Chapter Thirty Two

370K 8.1K 647
                                    

THIRTY TWO

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

I aggressively wiped the tears fell in my cheeks. I tightly hug the pillow beside me and cry silently. I just told myself I will be ready when the time comes. When the time he'll choose her over me. Kahit na wala naman akong pinaghahawakan para ako ang piliin n'ya. Ang hirap umasa sa isang bagay na hindi mo alam kung bakit ka pa umaasa kung alam mo namang wala naman talagang mangyayari. Ang hirap dahil nasasaktan ka sa bagay na ikaw din naman ang may kagagawan.

Kung hindi ko lang sana hinayaan ang sarili kong mahalin siya. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito, hindi sana ako umiiyak ngayon at hindi sana ako nasasaktan ng dahil sa kanya.

Dapat maging handa ako sa lahat ng bagay, maging handa ako sa lahat ng mangyayari sa paligid ko. Dapat maging matatag ako dahil baka kapag hindi ako nagpakatatag at naging handa. Baka mas lalo lang akong masaktan. Alam kong darating ang araw na matatapos din itong nararamdaman ko para sa kanya. At kapag dumating ang araw na 'yon, sinisugurado kong hindi na rin ako nasasaktan ng dahil sa kanya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ko lang ang sarili kong isipan at katawan na magpahinga. Mahina kong hiniling na sana sa paggising ko, wala na akong nararamdaman pa para sa kanya.

I suddenly felt comfortable when I felt someone hugged me from behind.

NAGISING ako na wala na si Axcel sa tabi ko. Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maligo at makapag-ayos. Mayroon akong klase mamayang tanghali kaya kailangan kong pumasok. Patapos na ang first sem at sa second sem naman ay OJT na namin kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin ang mga majors ko. I am a candidate for  Cum Laude and I should give attention to it. It will be a great thing for me if I will graduate in this prestigious and known University with that title. Si Aivan at Axcel naman ay pareho ring kandidato para sa Summa at Magna Cum Laude.

Nadatnan kong nag-uusap at nagtatawanan si Daddy at Axcel pagkababa ko. Nakabihis na si Axcel at mukhang nakaligo na rin.

"Good morning, Daddy." Bati ko sa kanya at tsaka ako humalik sa pisngi niya. Tinapunan ko nang saglit na tingin si Axcel bago ako umupo sa harapan n'ya.

"Kumain ka na at sumabay ka na kay Axcel papuntang Manila. Kanina pa siya gising at mayroon daw kayong lakad mamaya." Sabi ni Daddy. Agad naman akong tumingin kay Axcel. Sa pagkakatanda ko, wala naman kaming napag-usapan na mayroon kaming lakad mamaya.

"Hijo, sino naman ang hahawak sa inyong dalawa ni Aivan ng LCM?" Tanong ni Daddy kay Axcel. Nilagyan ko naman ng dalawang tasty bread, bacon at hotdog ang plato ko.

"Baka ako po ang mamahala sa LCM, ayaw po kasi iwanan ni Aivan ang Rancho." Sagot naman ni Axcel sabay dahan-dahan itong uminom sa kape niya.

"Sino ba ngayon ang CEO ng Montemayor Empire? Si Arthuro pa rin ba?" Tanong pa ni Daddy.

"Si Tito Arthur pa rin po. Si Kuya Greg naman po ang Presidente at baka siya ang pumalit kung sakaling magretiro si Tito Arthur. Naituro na naman po kay Kuya Greg ang lahat ng dapat n'yang matutunan at anim na taon na rin po siyang nagtatrabaho sa Montemayor Empire." Magalang na sagot ni Axcel. Tumango lamang si Daddy.

Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nilang dalawa. Puro business at kung anu-anong bagay lang ang mga pinag-uusapan nila. Nang matapos na akong kumain ay tumayo na rin si Axcel. Magalang kaming nag-paalam kay Daddy at tsaka umalis.

"I'll fetch you later, we'll have dinner." Kaswal n'yang sabi sa akin habang nagmamaneho.

"Anong oras?" Tanong ko sa kanya. I should act normal, hindi ko dapat ipakitang apektado ako.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon