Chapter Twenty Three

397K 8.7K 393
                                    

Chapter Twenty Three

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Oh, hijo. Bakit ka naririto? Wala ka bang pasok bukas?" Agad na tanong ni Daddy pagkapasok namin sa loob ng bahay.

"Good Evening po, Dad." Bati naman ni Axcel kay Daddy at tsaka ito nagmano. Humalik naman ako sa pisngi ni Daddy.

"Dad, dito matutulog si Axcel." Sabi ko. Ibinaba naman ni Daddy ang librong binabasa n'ya.

"Ganoon ba? Sige, sa kwarto mo na lang siya matulog tutal naman at magpapakasal din kayong dalawa." Nakangising sabi ni Daddy at tsaka ito kumindat kay Axcel. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

"Dad!"

"H'wag ka nang magreklamo, Heena. Kumain na ba kayong dalawa?" Tanong n'ya. Sumimangot lang ako habang si Axcel naman ay umiling. Kung pagkatiwalaan niya si Axcel, akala mo sure na sure na siyang si Axcel ang mapapangasawa ko.

"O siya sige, pakain mo muna si Axcel at para may lakas 'yan mamaya." Makahulugang sabi ni Daddy. Tumalikod ako sa kanila at agad na umakyat sa taas. Narinig ko pa ang tawanan nilang dalawa habang papaakyat ako. May mga bagay talaga na mga lalaki lang ang nagkakaintindihan.

Pumasok ako sa kwarto ko at agad akong napahiga sa kama ko. Napatitig ako sa kulay pink kong kisame at inalala ang mga nangyari kanina.

"Heena, I'm jealous." Seryoso n'yang sabi. Naramdaman ko ang pagwawala ng sistema ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko o ang gagawin ko nang dahil sa sinabi n'ya. Napatitig lamang ako sa seryoso at kalmado n'yang mukha. Walang lumalabas sa bibig ko miski ano. Tila ba umurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

 

"I'm fvcking jealous, Heena. I don't know, but I'm really jealous when I saw those men looking at you in that way, especially my cousin. I don't want them to look at you in that way. Ako lang ang may karapatan, ako lang, Heena." He suddenly stopped the car. Hindi ko magawang makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

 

"A—Axcel."

 

"Naiinis ako kapag may humahawak sa'yong iba, nagagalit ako kapag may kasama kang iba at gusto kong pumatay kapag may pumoporma sa'yong ibang lalaki. I'm being a possessive shit." He said to himself. Binalot ulit ng nakabibinging katahimikan ang paligid namin at walang umimiik sa aming dalawa.

 

"Dammit." Narinig kong bulong n'ya sa sarili. Tumikhim ako at nanalangin na kapag nagsalita ako ay hindi iyon magmukhang pilit.

 

"Let's go home, Axcel. We were just both tired." Diretso kong sabi.

 

"Yeah, I'm just tired." Saad naman n'ya at tsaka muling binuhay ang makina ng sasakyan. Buong biyahe ay walang nagsasalita sa aming dalawa at hindi ako sanay na hindi siya nagsasalita at hindi ako kinakausap.

 

At hindi ako masasanay na wala siya sa tabi ko.

 

Muli akong bumangon para makapagpalit ng damit, mamaya na lang ako maliligo't papakainin ko muna si Axcel dahil alam kong gutom na 'yon. Pinapanood ko kasi siya kung kumakain siya noong kasama n'ya si Thalia kanina, pero tanging kape lang ang iniinom n'ya kaya alam kong gutom na siya. Kasalukuyan akong nagbibihis ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at halos mapatili ako sa biglang pagsulpot ni Axcel sa may likuran ko.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon