Dysphoria- Chapter 5

22 5 0
                                    

LEMUEL

I woke up the next morning still on the sofa wearing the blue sweater last night. I went to the kitchen and saw no trace of the glass that I threw last night.

"Good morning sir. Ano gusto mong kainin?" Si manang nang makita niya akong pumasok sa kusina.

"Hindi pa po naman ako nagugutom manang. Si mama pala?" I asked her.

"Hindi pa siya bumababa Lem. Gisingin mo na kaya siya."

Pumunta ako sa kwarto ni mama at kumatok ng ilang beses sa pinto.

"Ma?" Kumatok ako ulit pero wala paring sagot mula sa loob. Pinihit ko ang door knob at hindi ito naka-lock.

Pumasok ako ng kwarto niya at halos kumawala ang puso ko nang makita ko si Mama nakahiga sa kama naliligo sa sarili niyang dugo.

"Ma ! Mama !" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Linapitan ko siya at hinaplos ang mukha niya.

"Manang ! Tulong !" I shouted while tears are falling from my eyes. Nabibiyak ang puso ko makita si Mama sa ganitong kalagayan. I should've by her side last night. Dapat nasa tabi niya ako pero di ko nagawa. Sana di nalang ako natulog kagabi.

---

"Ma naman. Bakit mo 'ko iniwan? Diba sabi mo di mo ako iiwan?" I cried hugging her. She's gone, wala na si Mama. The doctor declared that she was dead upon arrival. She cut herself with a blade on her wrist. I drove as fast as I can but di parin sapat, wala na talaga siya.

"I'm so sorry Ma. Wala ako sa tabi mo kagabi. Dapat sinamahan kita, dapat dinamayan kita. " Manang was patting my back and she's also in tears.

I could've done something. I know I could have. Pero wala akong nagawa. Iniwan na ako ni Mama. Wala na akong kakampi sa mundo, wala na akong karamay, wala nang yayakap sakin pag iiyak ako, wala nang magpapatahan sakin, wala na ang babaeng pinakamamahal ko.

Do I really deserve to be happy? Do I really deserve to live? Gumuho na ang mundo ko. Wala na akong karamay, wala nang nakikinig sakin. Ang lupet ng mundong ito, ako pa talaga ang lubos na dumanas nito.

---

Di ako pumasok sa eskwelahan ng halos isang buwan. Pinayagan naman ako ng teachers ko dahil naiintindihan naman nila ang pinagdadaanan ko. Dad was there nong nakaburol si Mama sa bahay. Siya ang nag-asikaso ng lahat-lahat. Galit parin ako sa kanya pero para kay Mama ay hinahayaan ko nalang.

Ngayon ay nandito ako sa kwarto nakahiga sa kama nakatingin sa langit mula sa bintana ng kwarto ko. Sobrang tahimik ng bahay. Wala si manang ngayon dahil pumunta siya ng palengke. Si Dad naman, ewan ko. Binigyan niya ako ng credit card para daw pag kailangan ko ng pera ay di na ako hihingi.

Sabado ngayong araw at sa darating na lunes ay papasok na ako ulit. Marami akong natanggap na mensahe nong nalaman nila na namatay si Mama. Kabilang na doon ang mga tinuring ko kaibigan noon. May mga bumisita din pero di ko sila hinaharap. Si manang usually ang humaharap sa kanila.

Tumayo ako sa pagkakahiga. Napag-pasyahan kong pumunta nalang ng mall para bumili ng mga kailangan ko at para maka-pasyal narin.

Nang makarating ako ng mall ay agad akong dumeretso sa supermarket para bumili ng mga snacks lalo na mga chocolates. Pagkatapos ay pumunta naman ako ng department store para tumingin sa mga damit at sapatos. Bumili ako ng isang t-shirt na may nakalagay na "melancholy". I know what it means and I find it cool.

When I was done, umupo ako sa isang bakanteng bench sa loob parin ng mall. Maraming tao ngayon dahil sabado at karamihan sa kanila ay mga pamilya. Di ko maiwasang mainggit sa kanila dahil kompleto ang pamilya nila.

Kita mo sa mga mukha nila ang saya at pagmamahal. Pero ako eto nangungulila, nagluluksa, nagdadalamhati at umiiyak.

Tinitingnan ako ng mga tao dahil sa pag-iyak ko. Nakakahiya man ay di ko mapigilan ang sarili ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I was just sitting there crying, all alone even though there were a lot of people in that area. Until somebody sat beside me and started talking to me.

"Uy bakit ka umiiyak?" I looked at him and I just shook my head.

"Anong wala eh umiiyak ka diyan eh. May problema aba?" He asked again.

"Just leave. Pabayaan mo lang ako. " I said coldly pero di siya natinag.

"No way. Gusto kitang tulungan eh. Ang hirap kaya pag wala kang pagsabihan ng problema." He said with a calm tone.

He sat beside for several minutes doing nothing. Di na ako umiiyak at wala din akong balak magsalita. Di ko nga siya kilala eh.

"Oh ayos ka na ba? " Tanong niya at tumango naman ako.

"Ayon ! Tara bili tayo ice cream at fries. Gutom na ako eh." Sabi niya at tumayo na.

"Ayoko, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako samin." Tumayo ako at kinuha ang mga pinamili ko.

"Teka lang naman! Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" I just stared at him and turned my back towards the exit.

Habang naglalakad ako papunta sa exit ng mall ay naramdaman kong nakasunod sakin. Lumingon ako at nahuli ko siyang naglalakad din papunta sa direksyon ko. She just awkwardly smiled at me at linapitan ko siya.

"Bakit ba kasi?" Tanong ko sa kanya na medyo may ini.

"Eh baka mapano ka. Baka may mangyaring masama sayo at dahil ako ang huling nakasama mo sobrang mako-konsensya ako."

"Wala ka na don pag may mangyari sakin. Di nga kita kilala eh. Di mo din ako kilala. " I said at napakamot lang siya sa ulo.

"Hay kapatid nga talaga kita. " I was speechless.

"Ano sabi mo?" I asked him.

"Sabi ko kapatid nga talaga kita. Para kang bingi." Nabitawan ko ang mga pinamili ko sa sobrang gulat.

"Paano nangyarin yon? Anak ka ni Dad sa babae niya?" I asked him. Ngayon ko lang napansin, may hawig siya kay papa at sakin. Sobrang naguguluhan ako.

"Exactly... kuya."

END OF CHAPTER 5

Finally magbabalik loob na ako ulit sa pagsusulat dahil sa wakas natapos na ang school works ko at thesis ! So stay tuned !

Nights of DysphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon