Dysphoria - Chapter 12

14 2 0
                                    


LEMUEL


Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng executive attire.

Ngumiti siya sakin pero di ko alam kung ngi-ngiti ako pabalik. May kinuha siya sa buls niya at sinuot ito sa dibdib niya.

"Dad?" Si Dad pala ito.

"Kamusta Lem? Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin at umupo sa tabi ko.

"Okay naman po. "

"Binabasa mo to?" Inabot niya ang libro sa coffe table sa harap ng sofa.

"Yeah, wala kasi akong magawa buong araw."

Tumango lamang siya at agad na nagpaalam. Aakyat na daw siya sa kwarto. Naiwan kami ni Ariel sa sala kaya nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa.

Kinaumagahan ay napagpasyahan kong pumasok na sa school matapos ang mahigit isang buwan kong di pagpasok. Alam kong mahihirapan ako ngayon dahil hindi ko nakikilala ang mga tao sa paligid ko, lalo na ang mga kaklase ko.

"Kuya? Tara na!" Narinig kong sigaw mula sa baba.

Isinukbit ko ang backpack ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan. May isang lalaki na nakaupo sa sofa na pareho ng suot kong uniporme. Tila napansin niya na nakatingin lang ako sa kanya kaya may kinuha siya sa bulsa at kinabit ito sa uniporme niya. Si Ariel pala ito.

Agad naman siyang tumayo at lumabas na kami ng bahay. Sa sitwasyon kong ito ay sobrang na-aawa ako sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko sila nakikilala, hindi ko matandaan ang mga mukha nila. Unless may suot silang name tag. Pero hindi naman lahat ng tao na nakaksalamuha ko ay magsusuot ng name tag para sakin. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang sinapit ko.

Pagkarating namin sa eskwelahan ay di parin ako lumalabas ng kotse. Hindi ko maipaliwanag pero kinakabahan ako.

"Tara na kuya samahan kita hanggang sa room mo." Lumabas kami ng kotse at agad akong napatingin sa gate ng eskwelahan.

There are a lot of students entering the school. Sabay kaming pumasok ni Ariel ng gate. Nilibot ko ang tingin ko sa eskwelahan. Natatandaan ko lahat dito pero hindi ko makilala ang mga taong nakakasalubong namin.

Habang naglalakad kami sa hallway ay napapatingin sakin ang mga tao. Kita sa mukha nila ang pagkabigla o kasiyahan pero di ko alam kung bakit. Dahil ba mahigit isang buwan akong nawala at ngayon ay nakabalik na ako?

"Kuya dito na yong room mo. Pasok ka na." I look like a kid here. Parang si Ariel pa yong kuya sa aming dalawa.

"Salamat."

Nagpaalam na si Ariel kaya naiwan akong mag-isa sa labas ng room nakaharap sa saradong pinto.

"Lemuel?" Napalingon ako sa likod ko at may lalaking nakangiti sakin. Sino siya? Kaklase ko?

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ah..kaklase mo. Tara na." Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok.

Sumunod naman ako pagpasok. Lahat ng tao sa silid ay nanlaki ang mata nang makita nila ako. Naghiyawan sila na sobrang saya dahil nakabalik na ako. Ang ibang babae ay tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

Hindi ko maintindihan, bakit sila ganito? Hindi ako naging maayos na kaklase sa kanila. I never treated them as friends.

Nanatili lamang akong tahimik at hinayaan sila. Pagkatapos ay hinatid nila ako sa upuan ko at pinalibutan ako. Why am I gaining this so much attention?

"Lemuel kamusta ka na?" One of my female classmates ask.

"Okay lang. Di ko lang kayo nakikilala." Sagot ko.

"Pero natatandaan mo naman lahat diba?" Tanong naman ng isang lalaki na may suot na parang glass sa mata.

"Oo, paano niyo nalaman?" Ako naman ang nagtanong sa kanila.

"Sabi niya samin oh. Siya kasi dumadalaw palagi sa'yo nong na-ospital ka." Tinuro nila ang lalaking kumausap sakin bago ako pumasok ng kwarto.

Nagpatuloy ang kanilang pagtatanong sakin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkausap kami ng mga kaklase ko. Hindi ako sanay, hindi ako komportable pero hinayaan ko nalang. Sinamahan nilang lahat ako pumunta ng canteen. Sinamahan din nila akong kumain nang lunch. Nakita ako ni Ariel kanina at ngumiti lang siya sakin.

Sumapit ang uwian at nagpaalam na sila lahat sakin. Naiwan akong mag-isa sa silid-aralan. I was crying, di ko maiwasang maiyak.

I remember what happened to Mama, what happened to me and my friends and what I am experiencing. This is to heavy, but I have to endure everything.

Mama left me, my classmates are treating me nicely but I bet they're doing just because I'm having this disability. Knowing also that one of my classmates is Andrei which I can't tell kung sino sa kanila.

"Kuya ayos ka lang? Anong nangyari?" Pumasok ang isang lalaki sa kwarto namin at agad na nilapitan ako. Hindi ko siya pinansin. Dala ang bag ko ay diretso akong lumabas ng kwarto nang di pinansin ang lalaki.

"Kuya ! Sandali." Sabay kaming naglalakad sa medyo madilim na hallway.

Everything was silent. Mukhang wala nang mga estudyante sa school dahil anong oras na. All we can hear is our footsteps and the vehicles passing by the road beside our school.

"Kuya bakit ka umiyak?" I know he's Ariel kasi siya lang ang tumatawag sakin ng kuya.

"Wala." Tanging sagot ko.

Nakauwi kami ng bahay. Dumeretso ako ng kwarto at nagkulong. I don't know what I'm feeling right now. Seems like nothing's gonna be alright. Nawalan na nga ako ng ina at ngayon ay di na ako maka-alala ng mga mukha ng tao.

Dumaan ang ilang linggo at nagpatuloy ako sa pagpasok sa eskwelahan. Ganon padin ang trato sakin ng classmates ko. Hinahayaan ko nalang sila dahil sila naman ang may gusto. Ang mga teachers ko naman ay naging masaya dahil nakakapasok na ako. Alam naman nila ang sitwasyon ko kaya naiintindihan nila ako pag di ko sila nakikilala o nababati pag nagkasalubong kami.

Araw-araw ay napapansin kong medyo sumasakit ang ulo ko. Di ko lang ito pinapansin dahil resulta lamang ito ng init o di kaya dahil sa gadgets.

Araw ng martes ay nagising ako ng maaga. Mukhang alas-singko palang ng umaga. Babangon sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit nito kaya napasabunot ako sa buhok ko.

Sa sobrang sakit nito ay napasigaw ako. Parang minamartilyo ang utak ko sa sobrang sakin. Nagsisigaw ako sa kwarto at nahulog ako sa higaan. 


END OF CHAPTER 12

Nights of DysphoriaWhere stories live. Discover now