Dysphoria - Chapter 13

10 2 0
                                    


ARIEL

Nagising ako sa mahimbing kong tulog nang marinig ko ang pagsisigaw ni kuya sa kwarto niya. Bumangon ako at agad na tumakbo papunta ng kwarto niya.

Pagpasok ko ay naabutan ko si kuya nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama. Nakasabunot siya sa buhok niya habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata.

Agad ko siyang nilapitan at tinanong kung anong nararamdaman niya.

"Kuya anong nararamdaman mo?" Natataranta kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sakin at agad niya akong niyakap. Sa gulat ko ay di ako nakagalaw. Ito ang unang pagkakataon na nayakap ako ni kuya. Alam kong may dinaramdam siya dahil hindi ugali ni kuya magpakita ng ganito.

"Ikaw si Ariel diba? " Mahina niyang tanong.

"Opo kuya. Bakit?"

Humigpit ang yakap niya at narinig ko ang mahihina niyang hikbi. Hinaplos ko ang likod niya para kahit papano ay mapatahan ko siya.

"Gusto ko nang mawala sa mundo." Napahiwalay ako sa yakap niya at tiningnan siya. Walang bahid na biro ang nakikita ko sa kanyang mukha.

"Anong sinasabi mo kuya? Hindi ka pwedeng mawala." Sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumayo siya at umupo sa kama. Hindi na siguro sumasakit ang ulo niya.

"Nakakapagod na kasi. Wala namang silbi ang buhay ko."

Napa negative na uri ng tao si kuya. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit siya ganiyan. Ang alam ko dahil sa mga problema kaya siguro siya ganiyan. Pero hindi ko din alam ang mga problema niya kaya di ko siya matutulungan.

Napagpasyahan ni kuya na di siya papasok ngayong araw kaya mag-isa akong pumasok ng school.

Naging maayos ang pag-aaral ko simula noong pinalipat ako ni Dad dito. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at marami din akong nakilala.

"Sino sa inyo class ang may alam sa topiko na Depresyon?" Filipino subject namin ngayon at ang sanaysay na aming tatalakayin ay tungkol sa Depresyon.

Tumaas ng kamay ang isa kong kaklase at tumayo ito.

"Ma'am sa pagkakaalam ko po ang Depresyon ay nagdudulot ng kawalan ng pag-asa sa isang indibidwal sa kanyang buhay. "   Nakikinig kaming lahat sa sagot ng kaklase namin.

"Tama ! Ang depresyon ay sobrang laganap ngayon. Katulad nga ng sinabi ni Danica ay nagdudulot ito ng kawalan ng pag-asa sa isang indibidwal. Ang mga taong may depression ay palaging malungkot, walang gana kumausap ng ibang tao, palaging nag-iisa at ang iba naman ay sinasaktan nila ang sarili nila." Salaysay ng aming guro.

Biglang pumasok sa isip ko si Kuya Lemuel. Lahat ng sinabi ng aming guro ay parehong-pareho sa inaasal ni kuya.

"Pero ma'am bakit po sila nagkakaganyan?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Hindi ako psychologist class pero based sa pagkakaalam ko ay dahil sa mga problema nila. Hindi siguro nila nakakaya ang problema kaya sila nagkakaganyan."

"Eh ma'am bakit nila sinasaktan ang sarili nila?"

"Pag ang isang tao ay may depresyon ay parang sarado na ang kanilang mga utak. Hindi na sila nakikinig sa ibang tao, wala na silang pakialam sa mundo at nawawalan na sila ng pag-asa. Ang ibang tao na may depresyon ay umaabot pa nga sa pagpapatiwakal."

Nanlamig ako matapos magsalita ang aming guro. Posible kayang magawa ni kuya na magpakamatay? Nasaktan niya na ang sarili niya noon kaya maaaring-- hindi pwede.

"Ma'am anong dapat gawin kung may kakilala kang may ganyan?" Tanong ko kay ma'am.

"Kausapin mo sila."

Pagkauwi ko matapos ang klase ay naabutan kong nakaupo si kuya sa labas ng bahay. Agad akong lumapit sa kanya at tinanong siya kung bakit siya nasa labas. Nakasuot ako ng name tag kaya di na siya nagtanong kung sino ako.

"Wala naman. Inaabangan ko ang paglubog ng araw." Sagot niya kaya hinayaan ko nalang siya doon.

Pagpasok ko ng bahay ay wala si Dad. Minsan lang umuuwi si Dad sa bahay dahil busy siya sa mga business trips niya. Hiwalay nadin sila ni Mommy mula nong namatay ang Mama ni kuya. Okay naman sila ni Mommy wala namang samaan ng loob sa kanilang dalawa.

8:00PM

Habang nasa kwarto ako ay biglang may kumatok sa pinto. Linapitan ko ito at binuksan.

"Bakit kuya?"

"Can I borrow your car?" Tanong niya sakin.

"Eh baka pagalitan ako ni Dad kuya. Baka may mangyari pa sayong masama." Pagtutol ko naman sa kanya.

"Hindi yan. Mag-iingat naman ako. Di ko ipapahamak ang sarili ko." Napaisip ako ng ilang saglit at napabuntong hininga nalang.

"Sige na nga." Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at binigay sa kanya.

"Mag-ingat ka kuya ha? Dalhin mo ang phone mo." Parang ako ang kuya sa aming dalawa dahil sa pananalita ko.

"Yeah. Thanks." Ngumiti siya sakin bago umalis. Pero para ang ngiting iyon ay malungkot. Bumalik ako sa kama at pinatuloy ang pag re-research ko tungkol sa depression.

LEMUEL

Nasa convenient store ako ngayon at nakatitig sa isang bagay na napakapamilyar saakin.

Hinawakan ko ito at binasa ang nakasulat. Ito pala ang paborito kong chocolate. Ilang linggo narin pala akong hindi nakakain nito.

"Sir! Ngayon nalang kita nakita dito ah." Masayang bati sakin ng cashier. Hindi ko siya nakikilala kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

Bitbit ang pinamili ko ay naghahanap ako ng pwesto sa park. Medyo maraming tao kahit gabi na. Kasama nila ang kanilang nga pamilya ang iba naman ay ang kanilang mga kasintahan.

Nakahanap ako ng bakanteng bech at doon ako umupo. Habang kumakain ako ay nakikinig ako sa music mula sa phone ko. Busy ako sa pagkain ng maramdaman kong may umupo mula sa kabilang side ng bench.

Napatingin ako sa kanya at isa itong babae. She has a long stick which I don't know kung anong tawag at tulala lang itong nakatitig sa kawalan. I think she's blind.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain ko. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay nagsalita ang babae.

"Hi."

Napatingin ako sa kanya pero di ako nagsalita.

"Naririnig kitang kumakain. Di ka ba nakapag-dinner?" She seems nice kaya kinausap ko na siya.

"Uh hindi eh. " I said.

"Ang emotionless naman ng voice mo. "

"Paano mo nasabi?" She laughed nang magsalita ako ulit.

"Ramdam ko kasi. I'm blind but I can feel people's emotions. And ikaw, well parang malamig kang klase ng tao." Hindi na ako sumagot sa kanya at niligpit ko nalang ang pinagkainan ko.

"Why are you here anyway?" Her voice is sweet and warm. Why is she like that? She's blind but it doesn't bother her.

"Wala lang. I like going out at night. Eh ikaw? You're blind bakit ka lumalabas kahit gabi?" I asked.

"Being blind doesn't deprive me in enjoying the night. I can't see but I can feel. " She proudly said.

"Well okay. I got to go."

"Wait ! I'm Ayessa by the way."

"I am Lemuel."

"See yah!" She said at umalis na ako.

END OF CHAPTER 13

Nights of DysphoriaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz