising !" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero di parin siya nagigising.

Matapos ang ilang minuto ay dumatin ang ambulansya at agad naming hinatid si kuya sa ospital. Agad naman siya inasikaso ng mga nurse at doktor sa ospital.

Linipat si kuya sa isang private room at ako ang muna ang sasama sa kanya. Umuwi kasi si manang sa bahay dahil walang tao doon at si Dad naman ay sa papunta palang.

Tulog parin si kuya at nagamot na ang mahigit 23 na laslas sa kamay niya mula siko pababa sa wrist niya. Sobrang na-aawa ako kay kuya sa lagay niya. Di ko lubos na maisip na magagawa ni kuya ito sa sarili niya.

Dumating si Dad at halatang sobrang nag-aalala siya sa lagay ni kuya. Maluha-luha siyang napahawak sa kamay ni kuya, humihingi ng tawad.

"Pasensya ka na anak ha. Sorry hindi ako naging maayos na ama sa iyo. " Naiiyak na sabi ni Dad.

Pumasok ang doktor ni kuya at kinausap si Dad.

"Kamusta na po ang anak ko Doc?" Tanong ni Dad kay Doc.

"Mr. Cervales your son is okay now. Nagamot na namin ang mga cuts niya sa kamay at kailangan nalang natin siyang salinan ng isang bag ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya." Pagkatapos sabihin ng doktor ang sitwasyon ng kuya ay nagpaalam na ito.


--


Sumapit ang gabi at nagising na si kuya. Sinubukan namin siyang kausapin pero di niya kami pinapansin. Nakatingin lang siya sa bintana na parang wala kami sa tabi niya. Pinayagan na ng doktor na ma discharge na si kuya sa ospital kaya kinabukasan ay lumabas na kami ng ospital.

Naging maayos na ang lagay ni kuya. Iniwan siya ni Dad sa sakin para bantayan ko daw. Kaya lagi kong binibisita si kuya sa kwarto niya. Hanggang ngayon ay di parin siya nagsasalita, tanging tango at iling lang ang kanyang ginagawa.

Lumipas ang ilang linggo at ganon parin si kuya.  Isang araw ay gabi na akong nakauwi ng bahay dahil may tinapos kaming project sa school. Pagkarating ko ng bahay ay nasa labas si manang tila natataranta kaya agad ko siyang tinanong kung anong nangyari.

"Ariel ! Jusko po ! Si Lemuel umalis gamit ang kotse niya !"

Pinaharurot ko ang sasakyan ko palabas ng subdivision para hanapin si kuya. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Patingin-tingin ako sa bawat intersection na nadadaanan ko kung sakaling makita ko ang sasakyan ni kuya.

Nang nasa highway na ako ay bigla akong nakarinig ng ambulansya. Tumabi ako sa daan para makadaan ito. Nakasunod sa ambulansya ay ang rescue team at mga pulisya. Di ko alam pero masama ang kutob ko nang dumaan ang mga umuuwang na sasakyan.

Sinundan ko ang mga ito at laking gulat ko nang makita ko ang sasakyan ni kuya na nabangga sa poste ng kuryente.


END OF CHAPTER 8

Nights of DysphoriaWhere stories live. Discover now