Dysphoria - Chapter 16

11 4 0
                                    


ARIEL


"Kuya ano yan?" Tanong ko kay kuya na may nilalaro sa smartphone ko.Mula kasi noong nagka Agnosia si kuya ay pinagbawalan muna siyang gumamit ng gadgets. Pero dahil parang bored na bored na siya sa at parang tinatamad siyang mag basa ng libro ay pinapahiram ko sa kanya ang smartphone ko.

"Ah itong nilalaro ko? Mobile Legends, nakita kong trending sa playstore kaya dinownload ko." Sabi niya habang patuloy ang pag-pindot sa screen.

Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang laptop ko. Biyernes ngayong araw at rest day namin sa school. Nag-open muna ako ng mga social media accounts ko at nag-reply sa mga message ng mga bago kong kaibigan at kaklase.

"Defeat" Narinig ko mula sa laro ni kuya. "Oh come on." Dismayang sabi ni kuya at nilapag ang smartphone sa tabi niya.

"Bakit kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Talo kami eh. Lack of mental ability in strategic gaming." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nakakaintindi naman ako ng English pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Bobo sila." Di ko mapigilang matawa sa ibig sabihin ng sinabi niya.

"Oh ba't ka natatawa Ariel?" Nagtataka niyang tanong.

"Eh ikaw kasi kuya eh, kung ano-ano pa pinagsasabi mo. Bobo lang naman pala."

Napakamot siya sa ulo niya at inosenteng ngumiti.

"Eh masama kayang tawaging bobo ang ibang tao."

Kuya has changed a lot and lahat yon nakita ko mula noong pagtira ko sa bahay niya.Hindi naging maayos ang unang pagkikita namin dahil ramdam ko noon ang malamig niyang pagtrato sakin. Pero ngayon ay ramdam ko na ang pagiging kuya niya sakin. Naging mas open siya sa mga problema niya sakin at sa mga kailangan niya.

"Kuya birthday mo na pala bukas ah." Sabi ko sa kanya na abala na naman sa laro niya.

"Oo nga pala. Bakit may regalo ka sakin?" Excited niyang sabi.

"Eh ano ba gusto mo kuya?"

Hindi parin siya tumitigil sa paglalaro niya. Hindi siguro pwedeng ma pause ang game.

"Kahit ano lang. Pero bukas narin pala ang operasyon ni Ayessa."

"Anong operasyon kuya?" Medyo natagalan ang pagsagot niya dahil tutok na tutok siya sa laro niya.

"May eye donor na kasi siya at bukas na siya o-operahan. Nag jogging kasi ako sa park nong Wednesday at nakita ko siya doon." Binaba niya ulit ang phone ko dahil tapos na siguro ang laro niya. "Victory !"

"Oy nagkita sila ni Ayessa !" Biro ko kay kuya na ikinapula naman ng mukha niya.

"Eh ano naman. Tsaka sabi niya magkita daw kami ulit sa park after two weeks."

"Oh bakit naman?" Tanong ko.

"Eh kasi ano...gusto niya daw na ano...basta !"

Natawa ako sa naging sagot niya kuya. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya pero hinayaan ko nalang siya dahil mukhang nahihiya siya.

---

The next morning ay birthday na ni kuya at tulad ng napag-planohan namin ay pupunta kami ng mall.

"Oh kuya binati ka na ba ni Dad?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ako ng sasakyan.

"Ah oo tumawag siya kanina kaya nagising ako. Nasa Cebu daw siya ngayon eh. Pero nag deposit daw siya sa card natin ng pera, ewan ko kung magkano."

Laging nasa business trip si Dad dahil sa dami ng branch ng negosyo niya. Naiintindihan namin siya kaya okay lang. Lagi naman siyang nangangamusta samin ni kuya sa bahay.

"Oh kuya, pumili ka na ng libro mo at ako ang magbabayad. Iyan nalang gift ko sa'yo." Lumaki ang mga mata niya dahil sa di makapaniwala sa sinabi ko.

"Talaga ! Salamat Ariel ! The best ka talaga." Agad siyang tumungo sa section ng mga libro na nasa paborito niyang genre.

Ako naman ay nag-ikot lang sa store at tumingin-tingin sa mga on sale.Pagkalipas ng ilang minuto ay may tinawag na ako ni kuya. May hawak siyang limang libro na mukhang series.

"Anong series yan?" Tanong ko sa kanya.

"Percy Jackson."

Tuwang-tuwa si kuya sa paper bag na dala niya laman ang mga bago niyang libro. Bumili muna kami ng pizza na pang take-out dahil sa bahay nalang namin ito kakainin kasama si manang.

"Ano kuya masaya ka ba ?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre naman. Salamat talaga Ariel, parang ikaw tuloy ang kuya sating dalawa."

"Di hamak na mas bata naman akong tingnan sa'yo kuya, wag ka." Biro ko sa kanya at mahina niya akong sinuntok sa balikat.

"Lemuel !" Napatingin kami ni kuya sa tumawag sa kanya.

"Sino siya Ariel?" Tanong sakin ni kuya dahil hindi niya ito nakikila dahil sa sakit niya.

"Parang si Andrei po kuya." Sabi ko sa kanya. Akala ko ay di niya ito papansinin pero hinintay niya ito hanggang makalapit samin.

"Kamusta Lem?Happy Birthday pala." Bati ni Andrei sa kanya at ngumiti naman si kuya.

"Thank you Andrie. Pauwi na kami, sama ka?"

The day went well at alam kong masaya si kuya sa naging birthday niya. Maayos na rin sila ni Andrei at magkaibigan na ulit sila.

Habang tinutulungan kong magligpit si manang sa kalat namin ay biglang nawala si kuya sa sala. Nagpaalam ako kay manang at umakyat ako papunta sa kwarto niya. Nakabukas ito at wala si kuya doon.

"Nandito ka lang pala." Lumabas ako papunta sa terrace ng bahay namin at lumapit kay kuya na nakasandal sa railings.

"Ariel ?" Tanong niya at tumango naman ako. Ngumiti siya. "Ang saya ko ngayon Ariel, salamat talaga."

"Walang anuman kuya, basta ikaw."

"Ang ganda ng mga bituin noh?" Tanong niya habang nakatingala.

"Oo nga kuya."

"Kamusta na kaya si Ayessa? Maayos kaya ang naging operasyon niya?" Sabi ni kuya na halatang nag-aalala.

"Sa tingin ko kuya magiging succesfull yon. Si Ayessa pa." Tumango naman siya at mukhang napanatag na ang loob niya.

"After two weeks makikita niya na ako. Ano kayang magiging reaksyon niya." Sabi niya.

"Ewan, tingnan nalang natin. Basta sa araw ng iyong pagkikita magpapa-pogi ka ng matindi.

Natawa siya pero sumang-ayon naman sa plano ko.

"Tara baba na tayo—aray."

"Oh kuya bakit?" Nakahawak siya sa noo niya.

"Ang sakit ng ulo ko Ariel." Pagkatapos niyang magsalita ay bigla nalang siyang natumba.


END OF CHAPTER 16

Nights of DysphoriaWhere stories live. Discover now