Chapter Seventeen

371K 9.1K 448
                                    

SEVENTEEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Ipinikit ko ang mga mata ko ng maramdaman ang pagguhit ng sakit sa may ulo ko. Kanina naman maayos ang pakiramdam ko, pero nang nasa party na kami ay bigla na lang sumama ang pakiramdam ko.

"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" Tanong sa akin ng driver.

"Opo, Manong. Ayos lang po ako." Kaswal kong sagot. Ininda ko na lamang ang sakit dahil alam kong makakarating din naman agad ako sa bahay. Madaling araw na kasi at wala namang traffic. Tanging mga intersections lamang na nadadaanan namin ang dahilan ng pagtigil ng sinasakyan ko. Bigla ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Kaya agad kong tinignan kung sino ang nag-text. It's Felice.

He's here, mukhang hinahanap ka.

Agad akong nag-reply sa text ni Felice.

Tell him na nasa CR lang ako.

Pinindot ko ang reply at naghintay lang ng ilang segundo para sa reply ni Felice.

Ayaw maniwala. Hinahanap ka sa akin.

 

Pagkabasa ko n'on ay agad akong nag-reply. Lasing na siguro siya kaya ganoon.

Nasaan siya? Sabihin mo, nasa paligid lang ako.

 

Hinintay ko ang reply ni Felice pero bigla akong kinabahan ng iba na ang nag-reply. It's him, Axcel.

Where the hell are you?

Nag-isip ako kung rereplayan ko ba siya o hindi, pero mas inisip kong h'wag na lang siyang replayan. Baka kasi kapag nalaman n'yang umuwi ako ay sundan pa niya ako. Bigla ulit nag-vibrate ang phone ko.

Heena! Umalis si Axcel, susundan ka ata. Din told him that you were already left.

Bigla akong kinabahan pero mas lalo akong kinabahan ng may biglang tumawag sa phone ko, si Axcel. Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

"Where the fvck are you, Heena?" Galit niyang tanong sa akin. Alam ko sa sarili kong nagpipigil lamang siya, kilala ko siya kapag galit siya.

"I'm going home, don't worry I'm fi—"

"Alone?!" Galit na sigaw n'ya.

"I said, I'm fine." Mahinahon kong sabi.

"Why you did not tell me?! Aalis ka na lang ng hindi mo sinasabi sa akin?! Tell me where exactly are you! Damn it, I am going to kill them if something happens to you!" Bakas pa rin sa tono ng boses n'ya ang galit.

"Axcel, just stay there. You're drunk. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo kapag nagmaneho ka pa!" Naiinis kong sabi na rin sa kanya. Bigla atang nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa pagtawag n'ya.

"Just stop that damn taxi!" Bigla namang napakunot ang noo ko. Agad akong lumingon at halos manlaki ang mata ko ng makita ko sa may likuran namin ang kotse ni Axcel. That fast?

"Heena, I said stop that damn taxi o babanggain ko 'yan!" Galit pa rin na sabi n'ya. Kinabahan naman ako sa tono ng boses n'ya at agad na pinatigil ang taxi. Agad naman akong nagbayad bago lumabas ng taxi. Nakita ko pang bumaba si Axcel sa sasakyan n'ya.

"Bakit hindi mo sinabi sa aking uuwi ka?!" Galit na sigaw sa akin ni Axcel pagkalabas ko ng taxi. Agad din naman iyong umalis pagkababa ko.

"Kaya ko namang umuwi, Axcel. You don't need to—"

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon