Chapter Fifteen

422K 8.6K 833
                                    

FIFTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Next week sa bahay tayo ni na Symon at Din. Birthday ni Anthony, kumpleto kaming mag pipinsan." Sabi ni Axcel sa akin. Si Anthony ang bunsong anak ni na Tito Gian at Tita L.A. Kaedad lang din ito ni Francisco at Viel na kapatid naman ni Xander.

"Susunduin mo ako sa amin?" Tanong ko sabay subo ng fries. Nanonood kasi kami ngayon ng Maleficent. Kakatapos lang namin manood kanina ng The Notebook. Mamaya naman action ang panonoorin namin, pinagbibigyan n'ya lang ako sa ngayon.

"Oo, sabado 'yon. Tsaka mag-iinom tayo." Sagot niya sa akin. Sinubuan ko naman siya ng fries. Nakahiga kasi siya sa lap ko habang nanonood kaming dalawa.

"Okay lang ang mag-inom, h'wag lang manigarilyo." Sagot ko naman sa kanya. Sumimangot lang siya kaya sinubuan ko na kang ulit siya ng fries. Nadala lang naman kasi siya ni na Travis sa paninigarilyo, hindi naman talaga kasi siya naninigarilyo noon.

"Oo na, gym tayo bukas?" Saad niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Okay." Sagot ko at tsaka ako marahang tumango.

Pinagpatuloy lang namin ang panonood. Nag prepare din ako ng ilang chips at juice.

"Heena." Medyo paos niyang sabi ng pangalan ko. Nang-aakit ba siya?

"Hmmn?"

"Do you remember Thalia?" He suddenly asked. Bigla akong natigilan at saglit na sinulyapan siya.

"Iyong ex mo na iniyakan mo? Oo naman, bakit?" Sabi ko. Mayroon kasi siyang naging girlfriend noong highschool kami. If I am not mistaken, Grade 11 kami noon. That was her first love, at tumagal din sila ng dalawang taon. Nagkahiwalay lang sila ng mag-college kami. Lumipad kasi ang pamilya nito patungong U.S para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Alam din ni Thalia ang tungkol sa engagement naming dalawa at alam din niyang pareho kaming hindi seryoso sa bagay na 'yon. I remembered laughing at him when I saw him in misery when they broke up.

"Yeah, she is." Sagot naman niya. Sinubuan ko siya ng fries.

"Bakit? Ano'ng mayroon sa kanya?" Tanong ko sabay inom sa baso ko.

"I saw her." Sagot niya.

"Oh? Kinilig ka naman?" Nang-aasar kong sabi sa kanya. Gusto ko tuloy matawa nang biglang maalala ang mukha niya noong iniyakan niya si Thalia.

"She transfered in our school. Kaklase ko siya." Sagot pa niya sa akin.

"Di pormohan mo na ulit. Baka maagawan ka pa ng iba, ikaw rin." Sabi ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Kaunti lang kasi ang kinain ko kanina samantalang siya ay halos ubusin na ang niluto ko.

"Hindi ka magseselos?" Tanong niya bigla.

"Para ka kamong sira, Montemayor. Siyempre hindi." Medyo natatawa kong sabi.

"Okay. Pero ayoko siyang kausapin." Sabi niya. Umupo siya sa tabi ko. Nasa TV pa rin ang atensyon naming dalawa.

"Bitter ka kasi." Sagot ko naman.

"Hindi ako bitter." Sabi naman niya. Nilingon ko siya pagkasabi niya noon.

"Mahal mo pa?" Tanong ko.

"I don't know. I have already moved on. Tsaka nandyan ka naman hindi ko na kailangan ng iba." Saad niya.

"Ang sweet mo, nakakainis ka." Sagot ko sa kanya. Inakbayan ko naman siya at tsaka ginulo ang bagsak niyang buhok.

"Halikan tayo." Sabi niya. Hindi iyon tanong, kung hindi pautos niyang sabi.

"Sira! Basta kapag may progress na ulit kayo ni Thalia, tell me okay? I'm just here to support you." Nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin pabalik at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon