Chapter Nineteen

394K 8.1K 895
                                    

NINETEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Tinignan ko ang bagot na mukha ni Axcel habang nakaharap sa malaking salamin sa may kwarto n'ya. Naningkit ang mga mata ko sa kanya at tsaka ako lumapit sa may harapan n'ya.

"Mas magiging g'wapo ka kung ngingiti ka." Sabi ko habang inaayos ang itim na polo shirt n'yang suot. Bagay na bagay sa kanya 'yon dahil ako ang pumili noon para sa kanya.

"Bakit ba kasi ayaw mong sumama?" Nakasimangot n'yang sabi habang nakatitig sa akin.

Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. "Date n'yong dalawa 'yon. It's the time para maibalik ang dati. Hindi ba't iniyakan mo nga siya noon? Ito na 'yong chance mo at ayokong makaistorbo sa inyo." Sabi ko. Umupo naman siya sa dulo ng kama n'ya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Hindi ka naman makakaistorbo." Nakasimangot pa rin n'yang sabi. Tinabihan ko naman siya at tsaka ko siya inakbayan. Ginulo ko ang buhok n'yang natural ng magulo.

"H'wag kang sisimangot kapag kaharap mo na si Thalia, okay? Stay pogi, baby boy." Nakangiti kong sabi sa kanya. Sinabi ko kasi kay Thalia na mag lulunch sila ni Axcel at mag sisine para diretso silang magsimba. Nainis si Axcel sa akin dahil mas pinangunahan ko pa raw siya, pero hindi rin n'ya ako natiis at kinausap ako. Pinipilit n'ya akong sumama na lang sa kanila pero ayokong makisali sa araw nilang dalawa.

"Tsaka lagi kang magsasalita at mag-oopen lagi ng topic. Baka mamaya n'yan mapipe ka na naman at magsungit. Kakaltukan talaga kita kapag nalaman kong hindi mo siya kinakausap." Sabi ko sa kanya.

"Di sumama ka na lang." Pagpupumilit pa rin n'ya.

"Magtigil ka nga sa pangugulit mo, Montemayor." Seryoso kong sabi sa kanya at tsaka ko marahang pinisil ang kanyang pisngi.

Nalaman ko kasing hindi naman talaga niya gustong maka-date si Thalia. Si Alex lang ang nagsabi noon kay Thalia at hindi naman sineryoso ni Axcel pero si Thalia, she took it seriously. Pinilit ko lang siyang makipag-date para hindi naman nakakahiya kay Thalia. Ako pa nga ang nag-suot sa kanya kanina ng damit at kulang na lang ay ako ang magpaligo sa kanya sa sobrang pagpipilit ko.

"Basta iyong pangako mo na tayo naman ang mag-dedate ah." Sabi niya. Iyon kasi ang hiniling n'ya kanina para pumayag siyang makipagdate kay Thalia. Dapat kasi ay magsisimba kaming dalawa mamaya at tsaka mamamasyal sa mall.

"Oo na!" Sabi ko sabay pisil sa matangos n'yang ilong. Tumayo na ako kaya tumayo na rin siya at sabay kaming lumabas sa kwarto n'ya.

Kinuha ko lang ang bag ko sa may lamesa at tsaka ko siya muling nilingon.

"Tara na." Sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya at tsaka sumunod sa akin.

Tahimik lang kami habang nasa elevator. Walang umiimikk sa amin at tila ba pinakikiramdaman lang namin ang isa't-isa. I heard him sighed.

"I really don't like this kind of feeling. Para akong nagtataksil sa'yo ng harap-harapan." Bigla n'yang sabi.

"Ano ka ba, nakalimutan mo na ba 'yong sinabi mo sa akin seven years ago? Hindi ba't sabi mo, we don't need to take the engagement seriously? Axcel, hindi sa habang panahon nasa tabi mo ako. Tsaka huwag mo na akong isipin dahil ayos lang ako." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Now, I hate myself for saying that to you seven years ago." Bumubulong n'yang sabi. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi n'ya.

Ngumiti lamang ako. "Ang pangit mo talaga, kainis." Natatawa kong sabi. Sumimangot lamang siya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon