Chapter Thirty Six

394K 8.2K 559
                                    

THIRTY SIX

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Para ka kamong bading!" Natatawa kong sabi sa kanya. Horror ang napili niyang panoorin namin pero siya itong takot na takot.

"Nakakatakot kaya!" Dahilan pa niya. Nagkibit balikat na lamang ako at muling itinuon ang atensyon sa palabas. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapatawa sa tuwing mapapasigaw si Nicollo. I couldn't imagine a six foot tall, with a muscular body and angelic face will be afraid of this. Ilang ulit akong napailing habang natatawa.

Tumagal ang palabas at bigla ay naramdaman ko ang mga braso niya na umaakbay sa akin. Tinignan ko naman siya at nasa harapan pa rin ang atensyon niya. Hinayaan ko na lang siya dahil akbay lang naman iyon at wala naman sigurong mawawala.

"Tangna talaga, hindi ko na panonoorin ulit 'yon kahit kailan!" Saad niya pagkalabas namin mula sa loob ng sinehan.

"Parang iyon lang, takot na takot." Sabi ko naman sa kanya.

"Tara, kumain muna tayo bago umuwi. Nagugutom ulit ako." Sabi niya sa akin at tsaka niya muling hinawakan ang kamay ko at hinatak ako papasok sa isang restaurant. Buong oras kaming nagkukwentuhan at halos ata pati pagligo niya ay ikinuwento na niya sa akin. There's no dead air when it comes to him, hindi niya hinahayaang mamatay ang oras sa pagitan naming dalawa.

Alas diyes y media na ng gabi nang mapagpasyahan na naming umuwi ni Nicollo. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang bawat madaanan namin. I am thinking, what he's doing right now. Kung kumain na ba siya o nainom na ba niya ang gamot niya. Marami akong iniisip at nangingibabaw si Axcel sa lahat ng iniisip ko. Mapait akong ngumiti. How I wish that he's thinking about me too.

"Are you okay?" He suddenly asked. Tinignan ko naman siya at binigyan siya ng pilit na ngiti bago tumango.

Hindi na ulit siya nagsalita hanggang sa namalayan ko na lang na malapit na pala kami. Biglang kumunot ang noo ko ng matanaw ko ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa may harapan ng bahay namin. Mayroong lalaking nakasandal doon at bigla ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Tumigil kami sa tabi nang kotse niya. Akmang lalabas pa si Nicollo ng pigilan ko siya.

"It's too late, thank you for the day. I've enjoyed it." Sabi ko kay Nicollo at tsaka ako humalik sa pisngi niya. I don't want them to see each other dahil alam kong magkakainitan lang silang dalawa.

"Goodnight, see you then?" He said. I just smiled and didn't answer his question. Lumabas na ako ng sasakyan niya at ilang saglit lang ay pinaandar na niya iyon. Naramdaman ko naman bigla ang kaba sa dibdib ko ng makumpirmang siya nga iyon.

"A—Axcel." Nauutal kong tawag sa pangalan niya habang papalapit ako sa kanya. Nakasuot siya ng itim na three-piece suit na bagay na bagay sa kanya. Halatang pagod siya batay sa mga mata niya na malumanay na nakatingin sa akin. Bigla ay napatingin ako sa isang boquet ng flowers na nakapatong sa may kotse niya.

"W—What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Pinilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"I just came here straight from the conference in Baguio." Sagot niya sa akin. Bakas sa mukha niya ang sobrang pagod. Kinuha niya iyong boquet ng flowers at bigla niyang inabot sa akin. I could my heart beating really fast.

Axcel never gave me flowers.

Tinaggap ko naman iyong bulaklak na ibinigay niya. I muttered my thanks to him. "Have you already eaten?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot.

"Uuwi na lang ako." Biglang sabi niya at akmang tatalikod ng hawakan ko ang kamay niya.

"Dito ka na kumain at matulog, masyadong malayo ang pinaggalingan mo. I'm sure you're really tired." Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako sa bawat tingin na ibinibigay niya sa akin.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon