Epilogue

647K 12.4K 1.2K
                                    

EPILOGUE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Axcel habang pauwi kami sa bahay namin. Agad akong napasimangot dahil simula kanina, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ngumiti na siyang kinaiinis ko.

"Ano ba! Kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan! Naiinis na ako sa'yo, Axcel." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Bakit ba? Bawal na bang ngumiti, Misis?" Ani niya at saglit akong tinapunan ng tingin habang nakangiti.

"Kanina ka pa kaya ngiti ng ngiti!" Reklamo ko sa kanya. Hinawakan niya lang ang kamay ko at pinisil iyon. Nasa kalsada pa rin ang atensyon niya.

"Nakadali ako eh, magagawa mo?" Nakangisi niyang sabi. Iyon ang dahilan kung bakit siya ngiti ng ngiti ngayon. I'm pregnant again, two months. Kagagaling lang namin sa OB ko para alamin kung buntis nga ba ako at kanina lang namin nakumpirma ang pagdadalang tao ko. Muli akong napasimangot sa kanya. Ewan ko ba, siya ata itong napaglilihian ko ngayon. Dati naman, gustong-gusto ko iyong amoy niya. Tipong pati kili-kili niya ay inaamoy ko kasi hindi naman siya mabaho. Pero ngayon, mukha pa lang niya, iritang-irita na ako.

"H'wag ka ng sumimangot diyan, hindi na ako ngingiti." Sabi niya sa akin. Inismiran ko naman siya.

"Ewan ko sa'yo." Sagot ko naman sa kanya. Nilingon ko naman sa rear view mirror ang anak ko na mahimbing na natutulog sa may likod. Kagagaling niya lang kasi sa soccer practice niya kaya marahil agad na nakatulog sa pagod. He's already five years old and I really hate Axcel genes dahil kamukhang-kamukha niya ito. Kung may nakuha man ito sa akin, mata lang. Kaugali niya rin si Axcel, masungit sa ibang tao na hindi niya kilala pero katulad ni Axcel, malambing din ang panganay namin.

"Nilalambing na nga, ayaw pa." Rinig kong bulong niya habang nakasimangot. Gusto ko namang matawa sa itsura niya. Para siyang batang nagtatampo dahil hindi siya nabilhan ng candy. Humarap naman ako sa kanya at ningitian ang asawa ko.

I have been married to this man for almost six years and I never regret every day I am with him. He taught me what is the real meaning of love. Yes, we have been trough a lot. Hindi naman pupwedeng lagi lang kaming masaya, dumaan din kami sa mga away na normal na sa isang mag-asawa. Marami kaming bagay na pinagtalunan pero lahat ng iyon ay nalagpasan namin dahil lagi kong tinatandaan na mahal na mahal ko siya.

I remembered when he found out that I am pregnant with Alexis, our first child. His face was really priceless that time. He jumped and kept shouting outside our house, telling that he will be a father soon. Akala ko sa mga palabas ko lang iyon mapapanood, hindi pala. Pati rin pala sa totoong buhay pwedeng mangyari iyon.

"Eyes on the road, Mister." Suway ko sa kanya ng tignan niya ako ng matagal.

"Okay, Misis." Nakangiti niyang sagot sa akin. I always asked myself, bakit ko nga ba minahal si Axcel? Paano ko nga ba nagawang mahalin ang isang Montemayor? Oo, alam kong mahirap silang mahalin. Pero mayroong kakaiba kapag minahal mo sila. Iba silang mahalin, hindi basta-basta.

"Ang guwapo mo talaga." Hindi ko napigilang masabi sa kanya. He looks so matured right now. Mayroon siyang balbas at bigote na bagay na bagay sa kanya dahil sa mestizo siya. Iba na ang dating Axcel ngayon pero hindi pa rin nawawala ang pagiging isip bata niya minsan.

"I guess we will be having a baby boy again. Pero hayaan mo, kung sakaling lalaki ulit. Sa susunod, babae naman." Nakangisi niyang sabi. Napasimangot naman ako sa sinabi niya at mahinang hinampas ang braso niya. Humalakhak lamang siya.

"Wala ng susunod, Montemayor!" Saad ko sa kanya. Nawala naman iyong ngiti sa labi niya sa sinabi kong iyon.

"Ano'ng wala na? Susundan pa natin 'yan!" Mariin niyang giit. Napahalakhak naman ako sa inasta niya. Para talagang bata.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon