Chapter Thirty Five

400K 8.3K 1.4K
                                    

THIRTY FIVE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Isang lingo na ang nakalipas simula nang huli kong makausap si Axcel. Pilit ko siyang iniiwasan at hindi naman ako nahirapan na iwasan siya dahil laging na kay Thalia ang oras at atensyon niya. Hindi ako sanay na hindi ko siya kausap o kasama pero pinipilit kong sanayin ang sarili ko dahil iyon naman talaga ang dapat kong gawin.

Alam kong isang araw, magigising na lang ako na wala na akong nararamdaman pa para sa kanya.

Last time, tinanong n'ya ako kung sino si Nicollo. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Tila ba nagkaroon ng pag-asa sa dibdib ko na nagseselos siya dahil kay Nicollo. Umaasa ako noon na sabihin n'yang nagseselos siya at sabihin niyang ayaw niyang makikita kaming magkasama. Pero lahat ng iyon ay biglang nawala, nang magsalita siya ulit.

"Nevermind, wala naman akong pakielam sa inyo."

Aaminin ko, nasaktan ako ng sobra sa sinabi niyang iyon. Tipong buong gabi ako umiyak dahil lang doon. Hindi ko lubos maisip na wala rin siyang pakielam sa akin kahit na buong buhay ko na kasama ko siya, mayroon akong pakielam sa kanya. Kahit na buong buhay ko kasama siya, alam ko sa sarili kong mahal ko na siya.

"Ma'am Heena, mayroon pong naghahanap sa inyo sa ibaba." Bumalik ako sa realidad ng may biglang kumatok sa may pintuan ng kwarto ko. Sabado ngayon at wala akong klase at balak ko lamang mag-kulong sa kwarto ko. Wala naman kasi si Axcel para samahan akong pumunta sa mall o hindi naman kaya ay puntahan siya sa unit niya.

"Sino raw po?" Tanong ko.

"Lalaki po, Ma'am Heena. Sinabi n'ya pong bumaba raw po kayo agad at magwawala siya kapag wala pa po kayo roon ng limang minuto." Saad ni Ate Belen na matagal ng naninilbihan sa bahay.

Agad namang kumunot ang noo ko at sinabi niya at dali-daling binuksan ang seradura ng kwarto ko.

"Ano raw po?" Gulat kong tanong. Sinong pangahas ang magsasalita nang ganoon sa loob ng pamamahay ko? Aba, ang kapal naman ng mukha n'ya!

"Kayo na po ang makipag-usap, Ma'am Heena. Eh natatakot ako sa sinasabi nang lalaking iyon." Sabi ni Ate Belen. Agad naman kaming bumaba at mula sa itaas ay nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod sa akin at prenteng nakaupo sa may sofa namin. Nakita ko rin ang isang maid na pumunta sa pwesto niya at binigyan siya ng orange juice. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko sa aktong iyon.

"Who the hell are you?" Mariin kong giit pagkababa ko ng hagdan. Hindi siya lumingon sa akin kaya mas lalo akong nairita.

"Sino ka sabi—" Bigla akong natigilan ng tumayo siya at harapin ako. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang pamilyar n'yang pagmumukha at ang nakakaloko niyang ngiti. Natigilan ako at tila ba agad na umakyat ang dugo sa ulo ko sa sobrang inis.

"Hi, sweety. Na-miss mo ba ako? Kasi ako kung hindi mo tatanungin, miss na miss na kita." Nakangisi niyang sabi sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" Mataray at naiinis kong tanong sa kanya. Mas lalo naman siyang ngumisi na siyang mas lalong kinainit ng ulo ko.

"Hindi mo man  lang ba ako papakainin? Hahalikan sa pisngi? O sasabihang, 'miss na rin kita' kahit plastikan lang?" Saad niya.

"At bakit ko naman gagawin ang mga bagay na 'yon? Sino bang may sabi sa'yong pumunta ka rito?!" Inis kong tanong sa kanya.

"Ikaw. Ipapaalala ko lang sa'yo na may date tayo, nakalimutan mo na?" Kunot noong tanong niya habang magkasalubong ang mga makakapal niyang kilay. Pinakatitigan ko naman siya at mas maayos na ngayon ang mukha n'ya kesa sa huli kong kita sa kanya na puro pasa at galos ang mukha. Makinis at maputi ang mukha niya at mas kita ko na ngayon ang itsura niya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon