Dysphoria - Chapter 11

16 3 0
                                    


LEMUEL


I'm at home all alone in my room habang nakatayo sa harap ng bintana. It's very hard, sobrang hirap ng hindi mo nakikilala ang mga tao sa paligid mo.

On the other hand ay parang nagpapasalamat ako sa ganito. Hindi ko sila nakikilala kay mas nakakaiwas ako sa tao although I can remember everything. Kung tutuusin ay mas suwerte ako dahil hindi ako nagkaroon ng amnesia, pero mas gugustuhin ko nalang magka-amnesia kesa sa ganito.

Today is Sunday and I've been out of school for over a month since I got hospitalized. Ayos lang naman dahil wala na akong ganang pumasok sa eskwelahan. I don't even have a dream right now. Lahat naglaho nang mawala si Mama sa tabi ko.

Habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ay biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito. Pumasok ang isang babae na medyo may edad na may dalang tray. Napatingin ako sa papel sa damit niya at nabasa ko na si manang siya. Lahat ng tao dito sa bahay ay pinagawan ko ng name tag kay Ariel para mas madali ko silang makilala.

"Sir oras na pong inumin ang gamot mo. Alas-dose na kasi." Agad naman akong lumapit sa dala niyang tray na may gamot at isang baso ng tubig.

"Salamat po." Nagpaalam na itong bumaba kaya umupo ako sa kama at napahawak ako sa phone ko.

Wala ring silbi ang pag fa-facebook ko dahil hindi ko rin naman makikilala ang mga tao doon. May mga pangalan naman ang mga tao doon pero mahihirapan parin ako. Linagay ko ang phone sa mesang nasa tabi ng kama at lumapit sa study table ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga bagay na nasa study table.

Beside's from having the inability to recognize people I know, ay hindi ko rin kayang kilalanin ang ibang bagay. Isa-isa kong inabot ang mga bagay at sinubukan ko itong kilalanin.

"Ballpen, ruler, paper, pencil..." napatigil ako sa isang bagay na di ko na ma-identify. I atleast have 26 kinds of this thing pero hindi ko siya ma identify. Agad ko itong kinuha at dinala palabas ng kwarto. Pumunta ako sa harap ng pinto sa katabi kong kwarto. Sa pagkakaalam ko ay sa kapatid ko at diretso akong pumasok.

Nakadapa ang isang lalaki sa kama habang nakakalat sa harap niya ang maraming papel at ang kanyang laptop. Meron ding nakakalat sa harap niya ng katulad ng dala ko. Nang mapansin niya ako ay agad itong umupo sa pagkakadapa.

"Ariel?" Tanong ko sa kanya.

"Ako nga kuya, bakit po?" Lumapit ako sa kanya at pinakita ang dala kong bagay.

"Ano ito?" Napatingin siya sa hawak ko at ngumiti.

"Libro po yan kuya." Napatingin ako sa hawak ko. "Alam mo kung ano ang libro diba?"

Tumango ako sa kanya at umupo rin sa kama niya habang pinagmamasdan ko parin ang libro. Tumabi siya sakin at kinuha ang libro sakin.

"Stay Awake Agatha." Binasa niya ang mga salita na naka-imprinta sa harap ng bagay na iyon. Binuklat niya ito sakin na parang pinakikita niya kung pano ito gamitin. Nakatingin lang ko sa ginagawa niya. Linilipat niya an bawat papel na nasa loob ng libro. At ang bawat papel na ito ay mga salita na naka print din.

Binalik niya ito sakin.

"Kuya kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Wag kang mag-alala, di kita pababayaan."

"Bakit ka ganyan?" Tanong ko sa kanya.

"Anong bakit, kuya?"

"Hindi maayos ang pakikitungo ko sa'yo noon. Kaya bakit ka ganyan?"

"Simple lang naman, kasi kuya kita." Ngumiti siya sakin.

---


Sumapit ang gabi ay nasa sala ako ng bahay hawak-hawak parin ang librong dala ko. Binabasa ko ang bawat pahina nito mula kanina pagkatapos kong tanungin si Ariel. Ito ang pinag-kaabalahan ko buong maghapon.

Habang nagbabasa ako ay nakarinig ako ng yapak mula sa hagdan. Napatingin ako sa direksyon ng hagdan at may lalaking pababa dito. Dumeretso siya sa kusina dahil mukhang di niya ako napansin kaya binalik ko ang atensyon ko sa hawak ko.

"Kuya?" Biglang may tumawak sakin mula sa kusina kaya napatayo ako at tinungo ang kusina.

Pagpasok ko ay nakaupo ang lalaki na nakita ko pababa sa hagdan sa harap ng lamesa. Nang makita niya ako ay ngumiti ito sakin.

"Ako si Ariel kuya, mukhang di mo na naman ako nakikilala. Upo ka na kakain na daw tayo." Linapag ko ang libro sa tabi ng plato.

Habang kumakain ay kinausap ako ni Ariel.

"Oh ano kuya? Kamusta naman ang librong binabasa mo?" Tanong niya sakin habang kumukuha siya ng kanin sa isang plato na mas malaki.

"Ayos naman. Sa ospital ang setting ng libro." Sabi ko. Inabot niya sakin ang plato na may kanin at ako na naman ang kumuha ng kanin.

Habang kumakain kami ay nagkwe-kwentohan kami. Ito ang unang pagkakataon na nagkwe-kwentohan kami ng kapatid ko. Ito narin siguro ang pasasalamat ko sa lahat ng nagawa niya at ginagawa niya para sakin mula nong na ospital ako.

Biglang may pumasok sa kusina mula sa isang pinto. Tinawag siya ni Ariel.

"Manang sama ka na samin. Kain na tayo." Si manang pala ito. Umupo siya tabi ko at nagsimula narin siyang kumain.

Nang matapos kami ay pinainom ako ni manang ng gamot ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa sala dala parin ang librong binabasa ko. Naabutan kong nakaupo sa sofa si Ariel habang nanonood ng TV. Umupo ako sa tabi niya at nagbasa.

"Papasok ka na bukas sa eskweala kuya?" Tanong ni Ariel.

"Hindi ko pa alam." Sagot ko.

"Pumasok ka na. Sabay na tayong papasok dahil lumipat na ako sa school mo. " Excited niyang sabi sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka naman lumipat?"

"Sabi ni Dad. Para daw mabantayan kita." Aniya.

"Hindi mo naman kailangang gawin yan. Kaya ko naman." Sabi ko sa kanya.

"Ayos lang naman kuya. Wag kang mag-alala, okay lang sakin." Tumango nalang ako sa kanya. Tatanungin ko nalang si Dad mamaya pag dumating na siya kung pwede na akong pumasok sa school. Matapos ang ilang minuto ay may kumatok sa main door ng bahay at agad naman itong nilapitan ni Ariel. 


END OF CHAPTER 11



Nights of DysphoriaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum